Clinic

940 49 4
                                    

It was one hot afternoon at kailangan naming magpa-BP sa clinic for our upcoming tour sa college namin. Kakatapos lang ng klase namin at agad kaming dumiretso ng mga kaibigan ko sa clinic only to see a lot of students sa ibang college department at ilang higher years sa department namin na nakapila din para magpakuha ng blood pressure.

"Pres, hindi ba talaga pwedeng sa labas ng school na lang magpakuha ng blood pressure? Blood pressure lang naman ang kailangan eh." sabi ko sa president ng klase namin which told me na hindi daw pwede dahil kailangan ay sa clinic ng university namin.

Hinipan ko pataas ang isang hibla ng buhok na humarang sa harap ko at humalukipkip.

"Tyagain na natin Chaylee, malapit na tayo sa pinto oh." sabi sa akin ng kaibigan ko na nasa likod ko which is Vivien.

"Saka huwag ka ngang sumimangot, one way mirror ang pinto ng clinic, makita ka pang nakasimangot nung mga nasa loob. Pagtawanan ka pa." dagdag naman ni Hyacinth.

"Uwing-uwi na ako eh, excited ako dahil natapos na naman ang week na ito at wala ng pasok bukas. Saka medyo kumikirot ang ulo ko."

Napa-pout na lang ako at sumandal sa railings sa likod ko, dalawang linya kasi ang pila sa clinic, kaming tatlo ay nasa harap na ng pinto at ako ang nasa pinakatapat nito. Bakit pa kasi kailangan sa school clinic pa eh.



"Oh, pasok ang lima sa bawat linya." announce nung nasa loob at nagbabantay sa pinto kaya agad na lumiwanag ang mukha ko.

Agad akong umayos ng tayo at wala akong pakielam kung haggard ako basta matapos lang akong makapagpa-BP at ng makauwi na't makapagpahinga. Pinapasok kami sa loob at nakita kong may limang mga nurse na galing din sa nursing department ng university at dalawang School Physician na nagga-guide sa mga ito.

Then, there. He caught my attention. Ang gwapo nya sa suot na puting nurse uniform at seryoso ang mukha nito sa pagkuha ng BP ng isang estudyante.

May maliit na pila sa loob kaya't hindi ko malalaman na nausad na pala ang pila kung hindi lang ako itinulak ng bahagya ni Vivien para gumalaw. I keep on glancing at him habang hawak ang papel na may pangalan ko kung saan ilalagay ang nakuhang blood pressure ko at pulse rate.

Naramdaman nya yatang may nakatingin sa kanya kaya't ganoon na lang ang gulat ko ng magtama ang aming mga mata na agad kong iniwas.

I was hoping na sa kanya ako makapagpa-BP para masilayan ko pa sya ng malapitan but to my dismay ay si Vivien ang napatapat sa kanya at sinabihan ako ng isa sa mga kaklase namin na meron pang nagb-BP sa loob ng clinic at doon ako pumunta.

Sayang!

isip-isip ko dahil hindi ako sa kanya napa-aasign.

Wala akong nagawa kundi ang dalhin ang bag at papel saka pumasok sa mismong loob ng clinic at isang nurse na babae naman ang nag-BP sa akin.

"Hello, ilahad mo yung arm mo dito at ipatong. Tapos pakitaas ng kaunti yung sleeves ng uniform mo." ginawa ko naman ang sinabi nya at inilagay sa akin iyong sphygmomanometer saka kinuha ang BP ko and I'm thankful that it was normal.

Sunod nyang kinuha ang pulse rate ko ng biglang sumulpot yung gwapong nurse na nakakuha ng pansin ko na ikinatigil ko.

May ghadddd!! Sobrang lapit nya! Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya huminga lang ako ng malalim para pakalmahin si heart.

May sinabi sya sa nurse na nagaasikaso sa akin na ka-close nya yata at nakita ko syang tumawa dahil sa sinabi nito.

Bigla akong napakunot ang noo na agad kong itinago ng tumingin sa akin ang nurse na nagaasikaso sa akin.

The Clinic [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon