Chapter 4: Chasing Hearts

Comenzar desde el principio
                                    

Pinagbuksan siya ni Lorenzo ng sasakyan bago nito idineposito sa likod ang gamit ni Chinny. Mabilis naman itong umikot sa driver's seat at pumasok. Hindi rin maalis-alis ang ngiti nito sa labi tulad ng kanyang nobya. 

Kita ang saya at pagmamahalan sa kanyang mga mata. Nakatingin lang din si Chinny ng nakangiti sa kanyang nobyo. Na para bang ito lang ang lalaking kanyang nakikita, at sobrang saya naman ni Lorenzo. Ang dami sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ang naiinggit sa kanya ng malamang girlfriend nito ang prinsesa ng mga Sandoval. 

At ng makilala nila ito, lalo silang nainggit dahil naman mas maganda pa ito kaysa mga models na napapanood nila sa TV. 

Kaya mahal na mahal ito ni Lorenzo. Ikamamatay niya kung mawala ito sa kanya. At ng makita nito ang lalakeng iyon, ang biglang nawala sa Pilipinas na si Luke Markos Latsis, ngayo'y andito na, at kasama ng kanyang nobya, parang bigla siyang kinabahan. Hindi niya gusto ang kaalamang nakikitira ang anak ng bilyonaryong si Latsis sa kanyang nobya. Mabuti sana kung wala itong itsura, pero pag sila pinagtabi, nagiging ordinaryo nalang ang mukha ni Lorenzo. 

"Hanggang kailan ang lalaking iyon sa condo mo, mahal?" tanong ni Lorenzo kay Chinny, hindi na maitago ang kanyang nararamdamang pagseselos. 

Biglang kumunot naman ang noo ni Chinny. Kita nito ang disgusto sa mga mata ng nobyo at naiintindihan naman niya naman ito. 

May isang lihim na hindi sinabi ni Chinny kay Lorenzo. Iyon ay ang muntikang pagpapakasal niya, kung hindi siya iniwan ng kanyang maging asawa sana, na walang iba kung hindi ang lalaking nasa bahay niya ngayon. 

"Until his place is done," mabilis na sagot ni Chinny saka nito ibinaling ang tingin agad. Hindi kasi nito masalubong ang titig ni Lorenzo, baka makita nitong nagsisinungaling siya. 

Hindi naman na nagtanong pa si Lorenzo. Kinuha nito ang kamay ni Chinny at saka pinagdaop ang kanilang palad, habang ang isang kamay nito nagmamaneho.

Napangiti naman si Chinny. Kahit kailan, talagang malambing si Lorenzo at isa sa mga gustong-gusto niya rito. 

"Saan mo gusto kakain?" tanong nito. Nagkibit balikat si Chinny. Wala siyang maisip na puntahan at wala naman kasi siyang pakialam kung saan sila kakain. Ang importante makasama niya ngayon ang lalake. 

"Anywhere will do," nakangiting sagot nito sa nobyo. Tumango naman ito saka nagpakawala ng matamis na ngiti sabay masuyong pinisil nito ang kanyang kamay. 

"I know a steakhouse that was perfect for this date," medyo mayabang nitong saad at ngumiti lang si Chinny. 

Hindi naman nagtagal, ipinarada nito ang malaking sasakyan nito sa likurang parkingan ng malaking restaurant. Mukhang mamahalin ito at parang bagong open, kaya pala hindi niya ito alam.

Inalalayan naman siya ng kanyang nobyo sa pagbaba ng kanyang sasakyan, at saka nito hinawakan siya sa kamay at sabay na tinahak ang daan papuntang entrada ng restaurant.

Binati kami ng gwardiya saka pinagbuksan ng pintuan. Sinalubong kami agad ng host na babae na nakasuot ng itim at pulang uniporme. Ang mga babae itim na mini skirt at pulang short sleeve na damit, samantalang itim na trousers naman sa mga lalake. Nakabowtie din sila ng checkered red and black.

"Welcome to Heaven's steakhouse mam, sir," ngumiti ang magandang dalagang host sa kanila. matangkad din ito at maganda. May makinis na balat, hindi man kaputian pero kaakit-akit parin ito. May dimple at may katangusan din ang ilong, medyo makakapal na labi. Nakita nito ang pagtitig nito sa kanyang nobyo kaya napahawak siya kay Lorenzo ng hindi niya nalalaman. Agad namang inalis ng host ang kanyang titig kay Lorenzo. 

Napansin ni Chinny ang nakapin nitong nametag at binasa nito bago pa man nito pinakilala ang sarili. 

Loren ang pangalang nakalagay.

Maid For Her BRS3 (Unedited)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora