19: Office

791 26 4
                                    

Oops, masyado yatang malakas ang pagkakahitak ko sa kanya.

Eye to eye contact ang nangyayari ngayon.

Baka ano pa mangyari, ako na ang nag alis ng tingin. Baka 'di pa matapos 'to eh.

"Hayssch" Sabi niya na para bang tamad na tamad.

"B-bakit mo naman ako dinamay ha?! Wala naman akong ginawa eh!" Utal na sabi ko, pero galit.

"Wala naman madadamay dito, kung hindi nakakatawa 'yang mukha mo!" Sabi niya na halatang nagpipigil ng tawa.

'Di nya na napigil kaya humahagakhak siya kakatawa ngayon! -_-

"Tss" Sabi ko sa kanya tsaka ko siya inirapan.

Nakakainis! >_<

Dumiretso ako sa cr.

"Oy, saan ka pupunta?" Tanong niya.

'Di ba obvious na didiretso ako sa cr? Tss. 'Di ko nalang siya pinansin at tsaka umastang papasok na sa cr.

"'Di ba ang sabi pumunta daw tayo sa office?" Inis na tanong niya.

"Alam ko" Sabi ko tsaka pumasok na sa cr.

Tumingin agad ako sa salamin.
O.o Takte?! Ako ba 'to? Kung titingnan nga ang mukha ko e matatawa ka talaga.

Malaki ang eyebags, namumula pa. Maliit ang mata, kaya halatang umiyak. Plus, sinisipon na pala ako. T_T

Maya maya mawawala naman na ito eh!

Nag ayos ayos muna ako bago lumabas, gulat ako nung paglabas ko, eh andun pa rin siya sa harap at halatang inip na inip.

"Oh , e ba't ang tagal mo?!" Tanong niya habang ngumingisi.

Kanina lang e inis 'to e, ba't ngayon nakangisi na naman.

"Nag ayos lang ako, e ba't ikaw andyan ka?" Tanong ko na ngumisi rin.

"A-hh E-hh... Aba malamang iniintay kita!" Inis na utal niyang sabi.

"Eh bakit kailangan mo pa 'kong intayin?" Sabi ko na nakangisi pa rin.

"Eh ano naman sayo? Tayong dalawa ang pinapapunta 'di ba? Kaya dapat sabay tayong pupunta dun!" Sabi niya.

"Ganun ba 'yun?!" Sarkastikong tanong ko.

'Di na nya ako sinagot tsaka kami sabay na naglakad papuntang office.

Nang nasa harapan na kami ng office ay bigla siyang huminto.

"O, bakit ka huminto?!" Tanong ko.

"Malamang , papasok na tayo dyan. Kaya nga lang, mauuna ka" Pangising sabi niya.

"B-bakit ako?! Eh hindi ba dapat ikaw!?" Inis na sabi ko.

"Ladies first!"

Nauna na ko. Kahit kinakabahan.

"A-asan po si Mr. Chan?" Tanong ko sa babaeng nandoon sa loob ng office.

Mr. Chan ang tawag namin sa principal namin dito. Mataba siya, laptrip nga e. Bagay sa apelyido nya! ^_^

"May pinuntahan saglit, intayin nyo nalang muna. Kung okay lang sa inyo?" Sabi ng babae.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon