Chapter 22

878 14 2
                                    

Chapter 22

"What do you want?!" nagtatagis ang bagang na saad ni Kirby. Hinawakan ko naman ang braso niya. "Dear, tama na." bulong ko. Humalakhak si Glendee. "Ang ki-KJ niyo naman! Bakit di ako invited? Ganyanan!" saad ni Glendee saka umupo. "Si Jensen makahawak sa braso ni Kirbabes, oh. Pasimpleng chansing e." tumayo ako at lumapit sa kanya. "Glendee, ayoko ng away."

"Sinong nagsabing naghahanap ako ng away?" walang emosyong saad niya sa akin. "I don't trust you. Umalis ka na!" saad ni Cams. "Cams, chill." Saad ng katabi niya. "Masaya na sila. Wag ka nang manira." Saad ni April.

"Bakit ba kalaban ang tingin niyo sa akin?! Pumunta ako dito para makipag ayos!" nakasigaw na saad niya na humakot ng atensyon. Umiling lang ako para sabihing wala lang yun kaya bumalik na sila sa kanya kanyang ginagawa. "Let's talk outside." Saad ko saka ko siya hinila papunta sa pool.

"Let go of me, bitch." Saad niya habang nakatingin ng masama sa akin. "Suit yourself." Saad ko saka padarag na binitiwan ang kamay niya. "I'll go straight to the point. AKIN si Kirby! Kerida!" saad niya saka ako sinampal. Humarap ako sa kanya at sinabunutan siya saka sinampal ng mas malakas. "Ikaw ang kerida! Wala akong inaagaw sa iyo!" sigaw ko.

"Inagaw mo si Kirby sa akin! Akin siya!" sigaw niya pabalik. I threw my hands in the air out of frustration.

"Oh come on, Glendee! From the very first start he was mine! He is mine! He will always be! Ikaw ang nang-agaw!" ngumisi siya. "May nangyari sa amin." Ngumisi din ako. "Not surprised." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa and vice versa. "I bet halos lahat ng lalaki natikman kana." Sinampal niya ako ng dalawang beses. "Walangya ka!" sigaw niya. "Alam ko." Saad ko saka tumalikod. Wala nang patutunguhan to. Irerequest ko nalang sa mga guard na palabasin siya.

"Jensen!" sigaw niya. Nilingon ko siya at masyadong mabilis ang pangyayari. Ang alam ko lang, sapo ko ang tyan ko habang nahuhulog ako sa tubig.

Kirby's Point of View

"May iba akong feeling sa babaeng yun. Sino ba yun, insan?" tanong ni Asela habang tinitingnan ang papaalis na sina Glendee at Jensen. Di ako sumagot kaya si...ugh, sino nga to? Basta kaibigan ni Jensen. "Glendee ang pangalan niya. Patay na patay yun kay Kirby." Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Asela at lumingon sa akin for confirmation. Tumango ako. "Glendee? As in yung adopted nila tita!? Yung mabait na nerd na si Glen?!" sigaw niya. Tumango ako at lumagok. "What happened to her?" tanong nya. "I don't know, Asela. I really don't know."

"May di kami naiintindihan." Saad ni Cams. Nilingon siya ni Asela. "Si Glendee, adopted siya ng parents ni Kirby dahil akala nila di na sila magkakaanak pagkatapos ni Kirby. Tita wanted a baby girl so badly. Kaya inadopt nila si Glendee. Glendee, she was lovely back then... she's so sweet. Thoughtful pero bigla siyang nawala. Tita and tito was worried, especially tita. Pero di na nila nahanap. Until...now." Pailing-iling na saad niya.

"Totoo pre?" tanong ni Miguel pero nakatingin kay Cams. "Oo." Simpleng saad ko. Nagkagulo ang lahat nang may marinig na putok ng baril at tapisak ng tubig sa may pool.

"Jensen!" sigaw ni Asela. "For Pete's sake Kirby di yun marunong lumangoy!" bigla akong nakagalaw at tumakbo ng mabilis papunta sa pool. Nagulat ako ng makita kong may dugo ang pool at nakatayo si Glendee habang hawak ang baril. Napalingon siya sa akin.

"K-kirby! Di ko sinasadya!" saad niya at lumuhod saka umiyak. Hinubad ko ang coat ko saka tumalon sa tubig na ngayo'y nagkukulay pula. "What have you done!?" rinig kong sigaw nila pagtalon ko.

Jensen, please. Nilingon ko ang pool at nakakita ng babaeng halos kulay pula na ang suot habang hawak hawak ang tyan niya. Nang makita ko ang singsing niya ay nanlamig ang buong katawan ko lalo. Lumangoy ako papunta sa kanya at hinawakan siya gamit ang kanang kamay ko at lumangoy gamit ang kabila.

Pag-ahon ko ay nakita kong dinadampot nan g mga pulis si Glendee. "Jake! How could you?" sigaw niya. "Bitiwan niyo ko! Jake!"

Lumapit sa akin sina tito at tita "Oh my god! My baby! Jensen!" sigaw ni tita. "Dadalhin ko na po siya sa ospital." Sigaw ko at tumakbo sa kotse ko.

"Kirby?" saad niya ng mahina. "Dear? Wag ka muna magsalita." Tumawa siya ng mahina saka umubo. "Dear?"

Hinalikan ko siya. "Dear nandito na tayo sa ospital oh. Saglit lang ha?" hinawakan niya ang kamay ko. "I-I love you dear..." saad niya saka nawalan ng malay. "Damn! Jensen! Jensen!" sigaw ko. Di ko na pinarking ang sasakyan ko nang maayos at lumabas nalang bigla. The hell I care kung manakaw yang kotse ko, ang kailangan ko e mabuhay si Jensen.

"Doc! Tulong!" sigaw ko habang karga karga ko si Jensen. Patuloy parin sa pakikipagusap ang mga doctor sa ibang pasyente at walang lumapit sa akin kahit may ibang nurse naman na libre. "Damn it! My fiancé is dying yet you're not entertaining us!?" sigaw ko. Nagmadali namang lumapit yung ibang nurse, yung mga nurse na nakikipag-tsismisan lang.

"Sir dito po muna kayo." Saad nila habang sinasara ang pinto ng emergency room. Umupo ako sa sahig at ipinikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko sa sobrang takot at ramdam ko rin ang pag-anghang ng mata ko.

"Asan siya?" tanong ni tito pagdating nila. Tinuro ko ang emergency room. "Hijo, wag tayong mawawalan na pag-asa. Kaya niya yan, diba? Malakas si Jensen natin. Malakas siya." Umiiyak na saad niya. Tumango ako at inunan ang tuhod ko at nanalangin. Dios ko, ingatan at iligtas niyo ho sana ang mahal ko.

"Sino hong relatives ng pasyente?" tumayo sina tita at tito. "Kami ho ang magulang." Tinuro nila ako. "Siya po ang fiancé." Tumango ang doctor. "She's safe." Napahinga naman kami ng maluwag. Tumango ulit siya. "Yes, she's safe. But, she's in coma." Napalunok naman ako.

"But, magigising naman siya diba?" saad ng kaibigan ni Jensen na si April. Tumango ang doctor. "Yes, of course. Pero, matatagalan. It may take days, months or -worst- years." Napakunot ang noo ko. "Years?" tumango siya. "Yes, may cases kami dito na taon ang binilang bago magising." Mag-aantay ako. Kahit abutin ng taon. Alam kong magigising siya. Alam na alam ko. Gumising ka na, Jensen.

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon