Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ang sarap kasi pakinggan ng salitang 'kabilang'. Nawala na ng tuluyan yung inis ko kay Yuri. Tumayo na ko at lumapit kay Ci-N at David.

"Saya mo ngayon ah!" Bati ni Kit.

Alam ko namang alam nila yung dahilan. Sa gymnasium ang diretso namin kung saan andun na yung ibang section.

Pagpasok, medyo pinagtinginan muna kami. Pero wala akong paki sa tinginan nila. Walang tatalo sa mood ko ngayon.

First row ay Section A, tapos B and so on. Kami ang nasa hulihan, syempre last Section kami. At dahil ako ang nag-iisang babae ako ang nasa unahan ng pila katabi si Yuri. Nakahiwalay si Keifer, nasa unahan namin sya pero may distansya.

Ganto talaga?

Umakyat sa stage yung Guidance Councilor namin at si Sir Alvin. Kasunod si Ms. Laila Smith at iba pa na mukang hindi teacher.

"Good Morning!" Panimula ni Sir Alvin. "...Simulan na natin ang Assembly for Fourth Year. Start with Section A."

Tumingin ako sa Section A na medyo malayo samin. Si Freya ang nasa unahan ng pila na nakahiwalay kagaya ni Keifer.

"Section A, representative Freya Hidalgo myself. Students report----Zero suspension no violation. Home room report----New air condition needed. Suggestion----New room for Section A." Sabi ni Freya na walang tingin tingin sa paligid nya.

Ganun pala yung reporting na sinasabi nila dati. Ang taray naman nila, kailangan ng bagong AC. Gusto pang magpalipat ng room. Kahiya naman!

Sumunod ang Section B na inerereklamo yung CR malapit sa room nila. May dalawang violator sila.

Sila Rakki naman ang sumunod. Parang matamlay ang itsura nya.

"Section C, representative Rakki San Diego, myself. Students report----1 suspension no violation. Home room report----New Ceiling Fan needed. Suggestion----None." Sabi ni Rakki na wala ring tingin tingin sa paligid nya.

Sumunod ang D na isang lalaki ang representative. May 5 suspension sila at 7 violator. Nagre-request sila ng bagong room at ganun din suggestion nila.

Tumingin ako kay Yuri na nakatingin sa harap. "Yuri..." Panimula ko. "...Anu pinag-kaiba ng Home room Report sa suggestion?"

"Priority yung Home room report. Yun suggestion, suggest lang ng representative yun, kahit hindi na pansinin."

Nag-nod naman ako. Yun pala yun! Si Keifer na ang magsasalita.

"Section E, representative Mark Keifer Watson, myself. Student report----2 suspensions 4 violations. Homeroom report----None. Suggestion----None." Bored na paliwanag ni Keifer.

Meron kaming suspension at violation? Sino-sino naman yun? At bakit hindi sinabi ni Keifer yung mga kalat sa harap ng room namin?

Kinalabit ko sya, dahilan para humarap sya sakin at makita ko yung black eye nya.

"What?!" Inis nyang tanung.

"B-bakit hindi mo sinabi yung mga basura sa harap ng room natin?"

"Gusto mo malaman ang sagot dyan? Ikaw ang mag-report." Sabi nya at bigla na lang nagtaas ng kamay para makuha ang atensyon ng mga nasa stage.

"Yes? Mr. Watson." Tanung ni Sir Alvin.

Siniko nya ko para sabihing magsalita na ko.

"S-sir... Uhmmm... Home room report po. Yung mga basura sa harap ng room namin----"

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon