Chapter 30: Batang Alec at batang Ianthe

1.5K 35 7
                                    

M A Y      3 1      2 0 1 6
-------------------- 👑 --------------------

Ianthe's Point Of View

Maaga akong nagising dahil may kakaiba akong nararamdaman. Naghilamos kaagad ako at nagsuklay. Hindi na ako nagabala pa magbihis dahil kaagad akong bumaba.

Nagtungo ako sa kitchen namin dahil may naaamoy akong mabango na nanggagaling doon.

"Nanay Celine?" Nilingon niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling lumapit sa kanya.

"Kyaaaaaaah! Nanay Celine! I missed you so much!" Tili ako ng tili habang yakap ko siya. Natatawa naman siya habang yakap din ako.

"Kamusta ka na, anak?" Tanong niya saakin.

"Okay naman po ako, Nay. Kayo po, kumusta? Nasaan si Tatay Ruben?" Excited kong tanong sa kanya.

"Hinahanap yata ako ng pinakamagandang prinsesa?" Nilingon ko si Tatay Ruben sa likuran ko.

"Tatay Rubeeen! Omggg!" Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Natatawa niya rin akong niyakap pabalik.

"Ianthe, ano ba yang tinitili mo ha?" Pupungaspungas si Maegan habang pababa siya ng hagdan. Nagkukusot naman ng mata si Chastity.

Nang makita nila sina Nanay Celine at Tatay Ruben ay nanlaki rin ang mga mata nila. Tumili at yumakap sila kina Nanay.

"Namiss namin kayo, Nanay Celine at Tatay Ruben." Kumalas na sila sa pagkakayakap.

"Naku, namiss din namin ang kakulitan niyong tatlo." Kinurot ni Nanay ang mga ilong namin kaya natawa kaming lahat.

"Good morning people on Earth! Anong kaganapan ang meron dyan?" Gising na pala silang lahat. Malamang ay nagising sila sa mga tili at sigaw naming tatlo. Si Maegan ba naman ang patiliin mo.

"Guys, meet our Nanay Celine and Tatay Ruben. Sila ang nagpalaki saaming tatlo." Pakilala ko sa kanila. Nagmano silang lahat. At nagpakilala na rin.

"Ako nga po pala ang mapapangasawa ni Maegan. Hades po." Nagmano si Hades sa kanila. Kinurot naman siya ni Meg sa tagiliran.

"Sino naman yang gwapong nasa likuran?" Tanong ni Nanay habang nakanguso kay Alec.

"Nako Nay, gwapo kaming lahat na nandito sa likod. Sino ho ba saamin?" Binatukan ni Alec si JB.

"Ako yun, bruv. Saakin nakatingin kaya wag kang feeling." Pinagtaasan pa siya ng kilay ni Alec.

"Nay, siya si Alec. Asawa ni Ianthe." Kumagat pa si Maegan sa ibabang parte ng labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Tumaas naman ang altapresyon ni Nanay Celine dahil sa sinabi ni Maegan. "Biro lang, Nay." Pagbawi niya. Kaagad namang binigyan ni Tatay Ruben ng tubig si Nanay.

"Alec po. Gwapong manliligaw ni Ianthe." Kinindatan ako ni Alec kaya inagaw ko kay Nanay Celine yung baso na may tubig at ininom. Natuyuan kasi ako ng lalamunan dahil sa sobrang gwapong kindat ni Alec.

"Nako naman... Ang mga babies ko, may mga manliligaw na." Niyakap kaming tatlo ni Nanay Celine.

Napuno ng kwentuhan at tawanan dito sa dining area habang kumakain kami. Mabuti na lang at walang pasok ngayon kaya okay lang kahit magkwentuhan lang kami buong araw.

Kinwento niya yung mga pinanggagawa namin nung mga bata pa kami. Actually, dala niya ang iilan sa mga baby pictures ko.

Tawa naman ng tawa sina Alec sa mga pictures ko. "Mula talaga pagkabata ay mataba na ang pisngi ng Ianthe ko." Marahan niyang pinipisil ang isang pisngi ko habang humahalakhak.

being princess ianthe // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon