Chapter 6

51 8 2
                                    

Buti nalang hindi ako napagalitan kagabi. Hahaha. Kase naman wala pa si mama, nandun sa kapit bahay nakikipag kwentuhan. Oh diba? Nice!. Hahah

Okayyy ang saya ko nanaman... hayy yoko na nga magsaya baka nyan matinding kalungkutan ang ipalit.

Pero dahil minsan lang din naman ito ay yeah just feel it Dian!

Maaga akong nakagayak kaya nagbihis na ako at pumasok sa school.

Ay oo nga pala!!!! Naalala ko may recitation kami ngayon. Lagot hindi ako nakapag review!!!

Ayan, puro kase kasayahan at kaligayahan iniisip ko. hahaha. Nakalimutan ko na yung mga DAPAT kong gawin!

"Dian!!!!!!" Lumingon naman ako. Nakita ko sila Elle papunta sakin.

"Hmmm anong balita?" Tanong ko sa kanila. Haha.

"Ohmy! Alam moba na pinansin na ako ni Rence!!!" Pag hy-hysterical nitong si Cassy na mukhang hindi makakaget-over sa fact na napansin sya ni rence.

"Loka loka! Hahahaa, pinansin ka lang ganyan ka na. OA MO!" Tumawa naman kami. Whahah. But I'm happy for her.

"Ay... masyado ka naman. Haha. Pero kinikilig talaga ako hihi!" May pa akap akap effects pa sya samin sabay hampas. Gigil ata eh. Dapat kay Rence sya nag-gaganyan baka sakali😅

"Ikaw ha! Sige ka! Sasaktan mo lang din naman yang sarili mo eh, baka pag nakita mong may kasamang babae eh umiyak iyak ka, baka sabuyan kita ng kumukulong tubig jan" seryoso kong sinabi. Totoo naman kase.

"Nga naman. Haha, kita mo ako? Naka move on na! Hmf! Simula ngayon hindi nako magpapabola noh!" Si Jessica.

"Uy. Buti naman! Hahahaa libre mo kami ah, naka move on kana eh!" Si Elle habang tinutusok-tusok yung tagiliran ni Jessica

"Ahay ano ba yan! Oo na sige!" Nagdiwang naman kami sa sinabi nya.

"Buti nalang talaga ako walang lovelife. Hahaahaha. At never nagka gusto o naging OA sa mga lalaki." Si Elle na kala mo diring-diri sa mga lalaki. Bwhahah ganyan nga talaga sya

"Nakoooo. If I know, baka lesbian ka" nginisihan lang ni Cassy si Elle. Agad naman nanlaki mata ni Elle

"Eh?? Grabe ka naman sakin! Hindi ba pwedeng ayoko lang??? Duh. Study first din" at umirap pa. Sabagay babae naman kase sya kumilos kaya...

"Agree ako sayo Elle! Haha. Aral muna kase bago lande!" Sabi ko then nag apir kami ni Elle

"Hay nakoo tara na at lunch ko kayo ililibre. Malakki yung binigay na  allowance sakin eh" wika ni Jessica na mukhang masayang-masaya na ngayon.

Buti naman... I'm happy for  her.. now that she finally move on

==========

Laking pasasalamat ko kay Lord dahil hindi nyako hinayaang mangulelat kanina! Buti nalang at nakasagot ako juskooo hahhahaha kung nagkataon baka bumaba grades ko eh

By groupings yung next activity namin. After recitation na individual eh ngayon mag a-activity naman kami. Unahan makapag pass. Pero ayos lang naman mahuli basta sakto sa oras.

"Yes!!!! Na-tama tayo!!! Hahahah! Ang galing natin!" Sigaw ng mga kagrupo ko. Masaya ako para sakanila haha at para na din sakin syempre.

Tuwang tuwa kami kase mataas ang points na nakuha namin. Hahhaha. Which is good!

"Okay now guys. Congrats sa nanalo sa ating group activity! I'll see you next meeting. Goodbye class!" At umalis na si Ma'am namin.

"Huhu. Buti pa kayo Dian, ang swerte mo! Ang gagaling ng nasa group nyo ni Cassy." Nag-pout pa si Jessica.

HOW TO BE FRIENDS WITH A BOY LIKE HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon