[4] Unending Fights

Start from the beginning
                                    

"You know what's safe? It is a place where you don't exist, gangster."

Natawa siya nang mahina sa naging sagot ko. Inirapan ko na lang siya at saka dahan-dahang naupo sa kalsada.

"I'm tired," nanghihinang sagot ko. "I really am tired."

Simula pa kaninang umaga ay wala na akong energy. Sa loob lang ng isang araw ay naubos na lahat ng lakas ko kasama siya. I can't believe na wala pang 24 hours ang lumilipas pero ang dami nang nangyari sa buhay ko kasama siya. Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit at saka dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. "Can I just sleep here?" tanong ko.

"Do you f*cking have any idea of what you're doing?" sita niya nang mahiga na ako sa kalsada. "Get up, stupid."

Napabuntong hininga ako nang hilahin niya ako patayo. "Wala na akong lakas para umuwi. I think I'm lost," saad ko.

"I know. But I can't let you sleep here."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumuko at inalis ang sapatos ko.

"And what do you think you're doing?!" gulat na tanong ko.

"You won't have your shoes back unless sasakay ka sa likod ko para ihatid ka pauwi," seryosong sagot niya.

"What? Nababaliw ka na ba? Why would I do that?"

"Because you're tired. Now sasakay ka ba sa likod ko at ihahatid kita or you'll walk barefooted?"

Umatras ako palayo sa kanya. No way. I'd rather walk barefooted than to ride on his back.

"Just as I thought," bulong niya at nagulat ako nang ibato niya ang sapatos ko sa may bakanteng lote.

"Are you crazy?! Bagong bili ang mga 'yon!" sigaw ko.

Nagulat ako nang imbes sagutin ay bigla na lang niyang hinawakan ang blouse ng uniform ko. And the next thing I knew... he can almost see my undergarments. Kaagad kong tinakpan ang dibdib ko. "What the hell?! Bakit mo sinira ang uniform ko?!" sigaw ko. I swear if only killing was made legal, I would kill him first!

Natawa siya nang malakas dahil sa naging reaksyon ko habang ako naman ay ramdam na ramdam ang pag-init ng mukha ko. Ugh!

"I saw nothing alright? As if I wanted to see that," natatawang saad niya. Kung kanina kaya ko pang tiisin ang mga pinaggagawa niya, ngayon hindi na. Pakiramdam ko ay umuusok na ang ilong ko sa galit. Hindi ko na maisara ang uniform ko dahil nagtalsikan na ang mga butones nito. Kung alam ko lang na mangyayari sakin 'to sana ay nagsando ako.

Tinalikuran ko siya at aalis na sana para iwan siya pero hinila niya ako sa braso. "I didn't ruin your uniform for nothing. Now, sumakay ka na sa likod ko. If throwing your shoes didn't work for you, I guess kailangan na kitang hubaran. Or do you want me to do something more than this?"

Napailing ako. Ibang klase. He's someone who'll give you no choice. It's either susunod ka sa gusto niya na walang angal or susunod ka sa kanya nang pwersahan. He knows how he'll get what he wants. And since he left me without a choice, napilitan akong sumakay sa likuran niya.

"Nakasakay ka na ba nyan? Parang wala naman akong binubuhat."

I don't know why but napangiti na lang ako. Regardless of his monstrous image, may mabait pa rin naman pala siyang side.

Tahimik lang kami habang hinahanap ang bahay namin.

"What's your real name?" tanong ko out of the blue pero hindi siya sumagot at sa halip ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Napabuntong hininga ako. "Mine is Summer," saad ko nang hindi pa rin siya umiimik.

Nagulat ako nang bigla siyang huminto sa paglalakad. "Are we trying to get to know each other here?" tanong niya.

Natawa ako nang mahina. "I think there's no point in hiding my real name. You've already found me, in just a span of one week." Hindi na siya nagsalita pa at saka ipinagpatuloy na lang muli ang paglalakad. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit sandali.

"How did you find me?" tanong naman niya.

Kumapit ako nang maigi sa kanya bago sumagot. "May mga lalaking sumisigaw nun and they caught my attention. Ikaw 'yung binubugbog nun. I thought you were dead already pero hindi pa pala so dinala kita sa hospital."

Natahimik ulit kami hanggang sa huminto siya sa paglalakad.

"Oh bakit?" tanong ko.

"There's a man," sagot niya. "I think he's looking for you."

"H-ha?!"

Napatingin ako sa harapan namin at nakita ko si Papa. Kaagad akong bumaba sa likuran ni Jack Frost at inayos ang sarili.

"P-pa..."

"Summer?" kunot noong tanong niya. "Ikaw na ba 'yan?"

Kinakabahan akong tumango. "Opo," sagot ko.

"Alam mo ba kung anong oras na?!" galit na tanong niya at napatingin sa kasama kong cursing machine. "Magpaalam ka muna sa kasama mo at mag-uusap tayo," saad niya at saka pumasok sa loob ng bahay.

Napatingin ako kay cursing machine at nakitang matalim ang tingin niya sa akin. "Is he your father? I thought he's dead?" tila galit na tanong niya. "Lying about your name is somehow forgivable. But this time it isn't. I thought you were different. You disappointed me," dire-diretsong saad niya at saka ako tinalikuran.

"W-Wait." pigil ko.

"You don't want to see me again, right? So am I. I don't want to see you anymore. Don't show me your disgusting face ever again," walang emosyong sabi niya.

Napanganga ako sa narinig ko. "Aren't you going to listen to me first?" naiinis na saad ko.

"There's no way you can fool me again. Good bye," saad niya. And with that, he left.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTWhere stories live. Discover now