Chapter 76: Alec's

Start from the beginning
                                    

Paglabas ko ay nakasakay na si Ianthe sa loob ng Chevrolet ko. Mali yata na ginawa ko pa to.

Pagsakay ko, nakakabingi na katahimikan na ang sumunod. Ang plano ko ay dapat makatulog siya bago kami makarating doon kaya kung saan-saan muna kami pumunta. Hindi naman siya nagtanong dahil nagtatampo yan at mataas ang pride niya. Hindi niya ako kakausapin hanggat hindi ko siya kinakausap.

Nang makita kong nakasandal na ang ulo niya sa bintana ng sasakyan, nagdrive na ako papunta ng venue kung saan ko ginawa ang surprise ko para sa kanya.

Ianthe's Point of View

Nang maramdaman ko na tumigil ang sasakyan, unti-unti akong nagmulat ng mga mata ko. Napansin ko namang nasa labas na si Alec at may kausap sa telepono niya. Inayos ko ang suot ko saka lumabas. Nginitian niya ako saka sinenyasan na sandali lang.

Nang matapos siya sa kausap niya ay hinawakan niya ang isang kamay ko at nagsimulang maglakad.

"San mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya. Nilingon niya ako saka nginitian.

"Mamamasyal.." Napalunok ako dahil sa ngiti na ibinibigay niya saakin.

Ipinagkibit balikat ko iyon at nagpatianod na lang sa kanya. Habang naglalakad kami, bigla na lang akong may narinig na tugtog. Parang tunog ng piano at violin na pinagsama. Napakasarap sa tenga.

"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Parati akong sinasama ni Daddy nun tapos ikaw naman isinasama ka ni Daddy DJ. Hindi ko akalain na yung batang may mataba ang pisngi ay ang babaeng mamahalin at mapapangasawa ko." Napalingon ako kay Alec na nakangiti. Tila ba binabalikan talaga niya ang mga panahon na mga bata pa kami.

Nakangiti ako habang nakikinig sa mga kwento niya. "Tapos nagkita lang tayo ulit nung natapunan ako ng Starbucks frappe sa shirt ko. Nung unang kita ko sayo, nagandahan na talaga ako, kaso nung nagsalita ka, amazona pala." Hinampas ko siya sa braso niya ng pabiro.

"Akala ko noon huling kita na natin sa mall tapos ang pangit pa ng pagkikita natin. Pangalawang beses tayo nagkita nung sa mall ulit. Ang sabi ko sayo hinahabol ako nung taong pinag-utangan ko pero hindi yun ang totoong dahilan." Napakunot ang noo ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nasabi na niya saakin ang dahilan.

"Hinahabol ako ng mga tauhan ni Daddy dahil pilit niya akong pinapapunta sa office niya. Ipapakilala daw niya ako sa best friend niya na Daddy mo pala." Napapailing at natatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Siraulo talaga!

"Hanggang sa dumating yung araw na nakita kita sa park na umiiyak at nakitulog ka sa bahay namin. Yung buong gabi na tulog ka, pinapanood lang kita nun. Doon ko naramdaman na, gusto kitang mapasaya. Mas lalo lang kita minamahal sa bawat araw na lumilipas." Nakangiti siya habang nagkukwento habang ako ay maluha-luha na dahil sa mga naririnig ko.

"Then, sinabihan ako ni Daddy na umuwi ng Pampanga at doon nakasama kita tumira sa isang bahay sa loob ng ilang buwan. Nalaman ko lahat tungkol sayo. Doon tayo nag-umpisa." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. Humarap siya saakin saka ako niyakap.

"I'm beyond happy I met you, Ianthe. Hindi ko pinagsisisihan na inangkin ko yung Starbucks frappe mo noon. Kung hindi dahil doon, hindi kita makikilala, ulit." Natatawang sabi niya. Umiyak na ako ng tuluyan habang natatawa dahil sa mga sinasabi niya. Niyakap niya ako kaya umiyak ako sa bisig niya.

I want to freeze this moment. Ayaw ko na tumigil to. Sana ganito na lang kami kasaya parati. Sana hindi na to matapos.

Nang mapatahan na niya ako ay naglakad nanaman kami papunta sa may-- Wait...

"Kanino bahay to?" Tanong ko kay Alec. Turo ko ang malaking beach house na nasa tapat namin.

"Saatin." Nakangiting sabi niya. Nanlaki naman mga mata ko.

being princess ianthe // knWhere stories live. Discover now