Bonding 2

5.9K 177 1
                                    

After ng mga maraming rides ay nag pahinga muna kaming dalawa ni raven.

"Whooo!!!kapagod!"-sabi niya sabay inom ng tubig.

Nasabi ko na bang ang hot ni raven salvador?
Kasi kung hindi..sinasabi ko nang hot niya na.

Umiwas na lang ako ng tingin baka kasi mag kasala pa ako at mapag-taksilan ko pa si justin ng wala sa oras charot~

"Dun naman tayo sa ferriswheel"-masayang sabi ko at hinila siya sa ticket booth ng ferris wheel.

Nang makakuha na siya ng ticket ay sumakay na kami.

Mahina lang ang andar nitong ferris wheel na sinakyan namin kaya maganda☺

"Gusto mo na bang maalala ang nakaraan nating dalawa?"-tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Bale ang puwesto namin ngayon ay magka-harapan kami ngayon.

"Oo puwede bang ikwento mo na"-sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Bumuntong-hininga muna siya.

"Nagka-kilala tayo sa isang engagement party noon at ang party na yun ay para sa ating dalawa"-simula niya.

Engagement party?

Para sa aming dalawa?

"You mean.."-bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay sumabat na siya.

"Oo tama ang iniisip mo fiancee kita noon at fiance mo naman ako.
Nung una ay ayaw ko sayo kasi may mahal akong iba at yun ay si stella
Hindi pa ako nakaka-move on sa kanya nung mga panahon na yun kaya naiinis ako sayo kasi parang naiisip ko na ikaw ang dahilan kung bakit wala na kaming pag asa ni stella dahil nga ikakasal na tayong dalawa.
Nang maikasal na tayo ay ikaw lang ang masaya samantalang ako ay isinusumpa na ang araw na yun dahil tuluyan na akong natali sayo kaya ang ginawa ko sayo ay araw araw kitang pinapahirap at sinasaktan hanggang sa dumating ang araw na bumalik na si stella.
Sobrang saya ko na ang araw na yun dahil makikita ko na ang taong matagal ko nang hinihintay na bumalik.
Kinausap ko nun si stella at tinanong kung mahal niya pa ba ako at luckily ang sagot niya ay oo.
Simula nun ay doon ko na siya pinatira sa bahay natin.
At simula din nun ay naging palaban kana sa akin hanggang sa isang araw ay pinaki-usapan ako ni stella na saktan ka.
Ang sabi niya sa akin ay kailangan kong magpanggap na mahal na kita at kapag nagawa ko yun ay atsaka na kami puwedeng magpa-kasal at dahil nga mahal ko siya ay sinunod ko siya pero hindi din nag tagal at nalaman mo din.
Nung panahon na yun ay iniwan mo na ako at ang panahon na din na yun ay naguguluhan na ako sa nararamdaman ko at isang araw ay nalaman kong nag file ka ng annulment at umalis ka nang bansa.
Hindi ko pinirmihan ang annulment dahil doon ko na-realize na mahal na pala kita.
After 3 years ay bumalik ka na ulit pero iniiwasan mo ako kaya gumawa ulit ako ng paraan para bumalik ka ulit sa akin.I court you again at hindi din nag tagal ay naging maayos na ulit tayo pero makalipas ang ilang linggo ay niloko na naman kita dahil naging karelasyon ko si samantha na bestfriend mo habang may relasyon pa tayong dalawa.Nasaktan ka nun kaya naaksidente ka at idinala ka sa ibang bansa pero bumalik ka pero this time ay nakipag-hiwalay ka na sa akin.
After a years ay bumalik ka ulit pero galit ka sa akin kaya
I court you again and again at sinagot mo din naman ako makalipas ang ilang buwan.
At dumatin na ang isa sa mga masasayang araw sa buhay ko yun ay ang ibigay mo sa akin ang sarili mo.
Pagkatapos ng araw na yun ay naisipan kong isurpresa ka....isurpresa ka nang isang kasal at mangyayari na sana yun pero nangyari ang isang aksidente na bumago sa ating dalawa"-kuwento niya.

May ilang mga imahe ang pumapasok sa isip ko.

Mukha ng dalawang matandang mag asawa(magulang niya po yung tinutukoy niya)at isang babaeng kasama ko mag shopping(samantha)at isang babaeng kasabay ko mag lakad palabas ng airport(farah)isang lalaking kasama ko sa park(justin)isang babaeng sinabunutan ako(stella)at isang lalaking katabi kong matulog(raven)

Hindi ko ma-identify ang mga mukha nila dahil blurd pa ito.

Pero sigurado akong ang mga tao na yun ay parte ng nakaraan ko.

Tumingin ako sa mata ni raven.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

At may isang pangyayari na naman ang lumitaw sa isipan ko.

Ako yung babae at naka-wedding dress at hinalikan ako ng isang lalaki(yan po yung scene ng unang kasal nila shiela at raven hindi ko lang po yan isinali sa story)

Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

At lumitaw ang isang napakalinaw na pangyayari sa isipan ko.

Hinalikan ako ni raven......sa rooftop ng building ng condo namin ni farah(yan po yung nasa book 2 yung nagka-ayos na sila ni raven at shiela)

...............

Ang haba nito guyz!

Hehehe support lang po guyz.

MHIAUC 3-Memories Of Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon