20

605 16 2
                                    

"Sige po " Sabi ko sa babae tsaka ko nginitian.

Nag-intay kami mga 10 mins ganon pero wala parin si Mr. Chan kaya napagdesisyunan naming umalis at ipagpabukas nalang. Baka malate kase kami sa susunod na subject eh.

"Mauuna na muna po kami" Sabi ko sa babae.

Umalis na kami tsaka dali-daling bumalik sa room. Habang naglalakad kami, andaming babaeng nakangisi na halatang ako ang pinagtatawanan. Tsk!

Nilingon ko si Third, matangkad siya siguro mga 1.57 meters siya ganon.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?!" Naiilang na sabi niya.

'Di ko na sya kinibo, tumakbo na ako papuntang room.

"Heyy, musta besh?" Masayang bati ni Jojo.

Wala pa yung susunod na teacher kaya magulo sila maingay!

"Anong nangyari? Ano sabi ni Mr. Chan?!" Tanong niya ulit.

"Wala." Tipid kong sagot.

"Anong wala? Nagtitigan lang kayong tatlo dun?!" Tanong niya na natawa pa ng bahagya.

"Wala si Mr. Chan. Kaya babalik na lang kami dun" Tamad na sagot ko.

"Ahh. E buti hindi ka naman inaway ni Third?" Sabi ni Jojo.

"Ewan ko, mabait naman siya kapag kaming dalawa lang" Malumanay na sabi ko.

"Ayy ganun? Basta sumbong mo lang sa 'kin kapag inaway kanun!" Tapang tapangan na sabi ni Jojo na lumingon pa kay Third.

"Nga pala, wala nga palang klase hanggang sa mag-uwian." Masayang sabi pa niya.

"Ha? Bakit raw?" Tanong ko.

"Kase nga, may meeting daw lahat ng teachers. Kaya siguro wala si Mr. Chan" Sabi ni Jojo.

Luh?! Pinagod lang kami ni ma'am?! -_-

"Saan ka na dederetso ngayon?" Tanong ko.

"Sa canteen. Sama ka?" Sabi ni Jojo.

"Sige. Tara!" Sabi ko.

Canteen.

"Ano bibilin mo besh?!" Tanong niya sakin. Besh?! -_-

"Burger at choco juice. Ikaw?" Sabi ko.

"Wow. Sige,ganun nalang rin yung akin!" Sabi niya.

Bumili kami tsaka umupo muna sa canteen.

"Oyy, sila Third oh!" Sabi niya.

Nakita naming bumibili rin sila Third ng burger, himala ah! Ngayon ko lang nakitang bumili siya ng ganyan.

Nanatili kaming nakatingin ni Jojo kina Third. Bigla namang sumulpot 'yung babaeng nasa chapter 12. Sino ba kase 'yung babaeng yun!?

"Huy!" Sabi ko sa kanya mukang istatwa na tulala yeh.

"Oh bakit besh?!" Sabi naman niya na 'dun parin nakatingin.

"Tara gumala?" Sabi ko agad ko namang naagaw ang atensyon niya.

"Aba besh ah! Mapera ka ha"  Natatawa niyang sabi.

"Haha yes naman. Tara't magshopping!" Sabi ko.

"'La pera eh! 'Kaw nalang!" Sabi niya na nalungkot pa kunwari.

"Nako. Ayaw mo lang gumastos yeh. Tara libre ko!" Sabi ko.

"Game!!" Masayang sabi niya.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon