Chapter 2

45 8 0
                                    

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Gretchen, katrabaho ko, habang kumakain ng lunch.

"Ha? Yes, why?" Sagot ko at saka bumalik sa pagtulala.

"Kanina ka pa tulala, tango ka lang ng tango sa mga kwento ko eh. For sure, wala kang naintindihan." Sumimangot siya pagkasabi niya ng mga iyan.

"I had a strange dream last night. Nanunuod ako sa bago kong TV tapos bigla akong nakapasok sa loob non, napunta ako sa isang magandang bahay, may nakatira don at hindi alam ang Manila. Never heard daw!" Tumawa naman siya sa kwento ko.

"Baka sobrang overwhelmed ka lang sa pagkapanalo mo ng TV. Ganon naman talaga ang mga panaginip, kung anu-anong kakaiba ang nangyayari." Umiling naman ako sa sagot niya.

"No, ang kakaiba kasi do'n ay natatandaan ko lahat, bawat detalye kaya kong ikwento. Never nangyari 'yon sa akin kasi madalas may natatandaan nga ako pero hindi buo, yung pinakastory alam ko pero hindi lahat. At natatandaan ko pati yung mukha nung nakatira sa bahay. Ang weird lang." Paliwanag ko, ngumiti naman siya sa kwento ko. Hindi ko alam kung anong kangiti-ngiti doon.

"Anong name niya? Tanda mo ba? Search mo sa Facebook, baka siya ang Prince Charming mo!" Mapapailing ka na lang talaga sa mga sinasabi ni Gretch.

"Too bad, hindi ko natanong, and she's a girl." Lalo naman siyang ngumisi sa sinabi ko.

"Alam mo ba na ang lumalabas sa panaginip ay yung mga hidden desire natin? Ikaw ha, don't tell me..." Natawa naman ako sa pang-aasar niya.

"Seriously, Gretch? Saan naman galing yang kasabihan mo?" Natatawa ko sa tanong niya. Pareho naman naming alam namin na imposible ang sinasabi niya.

"Wala, imbento ko lang. Sa bagay, may Prince Charming ka naman na eh." Hindi ko alam kung bakit lagi nilang pinipilit yang Prince Charming na yan. Una sa lahat, hindi ako prinsensa. Pangalawa at panghuli, hindi siya isang prinsipe.

Hindi ako pagod at gutom nang makauwi ako ng bahay, sinigurado ko na nakakain ako ng dinner para hindi ko na maranasan yung ganong klaseng panaginip kagabi.

Ininspect ko muna yung TV kung may kakaiba dito. Wala naman akong nakitang problema kaya binuksan ko na at nagsimula na akong manuod.

Sa kalagitnaan ng panunuod ko, bigla na namang naging black na lang ang screen. Pinilit kong hindi magpanic kasi baka naman nabunot lang sa saksakan although ganito rin yung sinabi ko kagabi sa panaginip ko.

Dahan-dahan akong lumapit pero biglang napuno na naman ng small white dots yung screen at sa mga oras 'to, alam ko ng panaginip na ulit ito kaya pumasok na ako ulit sa loob ng TV.

"Holy shit! Akala ko panaginip lang ang lahat?!" Sigaw ng babae na halos mabitawan pa yung bote at baso niyang dala. Makakita ka ba naman ng babaeng lumalabas sa TV eh.

"Baka panaginip pa rin ito, continuation lang. There's no way this is true." Paliwanag ko.

"Hindi pa man ako nakakainom, nanaginip na ako. Fine! Just drink with me." Napailing naman ako.

"May pasok pa ako bukas." Pagtanggi ko.

"Come on! We're dreaming. Hindi ka malalasing." Natatawang sagot niya. Wala na akong choice kung hindi pumayag.

"So, anong pangalan mo?" Tanong ko pagkaupo namin sa couch.

"I'm Mikee. Venus, right?" Tumango naman ako at nakipagshake hands.

"Since, iinom na rin naman tayo, haluan natin ng thrill. Magsasabi ako ng tatlong statement about sa akin. Dalawa do'n truth at yung isa lie. Huhulaan mo kung saan doon ang hindi totoo. Pag nahulaan mo, iinom ako at susulatan mo mukha ko gamit ang..." Kinapa niya pa ang bulsa niya kung anong pwedeng panulat.

"Ballpen. Pag hindi mo nahulaan, vice versa. Tapos ikaw naman." Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Seryoso? Ballpen?" Reklamo ko.

"Panaginip lang ito, wag kang KJ." Wala na akong nagawa sa sinabi niya.

"I am not a morning person. I love color orange. I love drinking milk at night."

Napaisip naman ako, mukha siyang masungit at bugnutin, so siguro mas lalo pag sa umaga. Baka totoong hindi siya morning person. Tiningnan ko naman ang suot niya, nakaternong pajamas at pang taas pa siya na color yellow, so baka hindi orange ang favorite niya. Maganda naman ang kutis niya kaya mukhang mahilig siyang maggastas sa gabi.

"I love color orange?" Ngumiti naman siya tapos nagsalin ng inumin sa baso at inabot sa akin.

"I am not a morning person." Sabi niya habang may sinusulat sa noo ko. Ininom ko naman yung nasa baso at infairness, masarap. Hindi katulad ng sa totoong buhay. Well, panaginip kasi 'to.

"Your turn." Napaisip naman ako. Ano kaya ang pwede kong sabihin?

"Hmmm. May alaga akong aso. My favorite color is blue and I live alone." Tiningnan naman niya ako mula ulo hanggang paa.

"May alaga akong aso." Napasimangot na lang ako.

"Bakit mo alam?" Sinulatan naman niya ang ilong ko tapos inabot na yung iinumin ko.

"You don't live alone when you have a dog." Simpleng paliwanag niya.

"Eh paano mo nga nalaman? You know, that I'm living alone."

"Lukso ng dugo." Tumingin naman ako sa paligid at oo nga, wala siyang kasama dito.

"My turn." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit halos ako lang ang uminom. Tatlong beses lang ata siyang uminom. Siguro alam niyang judgmental ako kaya sinasamtala niya.

"So, bakit wala kang alagang aso?" Tanong niya habang iniinom yung natira. Umayaw na kasi ako dahil hilong-hilo na ako.

"Gabi at weekends ko lang maaalagaan dahil busy sa trabaho."

"Pero gusto mo?" Tanong niya.

"Oo naman, kaso hindi rin ako marunong mag-alaga. Eh ikaw bakit wala?" Balik ko sa tanong niya.

"I'm happy living alone." Natahimik na lang ako sa sinabi niya at pinikit ang mata ko para makapagpahinga.

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto. Bumangon ako at napansin kong nakatulog na naman ako sa couch.

Sinilip ko yung TV, naiwan ko na namang bukas. Oo nga pala, nanaginip na naman ako kagabi ng kakaiba.

Dumiretso na ako sa pintuan at binuksan.

"Morning! Woah! Anong nangyari sa mukha mo? May kasama ka ba dyan?" Nagulat naman ako sa tanong ni Adam at nagmadali akong tumakbo papunta sa salamin.

"Shit! Hindi 'yon panaginip? Totoo ang lahat?!"

Channel BlackWhere stories live. Discover now