"Ahh ganun ba edi okay." Sagot ko sa kanya.

"So okay lang sa'yo kung magkatabi tayo?" tanong sakin ni Nathan.

"Ikaw ang bahala. Hindi ko naman pagmamay-ari iyang upuan na 'yan." Teka! Bakit parang ang sungit ko ngayon?

"Sungit naman nito ngayon. Parang wala tayong pinagsamahan."

Nagpapacute ba siya? Sarap kurutin ng pisngi!

"Pinagsamahan! Ayy oo nga pala." Natawa ako ng pilit, "Sorry naman kung nasungitan kita." Nginitian ko nalang siya.

May lahi talaga 'tong si Nathaniel James Arrastia na Spanish, German, Japanese, and Filipino. Kaya nga gwapo 'yang best friend ko.

Dumating na ang aming dakilang guro! Este ang strict teacher namin na si Ms. Dizon kaya kanya-kanya nang upo sa sariling mga upuan 'yong mga kaklase kong kanina lang ay nag dadaldalan.

After ng class may one hour break time kami. Kaya pumunta muna kami ng best friend kong si Roxy sa garden ng aming school, doon talaga kami madalas tumambay kapag wala pang klase.

"Friend bakit kanina pa nasa likod mo si pogi este Nathan?" pabulong na sabi ng kaibigan ko.

"Aba! Ewan ko dyan." pero bakit kaya?

Nagulat ako ng bigla niyang lagyan ng jacket na suot niya kanina 'yung likuran ko. Kaya ang ibang mga students na nandito rin ay napatingin sa amin.

"Bakit?" tanong ko kay Nathan.

"May... May tagos ka." pabulong na sabi nya sa akin.

What? Halos mamula ako dahil sa kahihiyan. Oh! Lupa lamunin mo na ako.

"Kaya pala ang sungit mo ha." nakangisi pang bulong niya sakin. Nakalimutan ko ngayon pala dadating ang monthly period ko.

"T-thanks!" sabi ko nalang sa kanya at ngumiti ng pilit. "Roxy, tara punta muna tayo sa CR." sabi ko sa kaibigan ko.

Kailangan kong magpalit. Buti nalang ay may extra skirt ako sa locker ko.


Hapon na ang uwian namin. Si Roxy tapos na agad magligpit ng gamit. Excited palagi umuwi 'yan eh.

"Nicole."

"Nicole!" Ako pala tinatawag.

"Huwag mo kasi akong tawagin na Nicole 'di na kasi masyadong ako sanay. Pero dahil kababata kita kaya pwede na rin," sabi ko kay Nathan.

"Pwede ba ako nalang maghatid sayo?" tanong ni Nathan.

"Uhm, sige friend mauuna na ako." si Roxy. Bumulong pa siya sakin, "Ihahatid ako ni Paulo. Sige enjoy este Bye!" Saka siya tumakbo at pumunta sa tapat ng gate kung saan nag aantay si Paulo.

"Sure, Nathan. Tutal wala naman akong kasabay ngayon umuwi." Sang-ayon ko kay Nathan.

Naglakad kami papuntang parking lot. Nang tumapat na kami sa kotse niya ay pinagbukas pa niya ako ng pinto. Gentleman!

"'Di muna kita ihahatid ha?" sabi niya sakin.

"HA? What? If you're planning to do something bad don't ever do it, Nathan! I'm still a V!" ano ba pinagsasabi ko? I should stop reading manga and watching some anime. Makontento lang dapat ako kay Spongebob.

Napatawa naman siya ng malakas dahil sa pagkakataranta ko, "Wala naman akong balak na masama."

"Sige tumawa ka pa!" Hinampas ko siya ng bag ko! Kainis eh!

Pero hala tawa parin s'ya tawa! 1-2-3-4-!

Okay tumigil na s'ya. Kaso parang nagpipigil mahampas nga 'to sa braso.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now