TGIAG 03

6K 120 1
                                    

Chase's POV

       Nandito ako sa sala nakaupo at hinihintay na bumaba si Audrey dahil may pupuntahan kami.Pinagpaalam ko na siya kay Ethan alam naman ni Ethan ang balak ko dahil hindi pa daw kayang kalimutan ni Audrey ang nangyare sa mga magulang nila noon.Masyado daw kasing nagluksa at nasaktan si Audrey sa pagkawala ng magulang nila.

"Oh,Chase?di pa kayo nakakaalis?"napalingon ako kay Ethan at umiling.Umupo siya sa katapat kong sofa at binagsak niya ang sarili niya doon.

Napatingin agad ako sa may hagdan ng may marinig akong hakbang pero agad akong nadismaya ng makita si Iris.

"Oh,Chase.May pupuntahan ka ata ah,saan yan?"nakangiting tanong ni Iris.

"Si Audrey?"tanong ko.

"Ayun,narinig kong humihilik pa,bakit?kasama mo?"sabi ni Iris.

Sabay kami ni Ethan na napa hayy nalang.Tumayo ako at umakyat para gisingin ang babaeng tulog mantika!?tanghali na kaya!?

Sinipa ko yung pinto at yun nga nakahiga pa ang babaita,at humihilik,tsk tsk tsk.Pumunta ako sa may kurtina at hinawi yun para pumasok ang sikat ng araw at sakto namang sa muka niya yun tumama

"ANO BA!?NATUTULOG YUNG TAO EH!?"sigaw niya.Lumapit ako at hinila ang dalawa niyang kamay patayo.

"ANO BA?!"sigaw niya.

"May nakalimutan ka ata?AALIS tayo!"sabi ko kaya naman napadilat siya at tumayo.

"BAT DI MO SINABI AGAD EDI SANA KANINA PA KO BUMANGON!?"sigaw niya at kinuha ang tuwalya at pumasok sa C.R

"Sinabi ko na kagabi!"sigaw ko.

"TSS WHATEVER!?"sigaw niya kaya napailing ako.Ayos talaga tong babaeng toh eh.

Lumabas na ko sa kwarto niya at bumaba.Nakita ko naman ang nakangising muka ni Ethan at Yohann.Si Xander naman naglalaro sa cp niya pero nakangisi rin.

"Ayos ha!"sabi ni Ace at umirap.Problema netoh.Pati si Iris mukang badtrip.

"Problema ng mga toh?"tanong ko habang nakaturo sa dalawang nakabusangot.

"Pinagtripan kasi nila,Xander at Ethan."sagot ni Yohann.Hahaha kaya pala.

"Ace,tara gala tayong DALAWA!?"sabi ni Iris at hinatak si Ace palabas.Paglabas nung dalawa nagtawanan yung tatlong mokong.

After 30 mins....

Nakita kong bumaba na si Audrey at ayos ang pormahan ah,ganda niya...Teka ano pinagsasasabi ko.Tsk.Naka pantalon siya may butas sa tuhod ang hilig niya dun tapos naka long sleeve na checkered na blue and black na tinutupi niya hanggang siko niya.At nakalugay,tumingin siya samin saka ko napansing naka eyeliner siya.

"Wow!?ang ganda ni Audrey!?"sigaw naman ni Yohann,kaya binatukan ni Ethan dahil ang lakas ng sigaw.

"Tss,ganda ng date ni Chase.San kayo magdadate?"tanong ni Xander.

"Mga loko,may pupuntahan lang kami!"sabi ko.Tiningnan ako nung dalawa ng mapangasar na tingin.

"Tss,panget niyo!"sabi ko.

"Wow,nagsalita ang GWAPO!?"sabi naman ni Audrey,aba pati siya mangaasar.

"Oo naman,gwapo ko kaya!"sabi ko at nagpogi sign pa,umirap lang siya.

"Tara na!kala ko ba aalis tayo?"sabi niya kaya tumakbo ako para habulin siya sa may pinto napairap nalang siya at nauna na.Pagdating sa Parking lot dito sa gilid ng mansyon...

"Oh?saan tayo sasakay?sa kotse mo?"tanong niya.Tumango ako at nauna na sa kotse sumakay na siya kaya sumunod ako.Pansin ko lang wala siya sa mood.

"Mukang wala ka sa mood ah,next time nalang kaya?"sabi ko.

That Girl Is A Gangster (Complete)Where stories live. Discover now