Chapter 11: What the?

Začít od začátku
                                    

May pumaradang black na van sa tapat namin. Lumabas ang driver ng van. Baka ito na driver at sasakyan nila Sir Chriss.

"Sir I'm late. I'm sorry po," sabi nung driver niya. Awosh! Okay lang yun. Sanay naman kami mag hintay. Ang importante may mag susundo na saamin.

Pinagbuksan lang kami ng pintuan ng driver niya. Nauna nang pumasok si Sir Chriss, Si Bes Justine at si Melbert. Papasok na ako pero may naalala ako.

Hala? Ang bagahe namin nasa labas pa ng van. Hindi naman pwedeng si Manong lang ang pagpasok nito. Ang dami at ang bibigat pa. Aish. Yung amo ko talaga walang pakealam eh nuh?

"Ma'am ako na ho diyan," pagpipigil sakin ni Manong driver buhatin ang maleta ng boss ko.

"Hindi na po kuya. Tutulungan ko na po kayo. Mabibigat po lahat yan eh,"  tugon ko.

Hindi lang sila mabibigat, sobrang bigat pa. Atsaka di ko naman hahayaan na mag isa lang ang ipapasok ang lahat ng bagahe. Matanda na siya at baka manakit ang kasu-kasuhan niya.

Nang maipasok na namin ang lahat ng bagahe, pumasok na rin kami sa loob ng van. Nadatnan ko si Melbert at Bes na natutulog nang mahimbing. Hays buti pa sila nakakapagpahinga na. Pero ang magaling kong boss ayun, nag ce-cellphone. Busy sa cellphone niya.

"Ma'am maraming salamat po ulit sa pagtulong sa akin sa pagpasok ng mga bagahe."

"Wala pong anuman," tugon ko. Nakita ko sa side mirror ng van na napatingin si Sir Chriss sa gawi ko. Oh ano nanaman napapansin niya?

"Ma'am nga po pala parang familiar ka po sakin," sabi ni Manong.

"Eh manong ganon talaga ang magaganda, maraming kamukha haha!"

Sabi ko na ikinatuwa naman ni Manong driver. Napansin ko ulit na napatingin sakin si Sir Chriss mula sa side mirror.

Ano tiningin tingin niya?

"Sir saan po kayo ihahatid?" tanong ni kuya kay Sir Chriss

"Dito sa hotel na ito," sabay pinakita niya ang lugar ng hotel na tutuluyan namin.

"Sige po."

Habang bumi-byahe, nag kwe-kwento lang si Kuya Elmer, ang driver nina Boss. Grabe pala ang pinagdaanan niya. Mahirap talaga. Laking pasasalamat daw ng mga magulang ni Boss kasi binigyan siya nito ng trabaho. Kaya heto ngayon naninilbihan sa mga Yoo mahigit limang taon na.

"Alam mo ho Ma'am, gustong gusto po ng anak ko ang makapunta sa Seoul kasi gusto niya makita ang mga idols niya," kwento nito.

"Bakit hindi niyo po siya papuntahin dito?" tanong ko.

"Pinag-iipunan ko pa po para kasama niya ang buong pamilya namin at sa 18th birthday niya, plane ticket palipad dito ang regalo ko sakanya."

Grabe noh? Wala talagang ama ang hindi gagawin ang kagustuhan ng anak nila. Hayss naalala ko tuloy si Daddy, kung hindi sana siya namatay, hindi ako mangungulila sa pagmamahal niya pero okay lang andyan pa naman ang nanay ko.

Huminto na ang sinasakyan naming Van sa isang hotel building. Grabe ang ganda talaga rito. Ginising ko na sina Bes Justine bago ako naunang bumaba.

Ibinaba na rin ni Kuya Elmer ang mga bagahe namin.

"Maraming salamat po. Mag iingat po kayo sa pag uwi," paalam ko sakanya.

"Wala ano man po. Basta mag text lang po kayo kung may kailangan kayo sakin. Sir paalam na po," sabi nito.

"Sige po," sabi ng boss ko. Kahit papaano pala may galang siya sa mga matatanda.

"Let's go," he commanded. Pumasok na kami sa loob ng hotel. Ang ganda talaga rito. Ang mga chandelier. Ang mga tao rito. Ang gaganda nila.

"Ay sorry po," sabi ko. Nakabangga kasi ako ng isang koreano eh. Hindi man niya naintindihan pero at least alam niya na nag sorry ako.

"Excuse me Sir how can I help you?" tanong nung babae sa information desk.

"Ah yes, can you check the room numbers under the name of Mr. Seo," tanong ni Boss.

"Sir do you have any reservation?"

"Yes we have."

Hinahanap na ng babae ang mga pangalan namin. Ang tagal naman.

"Sir you only have 3 reservations," sabi nung babae.

"But Miss we reserved 4 rooms,"

"I'm sorry sir but you reserved 3 rooms only,"

"Ano? Bakit ganyan? Bro," tanong ni Sir Chriss kay Sir Melbert.

"Di ko rin alam bro. Basta apat ang pina-reserve kong kwarto."

"Tch. Okay okay. Miss can you check our room number?,"

"Sir Mr. Seo will stay in room 145, Miss Yoon will stay on room 144 and Mr. Yoo and Miss Anicete will stay on room 143," sabi nung babae.

Agshjsbjs...

"ANO?"

"ANO?"

Parehas namin sabi ni Sir Chriss. Kaming dalawa pa ang mag-she'share ng kwarto? Pero bakit?

"Miss can you change, in room 143 me and Miss Yoon will stay on that room and Mister Yoo will stay on room 144?" I requested.

Hindi pwedeng kami ang mag share ng kwarto. Hindi ako komportable.

"I'm sorry Ma'am you cannot change the designated names on the reserved room. That is our rules and regulations."

"F*ck. Okay fine. Give our room keys," Sir Chriss said.

Ahhjkekdkssk... No choice talaga. Mag she'share kami sa iisang kwarto. Argh!

Behind the SecretKde žijí příběhy. Začni objevovat