Chapter 1

25.4K 225 10
                                    

Chapter 1

Chloe's POV

Namimiss ko na siya. Iyong kababata ko na si Nathaniel. Nat ang tawag ko sa kababata kong iyon kahit na Nathaniel James ang buo niyang pangalan. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.

10 years din s'yang nawala, after kindergarten sinama na s'ya ng parents niya sa ibang bansa dahil ang parents niya ay nasa Canada parin, nandoon kasi ang business nila. Iyong ang sabi niya sa sulat para sa akin.

Habang kami naman, si Daddy ko ay isang business man at ang Mommy ko ang may-ari ng isang Beach Resort sa Batangas na ipinamana pa sa kanya ng lola at lolo ko.

Saglit akong napaisip kung ano na ang hitsura ngayon ni Nat. Hindi naman kasi siya nagpapadala ng mga litrato sa'kin. Tanging mga sulat lang anim na beses kada taon.

Napahagikgik ako sa naisip ko na baka hindi na siya marunong mag Tagalog at Englisero na s'ya.

Kinuha ko 'yung isang box na naglalaman ng mga sulat sa'kin ni Nat. Napangiti ako nang may maalala ako, noong mga bata palang kami.

FLASHBACK

Pareho kaming anim na taong gulat ni Nat, pero ilang buwan lang naman yata ang agwat n'ya sa'kin.

"Hoy! Nic, punta tayo park laro tayo?" tawag pansin sa'kin ni Nat.

"Oh sige! Paalam lang ako kay Mommy ha?" Nakangiting tumakbo ako kay Mommy at nagpaalam sa kanya. Pinayagan naman niya ako basta kasama ko si Nat.

[ Sa Park ]

Nag habulan kami ng nag habulan kasama ng ibang bata na kalaro namin at sumakay din kami sa swing at ng mapagod umupo ako sa damuhan habang s'ya naman ay ginawang unan ang tiyan ko. 'Yung kaliwa n'yang kamay ay hawak 'yung kaliwa kong kamay.

"Do you have any idea Nic kung bakit tayo nandito sa park ngayon?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin sa ulap.

"Ha? Siguro ililibre mo ulit ako ng ice cream." Nakangiti kong sabi sa kanya napatingin naman siya sa 'kin at napatawa. Ang kulit niya talaga tumawa, kakaiba pero maganda sa pandinig.

"Puro ka pagkain Nic," sabi niya. Napanguso tuloy ako.

Nabalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya para may pag usapan kami. Si Nat lang ang pinakatanging naging kaibigan ko. Iyong ibang bata kasi ay ayaw sa 'kin dahil maarte daw ako at iyakin.

"Nic, I have something to tell you." Umupo siya sa harap ko. Kaya napaupo na rin ako. Tinitigan niya ako sa mata.

"What is it? Tell me Nat, please." Ewan ko ba, pero kinukutuban ako sa paninitig niya sa 'kin.

"Okay. I-I... lo-love...y-you." he stutter. Pero sapat na rin 'yon para marinig at maintindihan ko 'yung gusto niyang sabihin.

"What are you talking about, Nat?" Napatawa ako. "Are you joking me? We're too young for that," I told him.

Totoo naman kasi na ang bata pa namin masyado para sa ganoong bagay. Paniguradong mapapagalitan ako ni Mommy kapag nalaman niya 'to. Pero baka kaya lang nasabi 'yun ni Nat ay mahal niya ako bilang kaibigan at kapatid, kahit hindi kami magkadugo.

Kahit bata pa ako at isip bata ay ipinapaintindi na sa 'kin palagi ni Mommy ang love for the family, love for yourself, love for your friends, and love for Jesus. Sabi pa sa 'kin ni Mommy na dapat daw mag boyfriend lang ako kapag nakatapos na ako ng pag aaral sa kolehiyo.

"I'm serious, Nic. Can you promise me one thing?"

"What?" Napayuko ako.

"That I will be your first boyfriend when I came back here?" Oo nga pala, malapit ng umalis si Nat sa makalawa kasama ang mga magulang niya. Doon na sila titira. Sabi naman niya sa 'kin makikipag communicate parin naman daw siya through letters.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon