Chapter 4 (PART 2)

3.4K 126 4
                                    

Nang makarating kami sa EMPIRE UNIVERSITY ay agad akong bumaba dahil sa sobrang pagkamangha.
Ibang iba to sa school ko dati sabagay semi-private lang naman yun e.

"Mag intay ka naman julia!"-sabi nitong amo ko.

"Bagal mo kasi!para kang bakla"-nainis naman ata siya sa sinabi ko.

"Sabing hindi ako bakla e!"-ang cute este ang pangit niya pa ngang magalit.

"Oo na lang xyro hahahaha"-natatawa kong sabi kaya napatawa na din siya.

Nang makapasok na kami sa university ay mas lalo akong namangha.
Para ngang hindi na to school sa sobrang lawak nito e.

"Ano bang section mo?"-tanong sa akin ni xyro.

Tiningnan ko naman yung papel na binigay sa akin ni maam gracie.
Dito ata nakalagay yung section and schedule ko.

Grade and section : 4-A

Math : ****

History : ******

English : ******

*BREAK TIME*

Science : *****

etc.

"4-A ikaw?"-tanong ko sa kanya.

"Magka-klase tayo tara na at baka ma-late pa tayo"-hinawakan naman niya ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa.

Parang may kuryenteng dumadaloy sa magkahawak naming kamay.

Lub.dub.lub.dub.

Luh?ano tong nararamdaman ko?

Nang makarating na kami sa classroom namin ay pumasok na kaagad si xyro pero dahil tangay tangay niya ako ay natangay na niya ako papasok.

Ang sama nga ng mga titig sa akin ng mga babae.
Tusukin ko kaya mga mata nila!

Pina-upo ako ni xyro sa bakanteng upuan na katabi niya kaya lalo namang sumama ang tingin sa akin ng mga babae.
Yung mga lalake naman ay parang binagsakan ng langit at lupa sa itsura.

Ano bang mga problema ng nga to?

Pati yung professor naming babae na siguro ay nasa 30's ay ang sama din ng tingin sa akin.

Problema ng mga to?

Kinalabit ko si xyro at agad naman itong lumingon sa akin.

"Why?"-mahina niyang tanong.

"Bakit ganyan sila maka-tingin?"-tanong ko.

"Wag mo na lang yan pansinin may mga topak yang mga yan"-napatawa naman ako sa sinabi niya.

Nakinig na lang ako sa professor kong nag fe-feeling teenager hahahaha shhhh!!!wag kayong maingay huh?

(....break time..)

Sabay kaming lumabas ni xyro para kumain sa cafeteria.
Wala pa kasi akong kilala dito maliban kay xyro e.

Habang naglalakad kaming dalawa ay may nahagip ang dalawa kong mata.

"Bestfriend!!!!"-sigaw ko kaya napatingin naman siya sa direksyon ko.

"Bestfriend!!!"-tumakbo naman siya palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya yumakap na din ako pabalik.

Hendrix Chua,childhood and bestfriend ko.

Pumunta sila ng korea nung nakaraang taon kaya matagal-tagal na din kaming hindi nagkikita.

Simula pagka-bata ay bestfriend na kami ni hendrix kaya masyado na naming kilala ang isa't isa.

"Ehem"-napahiwalay kami sa isat' isa ni hendrix ng tumikhim si xyro.

"Hehehe bestfriend siya ng pala si xyro ahmmm.....k-kaibigan ko"-sabi kasi ni maam gracie kailangan daw na sekreto lang na pm ako ni xyro.
Kaya ito nagpapakilala ako bilang kaibigan niya-_-

"Whhaaat?!pinagpalit mo na ako bestfriend!!"-spell OA H-E-N-D-R-I-X.

"Hindi noh!kaibigan ko lang siya at ikaw naman ay bestfriend ko"-napangiti naman siya sa sinabi ko.

...........

A/n:pabitin muna hahahaha XD.
Makikilala niyo na si CRYSTAL VERGARA sa susunod na chappie!

Vote and comment guyz!

Sorry for wrong typo's and grammar.

..........

LEE MIN HO AS XYRO PARK

PARK SHIN HYE AS JULIA SONG

KRYSTAL JUNG AS CRYSTAL VERGARA

KANG MIN HYUK AS HENDRIX CHUA

My Beautiful Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon