[4] Unending Fights

Magsimula sa umpisa
                                    

"Didn't I warn you about not touching what's mine?" saad niya at saka binitiwan ang lalaking hawak-hawak niya. Namimilipit na napaatras ang mga lalaking nakahiga na sa sahig. Teka, huwag mo sabihin sa aking napatumba niya kaagad ang mga iyan?!

Galit at dahan-dahang lumapit sa amin si cursing machine. Halata namang agad na nataranta ang lalaking nakahawak sa akin. "Huwag kang lalapit kung hindi ay sasaksakin ko ang babaeng 'to!" sigaw niya pero sa kabila noon ay patuloy pa rin ang cursing machine sa paglapit.

"And what do you think you're doing, gangster? 'Wag ka raw lalapit or else he's gonna stab me!" sigaw ko. Hindi niya ba 'yun maintindihan? Or gusto niya lang talaga akong ipahamak? Ugh! Napapikit ako nang mas ilapit ng lalaki ang patalim sa akin.

"Go ahead, stab her and I'm gonna f*ckin' kill yah."

"Haha! Sa tingin mo ay natatakot ako sa'yo?!" sigaw ng lalaki.

"Don't you know who I am?" tila confident na tanong ng cursing machine.

"B-bakit? Sino ka ba?" kinakabahang tanong ng lalaki.

Nagpakawala muna ng nakakalokong ngiti ang cursing machine bago niya sinabi ang pangalan niya.

"My name is Jack Frost," at pagkasabi niya noon ay kaagad na natahimik ang paligid. Napanganga ang lahat ng tao sa bar.

Nabitiwan ng lalaki ang patalim na nakatutok sa akin at napaatras. Nagsi-atrasan rin ang iba. Nagulat na lang ako nang nag-uunahan silang nagtakbuhan palabas ng bar. And in a flick of hand, tanging ang mga kalat na lang at sirang mga gamit ang natira sa loob ng bar.

Nagtataka kong tiningnan ang cursing machine na nasa harapan ko. Binigyan niya ako nang makahulugang ngiti at hinaplos-haplos pa niya ang kanyang baba.

"Don't you ever underestimate my capabilities ever again," overconfident na saad niya habang patuloy sa paghaplos sa baba niya.

"Tch! I didn't know that you could save the both of us by merely saying your name."

"I had no choice. They were lucky I didn't kill them," banta niya.

Ngumuso ako at saka lumapit sa lamesa namin kanina at kinuha ang bag ko. "I swear to God, I don't wanna see you again," saad ko.

"Yeah right. Whatever," sagot niya at saka tinalikuran ako. "See you tomorrow," dagdag niya at nagsimulang maglakad palabas ng bar.

"But I said I don't wanna see you again," sabi ko.

Huminto siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. "Alright. So do you want me to take your eyeballs out?" malokong tanong niya.

Ugh! So frustrating gangster!

"Whatever!" sagot ko at saka inunahan siyang lumabas ng bar.

Inis akong nagmamadaling naglakad pauwi. What a good place to live! Walang kailaw-ilaw plus the fact na wala man lang taxi na dumadaan. And I don't even know kung papaano ako uuwi. I think I'm lost. Bakit ba kasi ako sumama sa gangster na 'yun? He kept on dragging me into a lot of trouble!

Ilang bahay na ang nadaraanan ko pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ang bahay namin. Pagod na rin ako sa kakalakad and I badly want to take a rest. Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa taong kanina pa sunod nang sunod sa akin.

"Will you please stop following me?" inis na utos ko sa kanya.

"I'm just making sure you'll get home safe," sagot niya.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon