Day 24.

1.7K 82 10
                                    

Sofia's POV

"You're carrying our baby, Sofia."

Pagkasabi niya no'n ay parang humiwalay ang kaluluwa ko sa sarili kong katawan. Bu-buntis ako? Magkaka-anak na kami? Unti-unting nagdilim ang paningin ko at hindi ko na nalaman ang sumunod pang nangyari.

"Really? Oh my God! Congratulations!"

Nagising ako sa maingay na mga boses sa paligid. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si mom and dad. Andoon rin ang magulang ni weyn. Lahat sila nakangiti sa akin. Nakita ko si Weyn na masayang masaya.

"Doc! She's awake!" Bulyaw ni mommy. Lumapit sa akin ang doctor at inobserbahan ako.

"They are fine. Healthy si mommy at ang baby." Masayang sabi ng doctor.

"She passed out dahil sa pagkagulat at maaaring dahil rin sa stress. Masamang ma-stress kasi nararamdaman rin ni baby yon." Dagdag pa ng doctor.

Tumango silang lahat.

"Narinig mo yon, weyn? Wag mong pagiisipin si Sofia, makakasama sa bata yon!" Paalala ng mommy ni weyn.

Ilang sandali pa ay napag-isa na kami ni Weyn sa kwarto. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakangiti sa akin.

"Weyn, sorry  ha." Sabi ko sa kanya.

"Lagi ka nalang nagseselos kay Zymon. Wala naman kasi talagang namamagitan sa amin. Hindi rin ako nakikipagkita sa kanya. Bigla nalang siyang nasulpot kung nasaan ako. Weyn, ikaw lang naman talaga." Sabi ko na naiiyak. Hindi ko alam kung bakit napaka-emosyonal ko.

"Shhh. Stop crying, wife. Baka umiyak rin si baby niyan. Remember, nararamdaman ni baby lahat ng nararamdaman mo." He said then kiss me on my forehead.

"Another thing is, I trust you. No matter what they see. No matter what I see, when you say it is nothing then I will believe you. I love you so much. You're my life. You and our baby is my life." He said then we kiss.

Napagdesisyunan naming bumalik na ng manila. Madami kasi si weyn dapat asikasuhin sabi niya. Isa pa, mas maganda daw magpa-check up sa manila. Napakadami na naming planong dalawa para sa baby, actually siya lahat ang nakaisip non.

Nakarating kami sa bahay namin at ang una naming naisipang gawin ay ang mag-grocery. Naa-alala ko pa nung unang beses kaming mag-grocery, hinabol kami ng mga fans niya. Nakakatawang isipin na magkaka-anak na kami ngayon.

"Sofia, kailangan mo ng mga healthy foods. Dati naman ito ang mga gusto mo diba? Mga gulay!" He said.

"But I don't want it! Gusto ko ng junk foods! Ano ba. Marunong ka pa sa tyan ko!"

Nakakainis itong si weyn eh! Napaka-bossy! Hindi porket siya magbabayad eh siya na masususnod! Ako kaya yung kakain!

"It's for the baby!" He said.

"Oo pero ako ang kakain niyan bago siya kaya tumigil ka!" Sabi ko tapos pinaglalagyan ng doritos ang cart. Napailing na lamang siya.

Kumuha ako ng maraming chocolate drinks at mga gummy bears. Dama ko ang pagkasaya ng baby ko sa tyan sa mga pagkaing pinagkukuha ko. Tamo! Kampi kami ni baby. Si weyn naman ay busy sa pagbabasa ng contents ng mga healthy foods kuno na ipapakain niya raw sa akin para healthy ako. Hayy.

-

Weyn's POV

It's been two weeks since malaman kong buntis si Sofia. One month and one week old na ang baby namin. I'm so damn happy. Ngayon ko lang naramdaman ang klase ng sayang ito. I feel like I want to be better person for them.

Ang problema ay si Sofia. Sobrang arte at drama niya lagi. Isa pa yung mga kinakain niya. Minsan ako yung nasusuko sa pagiging sobrang exotic ng taste niya ngayon. Nung nakaraan, nakita ko yung bagoong pinapalaman niya sa tasty. Sabi naman nila ay natural daw yon.

Andito ako ngayon sa kwarto namin. Manunuod daw kasi kami ngayon ng movie. Yung romance daw. Love Rosie yung title. Favorite daw niya yun eh.
Syempre kailangan pagbigyan. Mamaya ay awayin pa ako nito pag hindi ako pumayag.

Sa kalagitnaan ng panonood namin bigla siyang nagsalita.

"Ang ganda ni Lily Collins ano? Grabe ang ganda niya!" Sabi niya na may pailing iling pa.

"Oo nga, ang ganda niya tsaka sexy." Sabi ko. Dapat kasi lagi ko siyang sasang-ayunan. Kasi nung nakaraan na hindi ako umimik nagaway kami.

"Anong sabi mo!" Biglang tumaas ang kilay niya.

"Sabi ko, Oo maganda siya."

"And you really repeat it! Anong klaseng lalaki ka! Pinaririnig mo pa talaga sakin na nagagandahan ka sa ibang babae!" Bulyaw niya sa akin.

Nanglaki ang mga mata ko. What did she trying to imply?

"Ano!? You can't deny the fact that you are fucking womanizer! Akala ko pa naman ako lang ang babae sa buhay mo! Damn you!"

Agad niyang pinatay ang tv at lumabas ng kwarto.

"Magsama kayo ng Lily na yan!" Sigaw niya pa sa labas ng kwarto.

Seriously?

Anong nangyari?

Sofia really is having a brain damage. Ganito yan parati. Napaka-complicated. Syempre lumabas ako para habulin siya. Nakita ko siyang nagmamaktol sa sofa habang nakain ng chocolate.

"Baby? I love you..." i said.

"Alis! Chupi!" Sabi niya na hindi manlang ako tinitingnan. Ewan ko ba pero natatawa ako sa kanya. Para siyang bata.

"Baby.. galit si mommy kay daddy. Kawawa naman si daddy kasi love na love niya si mommy." Sabi ko na naka-pout.

"Sus! Dun kana sa lily mo!" Sabi niya while rolling her eyes.

"Ha? Ikaw kaya pinakamaganda para sakin tsaka pinakasexy." Sabi ko

"Hmfp! Talaga?" Sabi niya.

Yes!! Sa wakas nasuyo ko na rin.

"Oo naman baby. Wag kana magalit ha?" I said while holding her face.

Nakakatawa kasi puro chocolate yung bibig niya. Ang amos amos niya.

"Sorry daddy ha. Huhuhuhu. Mahal na mahal kasi kita kaya nagselos ako!" Sabi niya tapos ayan, umiyak na.

"Shhh. Okay na baby ko. Tahan na.." I said tapos niyakap na siya.

Nang mapatahan ko si sofia ay nagsimula na akong mag-prepare ng hapunan. Kukuha na ako ng ingridients nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si zymon ang tumatawag sa akin.

Walang gana kong sinagot.

(On the phone with zymon)

"Yea?" I said.

"Weyn, tigilan mo na ang pangloloko kay sofia. Iwanan mo na siya. Hindi mo siya mahal!"

"What the hell! Who the fuck are you to say that I don't love my wife!?"

"Kung mahal mo siya, hindi mo siya lolokohin!"

"Hindi ko siya niloloko! Will you stop!?"

"You stop weyn! Ikaw ang tumigil. Alam kong hindi totoo ang kasal niyo!"

 Alam kong hindi totoo ang kasal niyo!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M MARRIED TO THE SUPERSTARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon