xiv. october

1K 48 39
                                    

"Badtrip! Badtrip!" sabi ni Sofia pagkapasok ng computer lab. "Kainis talaga!" Padabog siyang umupo sa assigned seat niya, na nasa harapan ko.

"Manahimik ka nga," sabi ko. "Ituturo talaga kita kay Sir kapag nagtanong kung sino ang maingay."

Sinamaan niya 'ko ng tingin. Wow, fierce. "Che! Pero kasi nakakainis talaga!"

Tinamaan ng isang crumpled paper sa ulo si Sofia. Nilingon ko kung saan nanggaling at nakita kong 'yong kaklase naming GC ang nagbato.

"Ang ingay mo," sabi niya.

Umirap lang si Sofia.

"Bakit ka ba beastmode?" tanong ko.

Humarap siya sa akin. "Ikaw ba bumunot ng bansa natin?"

She was talking about the country that we'll represent on Friday. United Nations celebration kasi and siya ang muse namin. As for us naman na part ng section, may mga activities din para sa amin.

Umiling ako. "Si Luke ang bumunot. Busy ako kahapon ng lunch kaya siya ang pinapunta ko sa bunutan. Bakit?"

"Ipaliwanag mo sa akin kung bakit China ang nabunot niya?! Napakaraming bansa, bakit 'yong mainstream ang nabunot niya!"

Nginiwian ko siya. "Beastmode ka dahil dun?"

She looked at me as if she's offended. "Syempre! Paano tayo mananalo laban sa section nila Gianna kung mainstream na bansa ang nabunot natin?"

Binato ko siya ng pambura. Kung wala lang computer na humaharang sa aming dalawa baka nabatukan ko na siya. Hindi ba maganda naman ang traditional clothing ng China? Rich din sila when it comes to culture, history, tradition and food. Ah, ewan. Bumalik nalang ako sa pag-eedit ng mga pictures na kinuhanan namin kanina para sa computer class. Photography kasi ang topic ngayon at nag-eenjoy akong mag-edit ng color adjustments kasi love 'yong theme at kung anu-anong pose ang ginawa ng mga kagrupo ko.

"OMAYGAHD!" malakas na sinabi ni Sofia. Napakaingay talaga juice ko! "Kaye, Kaye."

Di ko siya pinansin. Kung nagtataka kayo kung nasaan ang teacher namin, nandun siya sa office niya at iniwan lang kami dito para tapusin ang pag-eedit. Kaya naman sobrang confident mag-ingay ng mga kaklase ko. Hinayaan ko nalang kasi malayo naman sa mga classrooms ang computer lab kaya walang maaabalang klase.

"Hala si Gianna at Ferrer ba 'yan?" sabi ng isa kong kaklase.

I froze. Nagkagulo na sila sa puwesto ni Sofia. Lumingon sa akin ang isa kong kaklaseng nakikiusyoso sa computer ni Sofia.

"Uy, sila ni Ferrer?" tanong niya sa akin na para bang alam ko ang lahat ng nangyayari sa buhay mo.

"Ano ba 'yan?" tanong ko.

Umusog ang ilan para makita ko ang screen ng computer ni Sofia. Ah. . .sus, picture mo lang pala na nakaakbay kay Gianna habang ineenjoy ang view ng school.

No big deal.

Ugh.

"Akala ko naman kung ano," sabi ko.

Binaling ko ang tingin ko sa computer ko kahit alam ko na nawala na ang focus ko. Nagsibalikan narin sa kanya-kanyang puwesto ang mga kaklase ko. Habang si Sofia, sa akin parin nakatutok.

"Requirement lang nila siguro para sa computer class nila," sabi niya.

"Wala naman akong sinasabi."

"Sabi ko nga e."

"Anong nabunot ng class nila Gianna?" bulong ko.

"Hindi ko alam e. Iyong atin lang ang natignan ko kanina sa may bulletin board."

Kaye & KeiWhere stories live. Discover now