"But promise me that I will be your first girlfriend then?" balik tanong ko sa kanya. Napangiti siya.

"But if our promises gets broken, I'll swear that we will getting married someday."

Hindi ko man gaanong naintindihan 'yong ibig niyang sabihin pumayag parin ako, "Pinky promise."

"Pinky promise." Then we hugged each other and he whispered in my ear.

"I'll be back Nicole."

END OF FLASHBACK


>> Fastforward

Kasalukuyan kaming nasa Mall ng kaibigan kong si Roxanne. Naging kaibigan ko siya simula noong maging seatmate kami noong first year high school kami. Nag window shopping lang kami ngayon dito, gawain na namin ito kapag walang pasok.

"Nicole, kanina ka pa tulala dyan. Nandito ako friend, kanina pa salita ng salita." Naparoll eyes siya sa 'kin.

"Namimiss ko na siya," sabi ko bigla. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.

"Here we go again. Alam mo ten years na ang nakalipas pero umaasa ka parin na babalik siya. Hello? Simula nag high school ka wala na kayong communication baka nga kinalimutan ka na niya eh."

Totoo 'yon na itinigil na ni Nat ang pagpapadala ng mga sulat sa akin four years ago. Kaya natigil na rin ang pagpapadala ko ng sulat sa kanya noon.

"No! Roxy, hindi n'ya gagawin 'yon. He promise me that he'll be back."

"Okay sige. Babalik siya kung babalik talaga pero friend aminin mo nga sa akin love mo ba 'yang best friend mo as in L-O-V-E? Love hindi lang dahil sa magkaibigan kayo kundi higit pa?"

"Ha? Hindi. Bestfriend lang talaga turing ko sa kanya." Mahal ko naman si Nat, pero hanggang tingin na pagkakaibigan lang iyon at kaya ko siguro siya namimiss dahil siya ang una kong naging best friend. Kumbaga may pinagsamahan din naman kami.

"Ahh ganoon ba. Mabuti ng nagkakalinawan tayo rito." Ngumiti pa siya ng pilya.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo ha?"

"Wala lang. Alam mo naman ako may pagkabaliw minsan." Sinabayan pa niya ito ng kakaiba niyang tawa.

"Halata nga na baliw ka friend. Kahit ganoon ay napagtiyagaan parin kita ng apat na taon." Biro ko sa kanya.

Matapos namin gumala sa buong mall, ay napagpasyahan na namin bilhin iyong dress na nakita namin at kumain na rin kami doon ng dinner.

Two days nalang pala at fourth year high school na kami. Malapit na kami grumaduate.

Pasukan na naman, may mga new students kaya na magiging classmate namin?


[ Sa bahay ]

Araw ng sabado ay nag general cleaning kami nila Lola at manang Celing kaninang umaga. Sila ang kasa-kasama ko rito sa bahay mula ng tumuntong ako ng ikaapat na baitang noong ako'y nasa elementarya.

Kahit na may katulong kami rito ay hindi daw pwedeng wala akong alam sa gawaing bahay, sabi sa 'kin nila Mommy at Lola. Dahil kapag namuhay na daw ako ng mag isa kapag nagkatrabaho na may alam na daw ako kung paano lilinisin ang tinitirhan ko.

Ngayon naman ay nakasalampak na ako sa sala namin at ngumangata ng Muncher green peas habang nanonood sa TV. Wala naman akong magustuhan kaya isinalang ko nalang sa DVD player namin 'yung binigay ng Tita ko na buong episodes ng Spongebob na galing Amerika pa.

Oh ha! High School na 'ko pero love na love ko pa rin si Spongebob. Paano naman kasi wala akong love life!

Kailan kaya dadating si Mr. Right Guy for me? Napailing tuloy ako sa naisip ko. Hindi ko dapat inaalala 'yon, dapat ay alalahanin ko kung paano ako makakagraduate ngayong high school na may honor. I should make my parents proud.

Napaigtad ako ng marinig kong nag ring iyong cellphone ko. Si Mommy tumatawag. Pinause ko muna 'yong pinapanood ko.

"Hello?"

"Anak! Kumusta ka na? Miss na miss ka na namin ng Daddy mo."

"Mommy! I miss you too, kayo ni Daddy sobrang miss ko na kayo. Magpapa-package ba kayo? Kailan kayo uuwi?"

Don't get me wrong about the package. Madalas kasi talagang magpapackage 'yan sila Mommy ng mga damit, accessories, gadgets o kung anu-ano pang gamit. Hindi lang naman 'yon para sa akin kundi para na rin sa mga kamag-anak namin. Share the blessings daw kasi sabi ni Mommy.

"Teka lang! Dahan-dahan. Ah siguro mga next month pa kami makakauwi dyan, anak."

"Ah ganoon po ba." Medyo nalungkot ako dahil anim na taon ko ng hindi nakikita sila ng personal. Miss na miss ko na ang magulang ko. Kapag nagtatampo ako na mas nauuna pa ang trabaho nila dahil hindi sila makakauwi ay ipinapaintindi parin nila na ginagawa lang nila iyon para sa akin.

"Basta mag ingat ka palagi dyan ha?" sabi sa'kin ni Mommy.

"Opo. Sige po, I love you Mommy. Mwah. Love ko din si daddy, pakisabi nalang."

"Ah siya nga pala, anak may gusto sana akong ipasundo sayo by next week saturday sa airport, pwede ka ba?"

"Oh sureness Mommy! Sino po iyong ipapasundo nyo?" Marunong naman akong pumuntang airport kahit hindi na ako magpasama sa iba.

"Basta pumunta ka nalang sa arrival ng airport gate 10 anak then siguro s'ya nalang yung lalapit sa 'yo."

"Eh Mommy baka may wrong person na lumapit sa akin at 'di pala 'yung pinapasundo niyo paano 'yan? At 'di ko po alam hitsura ng pinapasundo niyo sa 'kin."

"Don't worry binigyan ko na s'ya ng picture mo." Hala si Mommy parang kinikilig pa dahil napapatawa pa siya.

"Ahh okay sige Mom." Napakamot nalang ako sa ulo ko kahit wala naman akong lice.

"Sige anak bye! Tinatawag ako ng boss ko. Bye 'nak! I LOVE YOU! Mwah!"

End of Call

Napabuntong-hininga ako. "Sino naman kaya 'yung pinapasundo sa 'kin?" Kausap ko sa sarili ko habang nangapangalumbaba.

"Sino naman yang kinakausap mo ha? Emaginare friend mo?" si Manang Celing, na kakauwi lang galing sa pamamalengke at natatawa pa dahil sa akin.

"Nakakagulat! Manang naman eh." Napanguso ako.

"Naku! Talaga itong batang ito. Makapagluto na nga lang nire," sabi niya saka nagtuloy-tuloy sa kusina.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now