TGIAG 16

2.5K 65 0
                                    

Valerie's POV

   Hello!?Alam kong kilala niyo na ko kaya di na ko magpapakilala.So nailibing na si Lesley nung isang araw at nandito kami ngayun sa basement ng mansyon.Nagulat nga kami dahil meron palang basement tong mansyon nila Aud--este nila Keith eh.

"Aud--este Keith,bakit di niyo sinabi na may basement ang mansyon?"tanong ni Xander.Lumingon si Keith samin pero walang reaksyon.

"Maraming sikreto sa basememt na toh na kelangan niyong malaman."sagot niya kaya nagkatinginan kami at napakibit balikat nalang.May pinindut siya sa pader at bumukas ang nakaharang na pader sa harap namin kaya napa 'woah' kami.

"Astig nun ah!"sabi naman ni Yohann at nakipagapir kay Xander.Tsk,kalokohan pa rin talaga nito.

Naunang pumasok sina Keith at Ethan sa loob,kami naman ay nagaalangan pang pumasok pero napalingon nalang kami kay Thunder ng bigla siyang pumasok ng dire-diretso kaya pumasok nalang din kami.Nakaupo silang tatlo sa sahig kaya naupo na rin kami at ito kami pabilog.

"Bakit.....may mga pictures sa mga pader?"tanong ni Aris.

"Yan?yang mga yan ang mga taong kumalaban samin."napalingon kami kami kay Ethan ng magsalita siya

"Nasan ang.....pamilyang martinez?"tanong ni Chase.

"Wow!nagsalita rin siya!"nakangiting sabi ni Yohann.Tiningnan lang siya ng masama ni Chase kaya nagpeace sign siya.

"Ayun!yung nasa gitna."turo ni Keith sa pinakadulo at nakita namin ang tatlong miyembro ng martinez.Ang ama,ina at anak na lalaki.

"Sila?"tanong naman ni Ace.

"Ay hindi,ito oh ito!"pambabara ni Xander kaya medyo napangiti kami.Binatukan siya ni Ace kaya napahawak nalang siya sa ulo niya.

"Guys!nandito tayu para magusap sa darating labanan natin.Nagpadala ng sulat ang kambal na magkakaroon ng labanan sa darating na Linggo.Sabado palang naman at hindi bukas yun,kundi sa susunod na linggo pa.Kaya kelangan nating magensayo at itong basement ang gagamitin natin."seryosong sabi ni Keith.

"At,kaming anim lang ang marunong makipaglaban kaya dapat turuan na namin kayo,Iris,Ace,Aris at Val."sabi naman ni Ethan.Nagkatinginan kaming mga babae maliban kay Keith na nakasandal sa balikat ni Ethan at nakatulala.

"Hey,wag kang magalala,Keith.Mananalo tayo,papatunayan natin sa kambal na yun na mali ang pinaniniwalaan nila.Okay?"sabi ni Yohann dahil parang nagiiba nanaman ang mood ni Keith,ngumiti ito at tumango.

"M-masama lang a-ang pakiramdam ko."sabi niya kaya bigla siyang inakbayan ni Ethan dahil namumutla siya.

"Keith,namumutla ka!"sigaw ni Aris at dahil dun bigla nalang nawalan ng malay si Keith.

"KEITH!?"sigaw namin at binuhat naman siya ni Ethan at agad kaming pumunta sa taas para mapainom namin siya ng tubig,mukang pagod kasi kanina pa siya matamlay.

"Val!kumuha ka ng tubig!"utos ni Iris skin kaya tumango ako at tumakbo papunta sa kitchen at kumuha ng baso at binuksan ang ref para kumuha ng pitsel at nagsalin saka sinara ulit ang ref at tumakbo.

"Eto na!?"sigaw ko t agad na kinuha ni Etham ang baso saka pinainom kay Keith.

"Keith?"sabi ni Ethan.

"G-gusto kong mag-p-pahinga,K-kuya."sabi ni Keith at tumango si Ethan..

"Dito lang kayo,iaakyat ko lang siya,para makapagpahinga."sabi ni Ethan at binuhat ulit si Keith at umakyat.

"Anong nangyayare kay Keith?"tanong ni Aris.Close na talaga ang dalawa kaya masyadong magaalala itong isang toh.

"Pagod lang yun"sagot ni Yohann at sumandal sa sofa saka pumikit.

"Saan ka pupunta,Thunder?"tanong ko dahil bigla siyang tumayo at pumunta sa pinto.

"Sa kapatid ko."cold niyang sabi niya.Naku,alam ko na gagawin neto dun.Magwawala toh.

"Sama ko.P-pwede ba?"tanong ko.Tumango siya at tumalikod nalang.

Thunder's POV

       Nakasunod lang sakin si Val,naglalakad na kami papunta sa puntod ni Lesley.Habang naglalakad ay nagulat ako ng abutan ako ni Valerie ng panyo dun ko lang napansin na umiiyak na ko.

"Hmm,umiiyak ka nanaman.Sa tingin mo ba,matutuwa siya na malungkot ka?"sabi ni Val.Napangiti na lang ako at pinunasan ang luha ko.

"Namimiss ko lang ang kapatid ko,hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko eh."sabi ko.Napatango nalang siya.May hawak siyang bulaklak na para kay Lesley at ako naman ay kandila at posporo.

Pagdating sa tapat ng puntod ni Lesley ay agad kaming lumuhod at nilagay ang kandila saka bulaklak.

"Lesley,nandito na ulit kuya mo.Sinamahan ko na baka magwala eh."natatawang sabi ni val kaya napailing ako.

"Tss,Lesley.Miss ka na ni Kuya.Daya mo talaga!kasama mo na sina mama at papa.Sabihin mo pangako ko sa inyo,ipaghihiganti ko kayo.Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay mga pumatay sa kanila."sabi ko at ikinuyom ang kamay ko.Galit na galit ako sa sarili ko dahil di ko man lang nailigtas ang kapatid ko at ako rin ang may kasalanan kung bakit namatay sila mama.

Flashback....

"Thunder!umalis kana!?isama mo ang kapatid mo!"sigaw ni Papa.

"Ayoko papa!?gusto ko sumama!?"umiiyak kong sigaw.

"Umalis kana!?!?!"sigaw ni Mama kaya mas lalo akong naiyak ng biglang....

"THUNDER!?"sigaw nila at bigla akong niyakap

*bangbang*

"MAMA!?PAPA!?!"sigaw ko,nakita kong umalis yung lalaking bumaril kina mama!at hindi ko makakalimutan ang muka niya.

"A-anak......a-alagaan mo a-ang k-kapatid mo ha?p-pangako mo s-sakin.*cough**cough*"sabi ni papa,wala na si mama hindi na siya humihinga.

"P-pangako po,papa."sabi ko,unti unting pinikit ni paa ang mta niya at tuluyan ng nawalan ng buhay.

"PAPA!?MAMA!?!?!!"sigaw ko.

End of flashback....

"ARRRGGGGHHHH!?!?!"sigaw ko at pinagsususuntok ang lupa.

"Thunder!tama na!"sigaw ni Val at niyakap ako.Isa pa tong babaeng toh.Simula nang makita ko siya sa Korea ay bumilis ang tibok ng puso ko kahit na bungangera siya.Napakabait naman niya.Mahal ko na si Val.Hindi ko alam kung ganun din siya.

"Thunder,tama na.Ayaw makita ni Lesley na sinasaktan mo ang sarili mo."sabi niya habang yakap yakap ako.Humiwalay siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Tandaan mo,Thunder.Nandito lang kaming mga kaibigan mo para saiyo.Hindi ka namin pababayaan."sabi niya.

"Salamat,V-val."sabi ko at yumuko nalang.

"Tara na,pagabi na oh.Baka magpakita satin yung ibang nakalibing dito dahila ang ingay natin.Haha."sabi niya kaya napatawa ako.

"Babye,Lesley.Alis na kami."sabi niya.

"Bye,Les....mahal na mahal ka ni Kuya."sabi ko at umalis na kami ni Val.Nakamotor kami kaya mabilis kaming nakauwi at naabutan naming tulog na ang mga kumag sa sala.tsk.

*-*-*-*-

Kahit di ko nagagawan ng POV si Lesley eh noh.Basta ang rile niya dito ay mabait,tahimik,laging seryoso at nakikisakay sa trip ng iba.Yun lang,and sorry dahil late ud ulit.

-trollqueen.

That Girl Is A Gangster (Complete)Where stories live. Discover now