#15 : Selosan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tawa tawa mo dyan!" sabi ko sabay pout.

Bigla naman siyang tumayo at lumapit sa akin habang nasa gitna pa rin namin ang lamesa. He reached out his hand at bigla akong pinisil sa pisngi. Tumawa naman siya at umupo ulit.

"Hahaha, Xyra ang cute mo talaga." Nathan.

( ̄. ̄)

Confirmed. Abnoy ang lalakeng to. Anong cute? Ano ako aso? HOY DIYOSA AKO! PRINSESA AKO KAYA DAPAT MAGANDA HINDI CUTE.

"Che! Ikaw, kala mo ha." sabi ko sabay kuha ng Tasa ko na medyo may laman pa ng hot choco at binuhos sa kamay na nakalapag lamang sa lamesa.

Bigla naman siyang napa-"ow" sa ginawa ko kaya tumawa ako. Hahaha, ang cute niya masaktan! Mas cute pa kapag nangaasar siya. Buti nga sa kanya! Dapat nga siya yung aso.

"The heck?! What was that for?" galit niyang sabi sabay himas ng kamay niya. Ooops, medyo namula yung kamay niya kasi nga mainit yun. Sorry not sorry.

Binelatan ko naman siya at tumawa pa ng mas malakas. Wala akong pake dahil tatlo lang kami sa coffee shop na ito.

"Hay Nathan, bagay yan sayo. And whoah, amazing! Ganyan ka pala mairita? Haha, now that's what you call a gangster." sabi ko at tumawa ulit.

Now I know bakit gangster si Nathan. Dahil iba rin siya kapag magalit. Yep, he's nice pero pagpinikon mo? Nako ihanda mo na ang kabaong mo.

Tawa lang ako ng tawa at si Nathan naman ay sinamaan lang ako ng tingin. I don't care! Hahaha basta ang cute niya dahil namumula talaga ang kamay niya. Sadista na kung sadista! Hobby ko yun. Kaya nga ako gangster but with class.

Bigla naman akong napatigil sa pagtawa nang may biglang bumukas ng pintuan ng coffee shop ng napakalakas. The hell?!

Nakita ko nanaman siya na parang galit na galit. Ang itim ng aura niya at ang mga masasama tingin ng mata niya ay nakatingin sa akin.

"Let's talk." sabi niya at hinawakan ako sa braso at kinaladkad. Napatayo naman ako at hinahayaan lang siyang hatakin ako kung saan niya man gusto. He always brings out the shit in me. Nakakairita na talaga ang pagmumukha ng lalakeng to. Naiwan ko pa si Nathan dun sa coffee shop.

Hinahawakan niya pa rin ang wrist ko habang hinahatak niya ako papunta sa likod ng boy's dormitory. Mapuno ang mga dito pakiramdam ko nga ay parang nasa gubat na ako eh.

"What dou you want?" galit kong tanong at inagaw sa kanya ang kamay ko.

Humarap na man siya sa akin na may galit sa kanyang mukha. para siyang demonyo na gusto akong patayin. Ano nanaman ba ang problema ng lalakeng to?

"Why are you with Nathan?" seryoso niyang sabi.

My jaw dropped. Ano raw? Kinaladkad niya ako all the way here to ask me kung bakit kami magkasama ni Nathan? Sino ba siya huh?

"Teka nga, pake mo ba kung magkasama kami huh?!" sigaw ko.

Bigla naman siyang lumapit sa akin at kinwelyuhan ako. Shet. Hindi niya talaga ako sinasanto. Ang mga babae niya nilalandi niya. Eh ako? Heto papatayin niya.

"Sumagot ka ng maayos! Shit!" sabi niya at tinulak ako.

Bigla naman ako napaupo. Tsk. Buti na lang at hindi semento at damo ang andito sa sahig. Tumingala naman ako para makita ang mukha niya.

"ANO BANG NAGAWA KO SAYO HA?!" sigaw ko sa kanya. Teary-eyed na nga ako dito. Paano ba naman galit na galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama.

"Diba sinabi ko na sayo na layuan mo na ang Black Horizon? At what is this shit all about huh? Bakit nakikipaglandian ka kay Nathan? Ano bang plano mo?!" sabi niya at biglang sinuntok ang puno na nasa tabi niya.

⊙_⊙

Nagulat naman ako at biglang napatayo. Why is he raging in anger? At anong tawag niya sa akin? Malandi?

"Hindi ako malandi." seryoso kong sabi. Parang bulong na nga yun eh. Hindi ko alam kung narinig niya yun. Nakakasakit.

"Tss. Just stay away." sabi niya at biglang tumalikod.

"Ano bang problema mo sa akin Tyler Montereal?" sabi ko.

Bigla naman siyang tumigil at humarap ulit sa akin.

"You're a walking disaster." sabi niya.

Ako? Walking disaster? Bakit ngayon lang ba siya nakakita ng babae na puro pahamak lang ang dala? Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng kinamumuhian siya at ang grupo niya? Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng hindi takot sa kanya?

Pwes ipapakita ko sa kanya kung ano ang kaya ng isang Adrienne Xyra Saavedra. Humanda siya.

Nilapitan ko siya at biglang sinuntok sa mukha. Nagulat siya at napahawak sa labi niya. Serves him right. Pumutok ang upper lip niya. Tss.

"I'm different from others. You can't order me to do everything you want. Kung ano ang gusto ko yun ang gagawin ko. Wala kang pake kung kaibiganin ko ang mga kaibigan mo. Wala kang pake kung parati tayong nagkikita. At wala kang pake sa mga ginagawa ko!" sabi ko.

Tumalikod naman ako at magwwalkout na sana nang bigla niya ako hinawakan sa braso at hinatak paharap sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko ng pagharap ko ay ang lapit lapit na namin sa isa't isa. Sorry ha ang tangkad niya kasi kaya sa damit niya lang ako nakatingin.

"You don't know what I'm capable of." monotone niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko. Nakatingin pa rin ako sa damit niya. Ayaw ko nga tignan ang lalakeng to, maiirita lang ako eh. Tss. Abnoy.

"You also don't know what I'm capable of." sabi ko sa kanya.

Tinulak tulak ko siya pero ang higpit talaga ng hawak niya sa akin. Kaya parang for 10 seconds ay ganun lang ang pwesto namin.

*Boom*

*Prrrt*

*whhhsk*

Bigla naman kaming napatigil at napatingin sa kalangitan.

Fireworks...

Kung sino ang makakasabay mong lalakeng at kayo lang dalawa ay kayo na and destined for each other.

Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Jade sa akin kaya bigla akong napatingin sa demonyo at ganun din siya na parang gulat na gulat.

NO.

Hindi ako papayag na kaming dalawa ang nakatadhana sa isa't isa. Never.

~*~

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon