12: Who's That Girl?

994 29 1
                                    

Nang matapos na ang klase namin ay agad na akong pumunta sa canteen dahil ako lang mag-isa ang kakain ng tanghalian. At baka pagtripan nanaman ako ng mga kabarkada ni Third umiiwas na ako sa gulo.

Habang naglalakad ako papuntang canteen. Hinarang ako ng mga kabarkada ni Third at kinuha ang bag ko. Sinubukan kong kuhanin 'yun pero inilalayo nila ito sa akin.

Pinagpapasa-pasahan nila ang bag ko. Ako naman tong umaasang makukuha ko. Umiiyak na ako pero hindi parin nila ito binigay.

Huminto na din sila pero nang agawin ko ay , ibinuhos nila ang lahat ng laman ng bag ko at hinagis nila ang bag ko sa akin. Kalat-kalat ang mga gamit ko at agad ko itong pinulot.

Umiiyak ako habang pinupulot at iniaayos ang mga gamit ko. Dumiretso na ako sa comfort room at pumasok ako sa bakanteng cubicle at iniiyak ko lang ang lahat ng nangyari.

Parang ayoko ng pumasok pero ayokong ipakita sa kanila na mahina ako.

Pagkatapos kong umiyak, dumiretso na ako sa canteen upang kumain kahit wala akong gana.

Mag-isa lang akong kumakain nang ....

Makita ko sila Third na dito din kumakain. May kasama si Third na babae katabi pa niya ito. Napatingin sa akin si Third at agad kong umiwas ng tingin.

The Bully Fell Inlove In The Ordinary Girl  (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon