Chapter 6

3.3K 122 5
                                    

"Oh bakit ngayon lang kayo?"-tanong sa amin ni ma'am gracie.

"May inaakasikaso lang po si xyro"-i lied.
Tumingin naman sa akin si xyro at ngumisi.

Aba!pasalamat nga siya dahil hindi ko siya isinumbong kay maam na makiki-basag ulo na naman siya kanina!

Nag-excuse muna ako kay maam na aakyat muna ako sa kuwarto ko at pumayag naman siya.

Nang maka-akyat na ako sa kuwarto ko ay humiga agad ako sa kama.

Hayst.nakakapagod ang araw na ito

Zzzzzzzz zzzzzzzzzz zzzzzzz

<XYRO POV>

Umakyat na si julia sa room niya kaya sinundan ko din siya.

Nang makapasok siya sa kuwarto niya ay hindi niya ni-lock ang pinto niya kaya makakapasok ako.

Hinintay ko muna siyang maka-tulog ba ako pumasok sa kuwarto niya.

Umupo ako sa tabi niya at marahang hinaplos ang buhok niya.

Lub dub.lub dub.lub dub.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan siya.

I admit na maganda siya pero hindi naman yun rason para sabihing inlove na ako sa kanya.

Siguro na a-attract lang ako sa ganda niya.

Tama!naa-attract lang ako at wala ng iba pa.

Lumabas na ako nang kuwarto niya at pumunta na sa kuwarto ko.

Hayst.talaga bang naa-attract lang ako sa kanya?

<JULIA POV>

Nagising ako dahil sa katok sa pintuan ng kuwarto ko.

Nag hilamos muna ako bago ko binuksan iyon.

Tumambad sa akin ang naka-ngiting mukha ni xyro.

"Pinababa ka na ni mommy sumabay ka na daw sa aming kumain"-sabi niya.
Tumango lang ako sa kanya at sinabing susunod na lang ako sa kanya.

Nag palit muna ako ng damit dahil nga naka-uniform parin ako tyaka nag haft bath na rin kasi naiinitan ako.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay bumaba na rin ako.

Nadatnan ko silang nag uusap mag ina sa sala.

Si xyro na seryoso ang mukha habang si maam ay may ngiting pang-aasar

"Hi po!"-masigla kong bati sa kanila kaya napa-harap sila sa akin.

Nanlaki pa ang mga mata ni xyro habang si maam ay nakangiti pa rin.

<XYRO POV>

Bumaba na rin ako pagkatapos kong sabihan si julia na sumabay na siyang kumain sa amin.

Nadatnan ko si mommy na naka-upo na sa dining table

Umupo naman ako sa harapan niya

"Mommy may tanong ako"-sabi ko sa kanya.

"Ano yun?"-tanong naman niya.

"Ano pong ibig sabihin pag bumilis ang tibok ng puso niyo sa isang tao?"-tanong ko

"Puwedeng kinakabahan ka o............inlove ka na"-sagot naman ni mommy at ngumiti na parang bang nang-aasar.

Inirapan ko naman siya kasi nang-aasar na naman ang isip-bata kong ina.

"Hi po!"-masiglang bati ng isang pamilyar na boses.

Nilingon namin ito at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya pero si mommy ay naka- ngiti parin.

Narinig niya kaya?

........

Lee min ho as Xyro Park

Park shin hye as Julia Song

Krystal Jung as Crystal Vergara

Kang min hyuk as Hendrix Chua

My Beautiful Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon