Chapter 50 : What Actually Happened

1.4K 27 5
                                    

(Chapter 15 “ARCH's POV CONTINUATION”)

Arch's POV

“Goodbye manyak.” sabi ni Marco sa akin

Ipinikit ko nalang ang mata ko dahil alam kong katapusan ko na...

*BLAG!*

Ilang minuto ang lumipas pero wala akong naramdaman na kahit anong mahapdi.

“Wag mo munang papatayin si Arch.” narinig ko ang malamig na boses ni... Daile?

“Waeyo?” tanong naman ni Marco 

Unti-unti kong idinilat ang dalawa kong mata

“May pakinabang pa ito sa atin. Ikulong mo muna yan sa taas.” malamig na utos ni Daile

Nakita kong lumapit si Marco sa akin at kinalagan ako. 

Nang makalag na ito ang tali ko ay agad nitong pinulupot ang kanang braso nito sa leeg ko habang ang kaliwang kamay nito ay hawak ang baril nito at nakatutok ito sa sentido ko.

Hinila ako nito sa isang kwarto sa taas at nilock nito para hindi ako makalabas.

Shit, kailangan kong makaalis dito.

Help me please...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

(Chapter 33 “HARA's POV CONTINUATION”)

“Goodbye Hara!” sigaw ni Samantha sa akin

*BANG!*

“Masyado kang istorbo. You deserve that. I hope you rot in hell.”

Lumipas ang ilang minuto pero wala akong naramdaman na kahit anong masakit.

Idinilat ko ang mata ko at nakita ko si duguang katawan ni Samantha sa lapag. What the?

Tinignan ko naman ang tanong pumatay kay Samantha...

“A-Arch?” mahina kong bulong 

Bakit sya nandito? 

Nagulat nalang ako nang lapitan ako ni Arch at kinalag ang mga tali ko.

Marahas nitong hinawakan ang kamay ko palabas ng bahay na iyon. Ano bang plano nito?

Nang makalabas kami ay naramdaman ko ang bawat patak ng butil-butil na ulan at ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin.

Sinusian ni Arch ang isang kotse gamit ang bitbit din nitong keys. Kailan pa sya nagkaroon ng kotse?

Binuksan din ni Arch ang passenger's seat para makapasok din ako. Sumunod naman nito na pumasok sa driver's seat. Agad-agad naming isinara ang pintuan ng kotse para hindi kami mas lalong mabasa.

Nang ma-ignite ni Arch ang makina ng kotse ay stinart nito ang wiper para makita nito ang dinadaanan nito.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

(Chapter 37 “MIMI's POV CONTINUATION”)

See you at the other life Mikee... Antayin mo lang ako.

Dahan-dahan kong ibinaba ang walang buhay na katawan ni Mikee bilang paggalang sa kanya sa katawan nito.

Lumabas ako ng bahay ko para makahingi ng tulong. 

Maraming dugo ang umaagos mula sa tiyan ko dahil nasa loob parin ng katawan ko ang bala ng baril.

Hindi ko alam kung saan ako pumupunta sa ganitong oras... sana may makakita sa akin.

Nakakita nalang ako ng isang nakakasilaw na ilaw... hanggang sa mapaluhod nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Bago ako nawalan ng malay ay naramdaman ko na may bumuhat sa akin.

It's was Arch and Hara...

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

(Chapter 47 [WHAT ACTUALLY HAPPENED TO MOON AND ADRIAN])

Justine's POV

“TANGINA MO JUSTINE! LET US OUT OF HERE!” biglang sigaw nina Moon and Adrian dahil sa kanilang lahat, silang dalawa palang ang may malay.

“Paano kung sabihin kong AYOKO. May magagawa ba kayo?” sarcastic kong saad sa kanila at inilabas ko ang mga illegal na droga mula sa bulsa ko

Sinindihan ko ang weeds na iyon. Tinakpan ko ang ilong ko para hindi ko malanghap ang usok ng droga.

Nakita kong dahan-dahang naglilikot ang dalawa, bunga ng weeds na nahihithit nila ngayon.

“HELLO! AKO ADRIAN! AKO GWAPO HIHIHIHI.” biglang sumigaw si Adrian at pumalakpak-palakpak na parang baliw

High na 'tong dalawang 'to.

“HI! HI! HI!” si Moon naman ang nagsisisigaw

Magagamit ko na sila ngayon.

Sila ang mga magiging red herrings ko, para hindi nila malaman na kasabwat ko sina Marco, Daile and Darcie. 

Tinignan ko naman ulit ang dalawa at pasirko-sirko silang naglalakad sa kwartong kinaroroonan namin.

Tss. Crazy peeps.

---END OF CHAPTER 50---

Huhuhuhu. Final chapter na ang kasunod nito guys! Thank you for reading this story, kahit alam kong napakacrappy nitong story na 'to.

Thank you for reading!

Vote and Comment <3

【 Suicide Post 】Where stories live. Discover now