"If I know! Alam na alam mo na ang tahi sa hindi! Orig yung akin."


"Jino-joke ka lang ei. namamatok ka naman agad."


"Cause you're attacking me below the belt!"


"I always do."


He said with a smirk.


"AYOKO NA SAYO! Matutulog na ko!"


At talagang may galit ang pag-talukbong ko ng kumot.


"Hahahaha! No touch again for tonight?"


"NONE!"


"Okay, by the way, hatid kita bukas. Mag-commute tayo."


Bigla kong na-ibaba ang kumot para makita siya.


"Commute? Pwede naman yung sasakyan ko."


"Wag na, ang gastos mo sa gas. Mag-commute na lang tayo."


Tapos tumayo na siya para ibalik sa cabinet ang mga gamit ko. Bumalik din siya at humiga na sa tabi ko.


"Bakit mo naman ako ihahatid bukas?"


Imposible naman na para malaman niya kung saan ako nagta-trabaho, to think na common friend namin si Jess, o baka naman talagang nagdududa na siya sa kin dahil lang sa mga damit ko??


"Para maka-pag-bonding tayo."


Kung sa bagay, lagi lang kami dito sa pad ko. Pero teka, pwede naman kaming mag-date ah!


"Why don't we just go on a date?"


"Alam mo ikaw, ang gastos mo talaga. I don't want to spend your money on things that were not really necessary. Ayokong masanay tayo sa luho, dahil hindi naman kita ginusto dahil sa mga material na bagay."


Pss, he loves me for my body.


Joke.


"Wala ka bang pera?"


Hindi naman siya ma-o-offend kahit ilang beses ko siyang prangkahin ei.


"Wala."


"Edi ako mag-babayad!"


"Ang kulit mo, ini-explain ko na nga kanina diba."


"Hindi sa hindi kita naintindihan, ang akin lang naman baka nahihiya ka na."


"Hahahaha!"


Sabi na ei, wala talaga siyang hiya.


Tumigil na siya sa pag-tawa niya, humarap sa kin at tumitig ng diretso.


"Alam mo Cindy, sinabi ko na diba na wag nating sanayin sa luho ang relasyon natin, wag tayong masanay ng bigay ng bigay. Hindi porket sinabi kong wala akong pera, ikaw na lahat! Para mo namang sinabi na wala akong konsensya? Ang akin lang, mas maganda ng pareho tayong wala para pantay tayong dalawa."


Blank...

Wala na kong masabi kasi naintindihan ko na talaga siya, Lord siya na talaga!


"Na-gets mo na?"


Tumango ako na para bang na-hypnotize niya nanaman ako at binigyan niya na lang ako ng ngiti sabay gulo sa buhok ko.


"Haay, buti naman. Sige matulog na tayo... Goodnight baby."


Then he kissed me on my forehead.


"Goodnight."


Umurong ako para lumapit sakanya at natulog na kami ng mag-kayakap.


This felt so good. Having a man, who balance every single thing. He knows the true meaning of love and equality.


I'll be a super duper d**mn @** if I ever let this guy slipped on my fingers.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now