Open Arms - 6

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit... Maga yang mata mo?" tanong ni Sehun na hindi pa din inaalis yung tingin n'ya kay Luhan
Umiwas ng tingin si Luhan "W-wala, alam mo na, The Fault in Our Stars, kakatapos ko lang uli basahin kagabi. Pati napanuod ko yung Titanic" palusot ni Luhan. Tumango-tango lang si Sehun "Sige" sagot n'ya na animo'y kumbinsido sa sagot ni Luhan. Kahit na alam n'yang hindi naman talaga 'yon ang dahilan. Tumayo si Sehun sa kinauupuan n'ya. "Salamat" sambit n'ya ngunit bago pa man s'ya maka-alis ay tinawag s'ya ni Luhan
"Sehun..." mahinang sabi ni Luhan. Napatigil sa paglalakad si Sehun at nilingon n'ya si Luhan.

"P-pwedeng..." huminga ng malalim si Luhan. It's now or never, ika nga n'ya at kailangan n'yang makasama si Sehun sa huling pagkakataon "Bumalik ka dito? Kahit, bukas lang?" naka-yukong sambit ni Luhan "P-please" nag-crack ang boses ni Luhan na s'ya namang kumurot sa puso ni Sehun. Oo. Gusto n'ya gusto n'yang makasama si Luhan sa huling pagkakataon gusto n'yang mayakap uli s'ya, gusto n'y—

"Hindi pwede" sabi ni Sehun. Gusto n'ya, pero si Mars. Naghihintay.
"P-parang awa mo na, Sehun" Napakadesperadong pakinggan ni Luhan. Pero gusto n'yang makasama si Sehun.

Nakatayo lang si Sehun sa tapat ng pinto.

Lumingon s'ya kay Luhan.

"Sige"

--

Kinabukasan, masayang binati ni Luhan si Sehun na nasa tapat ng kanyang pintuan sa muling pagbabalik ni Sehun. Masaya si Luhan. Hindi, sobrang saya n'ya. Kumain silang tatlo ng sabay-sabay, si Yoona, si Luhan at si Sehun. Pero umuwi din agad si Yoona pagkatapos non. Masaya si Luhan. Baliw na kung baliw, basta masaya s'ya. Masaya s'ya dahil nandyan si Sehun.

--

"Luhan" kumatok si Sehun sa labas ng pintuan ng dating nilang kwarto ni Luhan "Luhan..." muli n'yang sabi habang kinakatok ang pintuan "Aalis na ko". Sapat na siguro 'yon, naisip ni Sehun. Tumalikod na s'ya sa pintuan ng kwarto ni Luhan pero may narinig s'ya.
"Nghh..." napalingon s'ya sa pintuan ng kwarto ni Luhan ngunit hindi na n'ya pinansin iyon at nagsimula ng mag-lakad "Nggghhh..." "Nghh..."

Hindi na mapigilang tumakbo ni Sehun pabalik sa pintuan ng kwarto ni Luhan. Kumatok s'ya "Luhan..." hindi sumasagot si Luhan kaya naman kumatok s'ya ulit, mas may pwersa at mas malakas "Luhan! Ayos ka lang ba?!" kumatok ng kumatok si Sehun. Naisipan n'yang tawagan si Yoona, kinuha n'ya ang cellphone n'ya, pero pag-bukas n'ya "Shit" ang tanging lumabas na salita sa bibig n'ya. Naalala n'ya na wala nga pala s'yang number ni Yoona. Nataranta si Sehun. Kinuha n'ya ang wallet n'ya na may naka-sabit na susi. Susi ng kwarto nila—ng kwarto ni Luhan. Hindi n'ya alam kung bakit n'ya pa ito tinatago, ewan n'ya ba. Napaka-halaga ng susing iyon para sa kanya. Binuksan n'ya yung pintuan at nagulat s'ya sa nakita n'ya. Si Luhan, naka-talukbong ng kumot.
"Ngghhh..." sabi ni Luhan sa ilalim ng kumot. Tumakbo si Sehun palapit sa kanya "Shit" sambit n'ya "O-okay k-ka lang ba? Teka, tatawagan ko si Yoona, pati tatawag ako sa ospital, kay—" hindi na pinatapos ni Luhan si Sehun magsalita, sa halip ay inalis n'ya ang kumot na naka-talukbong sa kanya at pilit na tumayo "O-okay l-lang a-ako Se-Sehun..." tinignan n'ya si Sehun sa mata "H-hindi ko s-sila k-kailangan..." naramdaman ni Luhan ang mga nangingilid na luha sa mata n'ya na pinipigilan n'ya sa pagbagsak mula sa mga malamlam n'yang mata

Open Arms {hunhan}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon