Pero okay na rin yon. Nasanay na ko sa cold treatment niya samin. Kapag yata siya ang nagsimula ng conversation naming dalawa ay doon pa ko mailang.

Lumabas na kami ng bahay at may naghihintay na samin na limousine. Sumakay na kaming lahat doon at tahimik na bumyahe.

"Shin, anak, bakit ka naka-tuxedo pa? I think the dress looks nice already." Sabi ni Mama at nagulantang naman ang buong pagkatao ko. Napipikit na ako nang bahagya nung bigla siyang magsalita eh.

"Makikita po kasi mga pasa ko sa braso, so I covered it up with this." Sabi ko at napatingin naman siya sa akin nang matagal habang napatungo si Sr. Matt at tumingin sa labas haban nag-iigting ang panga.

May nagawa ba akong mali?

"May iba ka pa bang nararamdaman? May masakit pa ba sa 'yo? Gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital?" Sunod-sunod niyang tanong at umiling naman ako kaagad.

"Hindi na po, I don't want to disturb your plans saka kuya Jin did a good job treating me last night, so okay na po talaga ako." Sabi ko at ngumiti sa kanya at malungkot siyang ngumiti pabalik sa akin.

Nagkaroon ng katahimikan muli sa loob ng sasakyan at hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa balikat ni kuya Jonas.

"Shin, gising na. Nandito na tayo." Sabi ni kuya Jonas sakin habang inaalog yung balikat niya para magising ako.

"San tayo?" Tanong ko sa kanya pagkadilat ko. Hindi kasi familiar 'yong lugar for me.

"Try mong bumaba muna." Sabi niya at bumaba naman ako. Nakita kong naglalakad na sila papasok sa isang restaurant.

Sumunod naman kami sa kanila at pagpasok namin ay napatingin samin yung mga tao. Karamihan samin nila kuya tapos meron din kila Mama. At swear, napansin kong may inirapan si Mama. Kahit pala kasal na sila possessive pa rin siya?

Tuloy ang bulungan habang naglalakad kami papasok and it bothers to know na halos lahat ng tao sa restaurant na ito ay kilala kami.

"Is this supposed to be a party or what? Bakit kilala tayo ng lahat?" Narinig kong tanong ni kuya Miere pero walang sumagot sa kanya, dahil lahat kami, wala ring alam.

Tuloy-tuloy lang naman kami sa paglakad at pumasok kami sa isang private room kung saan kami lang ang tao at may isang mahabang table. Mas gusto ko pa ron sa labas, para kahit papano may ingay.

Guess it's not a party.

Umupo na kami sa table namin at um-order na sila papa ng para sa aming lahat.

Habang hinihintay namin 'yong pagkain ay tahimik lang kaming lahat nila kuya. Bahagya akong nag-inat dahil sumasakit na ang balakang ko nang biglang magtunugan ang buto sa likod ko.

Lahat ng mata ay nakatingin sakin na nanglalaki, pati na rin ang mga mata ko.

"Safe pa ba 'yon?" Tanong ko kay kuya Jin na nanglalaki rin ang mata.

"May tumama ba sa likod mo kagabi?" Tanong niya at agad na tumayo para pakiramdaman ang likod ko.

"Wala, sa braso lang ako natamaan kahapon." Sabi ko at agad naman siyang umupo sa upuan niya.

"Edi signs of aging." Natatawang sabi ni Blake at inirapan ko naman siya.

Dadaldal sana ako nang makita ko sila Sr. Matt. Shoot, nakalimutan ata naming lahat na andito sila.

"How could you manage to get a cut?" Tanong ni Sr. Matt out of nowhere kaya napatingin kami sa kanya.

"Po?" Tanong ko sa kanya dahil sakin siya nakatingin.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon