Naghiyawan ang mga kaklase ko nang sabihin iyon ng aming guro habang ako naman ay tarantang hinalikwat ang aking bag para tingnan ang aming schedule. Ugh! P.E. nga pala namin ngayon. I didn't know. Edi sana kumain na lang ako ng lunch. Gutom na 'ko at nanghihina. I can't participate in my P.E class! Wala na ba akong mas imamalas pa?

Ako ang pinakahuling lumabas ng classroom at nagpunta sa locker room nang sa ganoon ay makaiwas na rin sa mga mata nila. Pagpasok ko sa loob ay wala nang tao kaya't pumasok kaagad ako sa loob ng bihisan upang magpalit ng uniform.

"I heard wala na siyang immunity? Inalis na raw ni Snowman?"

I froze nang marinig ko na may tao pa pala sa labas.

"Yup. Napatunayang ginamit lang siya para tigilan na siya ng obsess na Cherry na 'yun."

"Pero ano 'tong balita na ipinagtanggol siya ni Snowman last time?"

"I don't know. Ang alam ko lang eh may nakarinig kay Snowman nang sinabi niyang we can already touch her. Wala na raw siyang pake sa kanya. Kaya nga aping-api siya today."

"Serves her right."

Nagulat ako nang biglang bumukas ang kurtina kung saan ako nagtatago.

"What the hell?! May tao pala rito! At nakikinig pa!"

Bigla niyang hinila ang buhok ko palabas. "Ugh! Teka! Nasasaktan ako!" sigaw ko.

Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Ang lakas naman ng loob mo para makinig sa usapan namin!" sigaw niya at sinampal ako. Hindi pa siya nakuntento at sinabunutan ako. Nakisama pa ang isa niyang kasama at sinabunutan na rin ako. I didn't resist at hindi nagpakawala ng kahit anong ingay. I'm used to it. Kahit na sabihin kong tama na, they won't stop.

Natigilan na lang sila nang marahas na bumukas ang pinto ng locker room.

"Bakit ba ang tagal niyo? Hindi pa makapag-umpisa ang game kasi hindi pa kumpleto! Pumunta na kayo dun!" sigaw ng isang babae.

Tumingin silang dalawa sa akin. "Hindi pa tayo tapos. Mamaya ka sa amin," banta nila at saka lumabas.

Nanghihina naman akong tumayo at sumunod na rin sa paglabas. Pagkarating ko sa soccer filed ay nakatingin silang lahat sa akin marahil na rin dahil sa itsura ko. Magulo kasi ang buhok ko sanhi nang pagsabunot ng mga babae kanina. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na ayusin ang buhok ko dahil sigurado akong masasabunutan lang din naman ulit ako mamaya.

"Okay, so ang blue team ay ang nasa pilang ito at ang red team naman ay ang sa kabila. Boys muna ang unang maglalaban. Ang girls naman, give me five laps. Thank you," ika ng teacher namin.

"What?! But Sir?!" reklamo ng mga kaklase kong babae.

"Make it six," matigas na utos nito.

Nagsimula na akong tumakbo paikot sa field. Umiikot ang paningin ko habang tumatakbo. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko pati ang kamay ko gawa na rin ng sobrang init at gutom. Nagsisisi talaga ako na hindi ako kumain kanina.

Nagulat ako nang bigla na lang may tumulak sa akin dahilan para madapa ako. Dahil doon ay napasubsob ang buong katawan ko sa field. Kasabay ng pagbagsak ko ay narinig ko ang malakas na halakhakan ng lahat. Kinagat ko ang labi ko at pinilit kong tumayo. Tiningnan ko ang magkabilang tuhod ko at parehas itong nagdudugo dahil sa sugat na natamo ko.

Pinilit kong muling tumakbo upang tapusin ang anim na ikot sa field. Nang maka-lima na 'ko ay ramdam na ramdam ko na ang kirot sa mga sugat ko dahil nalalagyan na rin sila ng pawis ko. Naramdaman ko na lang ang katawan ko na tumamang muli sa lupa pero may tumulong upang makatayo ako.

"Mahirap 'yan, hindi ka na nila kailangang pahirapan dahil ikaw na mismo ang nagpapahirap sa sarili mo," saad niya.

Agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin at naglakad ako palayo sa kanya. Naupo ako sa isa sa mga bench at tiningnan ang mga sugat ko.

"Ang tibay mo 'no? Hindi pa kita nakikitang umiiyak."

Tumingala ako at nakitang sinundan pala ako ng lalaking tumulong sa aking tumayo. Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa mga sugat ko.

"I'm Storm," pakilala niya sabay upo sa tabi ko.

"And I don't care," sagot ko naman.

Natawa siya sa naging sagot ko. "Ibang klase. No wonder bakit naghihimutok ang Snowman na 'yun ngayon. Nakahanap na pala siya ng katapat."

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Uh, sorry ang daldal ko," parang nahihiyang sabi niya.

Buti alam niyang madaldal siya. Tss!

"Oo nga pala, wala ka nang immunity ngayon. Pero ako muna ang magbibigay nun sa'yo. 'Wag kang mag-alala, hindi ka na nila hahawakan pa," saad niya at saka siya tumayo. Tiningala ko siya. What does he mean by that?

"Bye, sweet girl. It's nice to meet you," paalam niya at saka umalis.

Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa mga sugat ko. Paano ko kaya ito itatago ngayon kina Mama?

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon