"I'm gonna call and tell Sr. Matt what happened." Sabi ni kuya Jonas at naglakad papalayo sa amin.

"Sr. Matt?" Tanong ni Kris at napatingin kami sa kanya.

"Papa namin." Sagot ni kuya Trace.

"Yes. I know. Pero bakit sir?" Tanong niya. Buti pa siya, merong courage na tanungin kung bakit Sr. Matt ang tawag namin sa tatay namin. Dahil kahit ako, hindi ko magawang magtanong.

"Pakiramdam ko, di niya kayang tanggapin na may anak siyang mas pogi sa kanya." Sagot ni kuya Jin at napatawa kami. Because seriously, wala namang nakakaalam saming magkakapatid kung bakit yun ang tawag namin sa kanya.

"Hindi ka pa uuwi Kris?" Tanong ni Blake at napatingin kami sa kanya.

"Shoot! 4 na?!" Gulat niyang sabi at napatayo na naman siya kaagad.

"I think you should stay. For the night. Gabi na at baka may mga mafia pang nakaabang sayo sa labas. Lalo na't makikita nila na galing ka dito sa loob ng subdivision." Sabi ko at naramdaman kong napatingin silang lahat sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Magstay ka raw muna kasi mami-miss ka niya." Sabi ni kuya Jin at tinapik yung balikat ni Kris.

"That's not what I mean!" Pagdepensa ko pero tumango lang sila at nagpunta na sa kanya-kanya nilang kwarto.

"Pagpasensyahan mo na." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya sakin.

"Aakyat na ko, ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Siyempre. Ano pa bang gagawin ko dito." Natatawa niyang sabi at inirapan ko naman siya nang pabiro.

Umakyat na ako at naramdaman ko namang nakasunod siya sakin.

"Ano, dito ka na lang matulog. Sa kabila pa kasi yung guestrooms, eh tinatamad na kong dalhin ka ron." Natatawa kong sabi.

"Sang kabila?" Tanong niya.

"Kabilang bahay." Pagpapaliwanag ko ko sa kanya at tumango naman siya.

"Katabi mo lang yung kwarto ko tapos andon naman sa bandang kaliwa pa sila kuya, so kung may kailangan ka katok ka na lang." Sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa kwarto ko.

Maayos naman yung kwarto na pinagdalhan ko sa kanya. Yun yung kwarto ko nung bata pa ko, but when I grew up, sumakit na ang mata ko sa pink na pader at mga bedsheets na pinili ng nanay ko para sakin kaya lumipat na ako ng kwarto. Maayos naman yun dahil kahit wala ng natutulog doon at araw-araw pa rin iyong nililinis ng mga maid.

-

"Shin gising! Kailangan daw natin magreport sa board!" Pagtawag ni kuya Jin sakin at bumangon naman ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya at tinignan niya ko.

"Malamang nalaman na nila kung ano nangyari kagabi." Sagot niya at tumingin naman ako sa wall clock ko at nakita kong 4:30 pa lang ng madaling araw. We will be reporting at 6 am.

"Bakit ang aga mo mang gising?" Tanong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang na baka matagalan ka magready dahil sa sugat mo. Bilisan mo na. You'll ride with me." Sabi niya at tumango ako at naglakad na papunta sa cr ko.

Hindi naman ako natagalan dahil kagaya nga ng sinabi ko kagabi, namanhid na yung katawan ko sa mga sakit na nararamdaman ko.

Pero natagalan akong maligo dahil sinulit ko yung init ng tubig.

Nagsuot na lang ako ng tank top at leather jacket para matakpan ang pasa ko sa braso at ripped jeans at combat boots naman para ibaba.

Itinali ko sa messy bun ang buhok ko at naglakad na ako pababa at nagpunta sa may dining at naririnig ko naman silang nagkakainan don.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon