Chapter 76: Alec's

1K 31 0
                                    

O C T O B E R       2 3      2 0 1 6
----------------------- 👑 -----------------------

Alec's Point of View

Kita ko sa mukha ni Ianthe ang pagkainis at pagkadismaya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na yakapin at halikan siya dahil gusto ko talagang paniwalaan niya na wala akong gaanong pake at nakalimutan ko kaya hindi ako prepared.

Tinignan ko ang orasan ko at quarter to 6 na pala. Nastuck kasi kami kanina sa traffic kaya natagalan kami pauwi dito.

"Gusto mo ba kumain?" Tanong saakin ni Ianthe. Tinanguan ko naman siya. Mukhang pinagluto niya ako ng pagkain. Ayaw ko na sumakit pa lalo ang loob saakin ng mahal ko.

Tinikman ko lahat ng pagkain na niluto niya. Puro masarap! Perfect! Hindi mo aakalain na hindi naman marunong magluto noon si Ianthe. Nilalait ko pa naman noon. Noong una kasi kaming nagkasama halatang anak mayaman dahil humawak lang yata ng walis hindi marunong.

Pero ngayon, asawang asawa na talaga ang asta niya. She's the best. When I first saw Ianthe, medyo nainis ako dahil inagaw niya yung frappe ko. Tapos natapon pa saakin. Then nakasama ko pa sa bahay. Ang sakit sa ulo dahil walang alam gawin sa bahay. Wala sa plano ko ang mahalin siya. When it comes to Ianthe, it was, and will never what I expect. Parating iba.

"Gusto mo pa?" Tanong niya saakin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko sandali saka umiling. May dinner date pa kasi kami mamaya. Pero natikman ko naman lahat ng niluto niya. Actually, ayaw ko na tumigil kakakain kaso baka wala namang kumain dun sa hinanda ko mamaya.

Tumango lang siya saka pinaligpit ang pinagkainan namin. Pigil ang pagngiti ko. Ang cute kasi magtampo ng mahal ko..

Buong akala niya talaga mula kahapon ay nakalimutan ko na anniversary namin ngayon. How can I even forgot the date when she said yes to me? That will never be forgotten.

"Do you want to come with me?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"Where?" Tanong niya.

"May aasikasuhin pa kasi akong business. I just thought baka gusto mo akong samahan since wala ka na ring gagawin." Sa isip-isip ko ay nananalangin na ako na sana pumayag siya. Baka kasi humindi dahil masakit ang loob saakin.

"Ewan.." Bumagsak naman ang mga balikat ko.

"Sama ka na.. Tara, magbihis ka na." Nakangiting sabi ko sa kanya at parang bata na nagmamakaawa.

"Psh!" Tumayo siya saka ako nilampasan. Napahinga ako ng malalim saka siya sinundan sa kwarto namin.

Habang naghahanap siya ng isusuot niya ay naupo ako sa kama at tinext sina Hades.

Bumalik na kasi sila doon kasama sina Meg kaya kanina pa wala dito ang barkada.

To: Hades
Bruv, nagbibihis lang si Ianthe then punta na kami dyan. Please, make sure everything will be perfect.

From: Hades
Sure, bruv! Kami bahala dito..

Ilang minuto pa ako naghintay kay Ianthe at tapos na rin siya magbihis sa wakas. Puting dress na may spaghetti strap ang suot niya. Nakamessy bun ang buhok niya like what she use to do. She looks perfect.

"Tara na.." Nilampasan nanaman ako saka naunang bumaba.

What the?! Paano kung business nga ang pupuntahan namin? Ganun ang itsura niyang haharap sa mga kasamahan ko sa trabaho?

Baka makapatay ako kapag may tumingin sa kanyang iba. Gusto ko ako lang ang tumititig sa maganda niyang mukha at katawan. Ayaw ko ng may kashare! I swear, huhugutin ko ang mata ng kung sino man magkamaling titigan ang asawa ko.

being princess ianthe // knTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang