Chapter 35

124K 3.6K 1K
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello, readers! I'm on Patreon (www.patreon.com/barbsgaliciawrites). Here, you can pledge a little amount to show your support for me and my stories. Becoming my "Patron" is a nice way to help me keep doing what I love. All patrons will also be given access to advanced chapters and other exclusive content not available here on my Wattpad.

• • •

Manila

"LEILA? NAKIKINIG KA ba sa mga kwento ko?"

Para siyang biglang nabalik sa sarili. Inayos niya ang buhok niya tapos nginitian ako nang tipid. "Oo naman. Sorry, natulala ako."

"Masyado bang ma-drama ang kwento ko?"

"Uhm, medyo. Pinapasok ko pa nga sa utak ko, eh. Hindi ako makapaniwalang gano'n ang kinahantungan niyo ni Desa. Sayang."

Ngumiti lang ako nang mapait sabay yumuko. Tinuloy ko ang nilalaro ko rito sa cellphone ko.

Buti naman at nakikinig pala talaga siya sa 'kin. Akala ko wala siyang interes sa kwento ko tungkol sa 'min ni Desa. Hindi kasi siya umiimik. Baka nabigla siya sa mga sinabi ko. Kung sabagay, sino nga naman ba'ng hindi mabibigla. Ngayon na lang kasi ulit kami nagkita, tapos ang lungkot pa ng kinwento ko sa kanya.

Oo, nakabalik na si Leila galing sa Switzerland. Ilang buwan na siyang nandito si Pinas, pero ngayong gabi lang talaga kami nagkita at nakapag-usap. Biglaan pa nga 'to.

May dinaluhan kasi akong tattoo event ngayon. Hindi ko alam na ang team pala nila Leila ang official photographer. Nagkita tuloy kami nang hindi namin inaasahan. Si Raquel naman kasi ang labo din, hindi man lang binanggit sa 'min. Baka raw kasi mailang kami 'pag nalaman namin at hindi na kami tumuloy sa pagpunta.

Ngayon nakaupo kami ni Leila dito sa labas ng pinaggaganapan ng event. Kasama rin namin kanina rito si Raquel, pero bumalik na siya ro'n sa venue para mag-shoot. Naiwan kami ni Leila.

Ramdam ko ngang hindi pa rin kami okay at naiilang pa rin siya sa 'kin, pero nakakatuwa kasi kahit papa'no, pinapansin niya ako.

"Hindi mo kinwento kay Raquel 'tong nangyari sa inyo ni Desa, 'no?" biglang tanong ni Leila. "Parang wala kasi siyang nabanggit sa 'kin. Minsan kasi 'yong si Raquel, ang hilig magkwento kahit hindi naman ako nagtatanong."

Natawa ako. "Hindi ko kinwento sa kanya no'ng nagpa-tattoo siya sa 'kin dati sa bago kong shop. Ayoko kasi sana munang alalahanin ulit no'n. Medyo hirap pa ako dahil ilang buwan pa lang naman ang nakalilipas mula no'ng nalaman ko 'yong tungkol sa bago ni Desa."

"Ah."

"Pero ayos na," tuloy ko. "Kahit papaano naman gumaan na rin ang pakiramdam ko mula no'ng nag-pasko ako sa ermat ko sa Baguio."

"Baguio? Nasa Baguio ang Mama mo?"

"Do'n na siya nakatira. May kinakasama nang bago."

"Ah. That's good. Kumusta naman 'yong lalaki? Approved ba?"

"Ayos naman. Byudo, may ibang anak. Pero ayos lang. Ang importante naman sa 'kin, wag niyang iiwan si Mama katulad ng ginawa ng tatay ko."

"Tama naman."

Uminom siya sa binili niyang kape bago ulit nagsalita. "Balik tayo kay Desa. Wala ka pa ba uling balak hanapin siya para malaman na ang totoo?"

Natahimik ako saglit. "Tingnan natin. Sa ngayon, binabalik ko pa muna ang sarili ko. No'ng nawala kasi siya sa 'kin, parang nawala din ako."

"Pa'no kung makita mo na siya? Ano'ng unang gagawin mo?"

"Siguro yayakapin ko."

"Tapos pa'no 'pag inamin niyang totoo ngang pinagpalit ka niya sa iba? Magagalit ka sa kanya?"

TLAD: Behind the Tattoos [Companion Book]Where stories live. Discover now