Chapter 14

968 18 4
                                    

Chapter 14

"Papunta na raw sila." sabi ni Cams habang umiinom ng juice. Napalingon naman agad kami sa kanya. "Sinong sila?" tanong ni April. "Sila---" di niya natapos ang sasabihin niya. "Yung kaibigan ko at mga kaibigan niya." kibit-balikat niyang sagot. "Mag lalaki?" tanong ni Tin.

Tumango naman si Cams. "Oo. Pero, wag mo nang manyakin Tin. Babaeng to." sumimangot naman si Tin. "Hoy! Wala naman akong planong ganun! Mga letse to! Makaligo na nga lang!" saka siya naglakad papunta sa beach at naligo habang kami namang naiwan ay tawa ng tawa. Napatigil ako sa pag-tawa ng may magring. Nagkatinginan kami. "Cellphone mo yun te sen." sabi ni Nicole. Kinapa ko naman sa bag ko ang cellphone ko at tama nga sila. Ito nga ang tumutunog. Napakunot ang noo ko nang makita kong unknown number ang tumatawag. Sino naman kaya ito?

Nagpaalam ako at lumabas saglit dahil baka importante ang tawag. "Hello?" tanong ko sa caller. Wala akong boses na naririnig pero kinakabahan ako. Kung bakit? I DON'T KNOW. "Hello?" tanong kong muli sa caller. Kung ayaw niyang sumagot mas maigi pang patayan na lang ng cellphone. "Kung ayaw mong sumag--" narinig ko siyang nagbuntong hininga at yun palang alam ko na kung sino ang kausap ko. "Hey, Jensen. Kamusta?" halos wasakin ko ang cellphone ko pero I closed my ees to controll my emotions. "Ayos lang naman. Ikaw?" di ko inaasahang magiging malumanay ang boses ko. I was expecting it to be emotionless.

"Look, alam kong galit ka sa akin pero you don't know the damn reason Jensen!" napasinghap ako. Wow. I don't know the damn reason? I DON'T KNOW THE FRIGGIN' REASON!? "Grabe, I can't believe you. Rinig na rinig ng dalawang tenga ko na sinabi mong mahal mo parin si Sandra!" pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko habang kinakausap ko siya pero I don't think I can. "Please Jensen. Di mo alam ang lahat..." he trailed off. Di ako sumagot. "Basta, malalaman mo lang rin ang lahat sa tamang panahon. But for now, ang gusto kong sabihin sa iyo ay kalimutan mo na ako. Open your heart to someone else, Sen." napatawa ako. Yung mapang-asar na tawa. "Bakit? Sa tingin mo di pa ako nakaka-move on sa'yo? Kapal mo naman talaga. You're not worth it of my tears. You don't deserve me. And I as well don't deserve you neither." sabi ko. Well, actually it's half true. Yes he's not wirth it of my tears and he also doesn't deserve me pero yung di pa nakamove-on? I think konti nalang makakamove on na ako. Napatawa naman siya ng pagak. "Right. I don't deserve you..." tumango ako. As if naman makikita niya ako. "Yes you don't. You know why? Because I know, hindi nababagay ang isang tulad ko sa isang baboy at manwh*re na tulad mo. Nice talking to you. Bye." saka ko pinatay ang tawag.

Napahawak ako sa pisngi ko di ko namalayang umiiyak na pala ako. Nahihirapan din akong lumulon dahil pakiramdam ko ay may nakaharang sa lalamunan ko. No. I shouldn't waste my tears for a bast*rd. Ngayon naman, ginugulo niya ang utak ko. Letse siya bakit ba di niya na lang ako lubayan!? In that way di ko na kailangang malito. Hindi ko alam ang rason? Eh halos isampal niya sa akin na mahal niya pa si Sandra eh. Tapos, ngayon di ko daw alam ang rason? Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking yun.

Bago ako pumunta sa loob ay dumaan muna ako sa isang restaurant dito sa resort nina Cams. Nag-order ako ng four seasons shake. Since matagal-tagal pa yun ay dumiretso muna ako ng cr. Naiihi na ako at kailangan ko pa ng retouch. Mukha akong naglalakad na zombie. Idagdag mo pang ang haggard-haggard ko na. Nang matapos akong umihi ay lumabas na ako ng cubicle. May nakita akong babae na nagrere-touch. She's so pretty. Grabe. Para siyang naglalakad na barbie doll. Napatingin siya sa akin. Matagal na ba akong nakatitig sa kanya? Baka naman mapagkamalan niya akong tomboy. Ngumiti nalang ako ng awkward.

"Hi." sabi niya saka humarap sa akin. Ngumiti lang ako at bumati pabalik. Hinugasan ko ang mukha ko. Buti na lang pala malamig ang tubig kundi baga ang sagwa na ng mukha ko. "Umiyak ka?" tanong niya. Ba't ganun? May iba akong nararamdaman. Di ako najejebs ha! Pero may hindi talaga maganda sa nararamdaman ko sa kanya although at the same time alam kong mabait siya. Pinunasan ko ang mukha ko ng towel na dala ko saka lumingon sa kanya. "Oo eh." ngumisi naman siya. "Hulaan ko. Lovelife no?" saka tumaas baba ang kilay niya. Natawa ako sa kanya. Di pa kami magkakilala pero lakas niya maka-FC.

"Well, no. I mean, haha. Ewan? You can say that." napatango naman siya. "Ganyan ang sagot mo...tungkol sa ex mo no?" ngumtiti lang ako sa kanya at di siya sinagot. "Mahal mo pa? Ba't di mo balikan?" tanong niya. Napalingon naman ako sa kanya. Kung ibang tao siguro nasampal ko na dahil sobrang pagiging pakialamera pero ewan ko ba kung ba't di ko matarayan to. Dahil siguro sa amo ng mukha niya. "Di ko na siya mahal. Well, I think pride ko lang tong nasasaktan." tumango siya. "Sabagay. May ganyan naman talaga. Pero kapag mahal mo gagawa ka naman talaga ng paraan kung gusto mo talaga siyang makuha diba?" tanong niya sa akin. Di pa ako nakaksagot ay dumugtong na siya. "If you want something/someone you must get it by hook or by crook." seryosong saad niya saka niya inayos ang gamit niya. Di ako makapagsalita dahil naspeechless ako sa kanya. Naglakad na siya patungo sa pintuan. "By the way. The name's Glendee." saka lumabas yung babae. "I'm Jensen..." mahinang saad ko nang kahit alam kong di niya na yun narinig dahil lumabas na siya. She's something. Umiling ako at muling humarap sa salamin.

"Kalimutan mo na ako. Open your heart for someone else..." someone else. Sino naman kayang someone else yan? Napailing nalang ulit ako at ginulo ang buhok ko. Teka, may four season na nga pala ako! Dali-dali kong tinali ang buhok ko at lumabas na ng cr. Pagkaupo na pagkaupo ko sa pwesto ay dumating ang waiter. Ngumiti siya sa akin at binigay ang four seasons ko. I smiled back at nagpasya nang umalis pagkaubos ko ng four seasons ko.

Habang naglalakad-lakad ako ay may nakita akong pamilyar na bulto ng tao. Hindi ako pwedeng magkamali! Siya nga yun! Lalapitan ko sana siya nang makita kong bigla si Kirby. What on earth is he doing here? Sino naman ang kasama niya? Pero mas nagulantang ang sistema ko nang makita kong lumapit si Glendee sa kanya at hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Ngayon ay pinapalibutan na sila ng mga tao dito...at kasali ako sa mga taong yun.

May naririnig akong kinikilig at may naririnig akong nandidiri kesyo bakit daw dito pa nagtukaan. Kung di lang siguro ako nagulat ay natawa na rin ako sa sinabi nung babae. Pero, sa case ngayon I can't even smile nor laugh nor move. Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko. Pinipigilan ko ang luha na nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. Pero lahat ng pagpipgigil na ginawa ko ay nabalewala nang makita kong sumagot si Kirby sa halik ni Glendee. Pero ang mas nagpadurog sa puso ko alam mo kung ano?

Nakikita na ako ni Kirby pero di siya tumigil sa halip ay ngumisi pa siya at mas lalong diniinan ang paghawak sa batok ni Glendee at niyakap ito. Naloko na naman ba ako?

Love Affair ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon