04: Anong meron?

1.5K 28 0
                                    

Maaga kaming pinauwi ng adviser namin. Maglilibot muna ako para hanapin ang canteen para kumain ng tanghalian.

"Stacey! Sino kasabay mong kakain?" tanong ni Ron.

"Ahh, wala. Ikaw?" sagot ko.

"Wala din. Pwede ako sumabay sayo?" tanong nya.

"Sure" sagot ko.

Habang magkasama kaming naglalakad. Natanong nya ako.

"Kabisado mo na ba itong school natin?" tanong ulit ni Ron.

"Di pa nga e, ikaw ba?" sabi ko sa kanya.

"Di pa din. Ahahha" sabi ni Ron sabay tawa.

Tumawa nadin ako. AHAHA.
Ang cute ni Ron lalo na kapag tumatawa. Crush ko na ata sya. AHAHA :3

Maya-maya nakahanap na kami ng canteen na kakainan. Umupo na kami at tumabi sya sakin. Hinayaan ko na sya baka paglumipat ako e, akalain nya pang may gusto ako sa kanya.

Habang kumakain kami natanong nya ako.

"Ah Stacey, yung katabi mong lalaki kanina.Kilala mo ba yun?" tanong niya.

"Hindi, bakit mo naman naitanong?" sabi ko.

"Ala, tingin kase ng tingin yun sayo e. Huwag mo nalang pansinin ah" sagot niya.

Tumango nalang ako. Nang matapos na kaming kumain. Papunta na kami sa room. Pero nagtitinginan sakin yung mga babaeng nasa palibot. Ano ba meron? Nahihiya na tuloy ako T_T

Para malaman ko kung anong meron sakin. Nagtanong ako kay Ron.

"Ron, napapansin mo ba ang napapansin ko?" tanong ko na para bang takang taka.

"Oo naman bakit?" sabi nyang tanong.

"Ano nga oh?" tanong ko ulit.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon