Ngumisi lang siya sa tanong ko.

“Sa bulletin board. Ninakaw ko.” Tumawa lang ako sa sagot niya. May kuleleng talaga sa utak ang babaeng ‘to.

Yeah right, picture ni President Nate ang nasa loob ng envelope. Shit lang ha. Napaka-hot niya sa suot niyang three piece suit. Kahit nakasimangot siya, he’s still as hot as Ian Somerhalder! Tang’na, may pagkakaabalahan na naman ako nito.

Sinulyapan ko si Mica na kumakain sa ice cream ko.

“Bessy, may nude pic kaya siya?” Muntik na siyang masamid sa tanong ko. Sayang! Hahahaha!

“Ang halay mo!” Tumawa lang kami sa loob ng cafeteria.

I looked at Nate’s picture once more. Napangisi nalang ako.

I’ll get you Nate, by hook or by crook.

 

 

 

***

“Alam niyo ba guys, nawawala daw ang picture ni President sa bulletin board. Sabi nila may kumuha daw.”

 

“Talaga? Sayang! Sana ako nalang ang kumuha nun. Ang swerte naman ng nagnakaw.”

 

Palihim lang kaming nakangisi ni Mica sa loob ng classroom. Ha! Asa kayo, sa akin lang si Nate.

“Kareeza.” Napalingon ako sa may pintoan.

“Ano’ng kailangan mo?” Tanong ko sabay irap.

“Para sa’yo.” Inabot niya sakin ang paborito kong bulaklak. Nakatingin lang ako sa kanya at walang imik. I can almost sense na pati ang mga kaklase ko ay nanahimik rin. I sighed deeply. Kung ako lang ‘yong dating Kareeza, malamang namatay na ako sa kilig pero unfortunately, hindi na ako ‘yon. Matagal ko na ‘yong inilibing at pinatay.

“Stop this nonsense, Brent. Alam mong hindi mo na ako madadaan sa mga ganyang bagay.” Binalik ko sa kanya ang puting rosas. I know its rude pero wala na siyang magagawa. Matagal na akong walang gusto sa kanya. Aside from hearing my heavy breathing, I can also hear his own breathe. Napailing nalang ako habang itinuon muli ang atensyon sa ibang bagay. I don’t want to give him false hopes kaya mas mabuti ng alam na niya na wala na siyang lugar sa buhay ko.

I glanced at the doorway the moment I heard his footsteps leaving.

“Ang bad mo Kars.” Sinamaan ko ng tingin si Micaela. Wala kasi siyang alam. Lahat ng nangyari noon, ako at si Brent lang ang nakakaalam.

Brent is my first love and my ex. He used to be my best friend also but everything just happened in a snap. Nagising nalang ako na parang nire-reject. I did everything just to have him and let him stay pero gumawa talaga siya ng rason para kahumian ko siya. Pinatawad ko na siya pero kahit kailan ay hindi ko makakalimotan ang ginawa niya.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now