Chapter 3

63 7 1
                                    

"Seryoso, saan ka galing at sinong kasama mo kagabi?" Tanong ni Adam habang nagmamaneho.

"Wala nga. Nasa bahay lang ako, uminom akong mag-isa." Pilit kong paliwanag sa kanya. Sino ba naman kasi ang maniniwala na nakipag-inuman ako sa taong nakilala ko sa loob ng TV.

"Eh sinong nagsulat sa mukha mo? At wala naman akong nakitang bote sa loob ng bahay mo." Lalong sumasakit ang ulo ko sa pangungulit ni Adam. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya para tumigil na siya.

"Malamang ako, baka akala ko make-up. Sobrang lasing na talaga ako, ni hindi ko nga alam kung saan napunta yung mga bote. At kung hindi ako sa bahay uminom, malamang hindi mo ako maaabutan doon." Paliwanag ko habang hinihilot ang masakit kong ulo. Hindi ko na rin alam kung saan galing yung mga kasinungalingan ko.

"So, bakit ka naglasing? May problema ba?" Kung anu-anong iniisip ng taong 'to.

"I was bored and I can't sleep." Hindi naman siya umimik sa sagot ko, malamang kung anu-ano ng tumatakbo sa isip niya.

"Adaaaam! Namiss ka namin!" Bati ni Gretch kay Adam nung makita niya si Adam na nag-aantay sa aming favorite lunch spot.

"Ikaw lang naman ang nakamiss." Natatawang sagot niya. Hindi na kasi kami nagkibuan kaninang umaga at dumiretso na lang sa kanya-kanyang department.

"Kababalik mo lang LQ agad?" Pailing-iling na sabi ni Gretch.

"Walang lovers Gretch." Napairap na lang ako sa sagot ni Adam. Nakakabadtrip na para siyang bata, kailangan pa niyang ipaalam kay Gretch na hindi kami okay.

"Yeah. There's no possibility." Bigla namang napatingin sa akin si Gretchen habang si Adam ay parang natameme sa narinig niya. Alam kong nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya, siguro may halong kaunting parinig pero hindi nakakatuwa. Nakalimutan niya atang masakit ang ulo ko ngayon.

Naging tahimik ang buong lunch namin at ganon din naman ang buong araw ko. Hindi na ako nagdinner kasama si Adam, dumiretso na agad ako sa bahay. Magluluto na lang siguro ako or kung makakapasok ulit ako sa loob ng TV, sasabay na ako kay Mikee. Kailangan ko ring malaman kung paano naging totoo lahat at kung totoo nga ba talaga.

Binuksan ko ang TV, naghintay ako na maging black ulit yung screen at magkawhite dots pero umabot na ng 30 minutes wala pa rin. Usually, pagbukas ko ng TV, saglit pa lang nakakapasok na ako sa loob. Baka hindi nga talaga totoo ang lahat. Siguro, kailangan ko ng magluto.

Naghanap na ako ng pwedeng iluto sa ref nang bigla kong napansin na nawala na yung maingay na tunog ng palabas sa TV. Lumapit ako para tingnan at eto na nga ang iniintay ko.

"Why are you here?" Tanong sa akin ni Mikee na nakaupo sa couch, parang inaantay ang pagdating ko.

"Bakit mo ako inaantay?" Tumaas naman ang kilay niya sa tanong ko.

"I'm not." Napasmirk naman ako.

"It looks like you are." Hindi niya naman pinansin ang sinabi ko.

"Bakit ka nga nandito?" Tanong niya ulit, tumingin siya ng seryoso na para bang sinasabi niya na 'wag kong subukin ang pasensya niya.

"Para i-inform ka na hindi panaginip ang lahat." Napailing naman siya sa sagot ko.

"Pag tingin ko sa salamin, nakita kong may sulat ang mukha ko. So obviously, alam ko na rin na hindi panaginip ang lahat." Iritang paliwanag niya.

"Why so grumpy? Anyway, ayaw mo bang i-figure out kung pa'no nangyayare lahat ng 'to?" Umirap naman siya.

"Bakit hindi mo simulan sa pagpasok ulit sa loob ng TV, tingnan mo kung pwede kang umalis pag pinapalayas na kita." Ang init naman ng ulo nito. Mukhang wala talaga sa mood. Or ganito talaga siya kahit nasa mood siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Channel BlackWhere stories live. Discover now