Prologue

464 31 6
                                        

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of author's imaginations or fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coinsidental.

Do not distribute, publish, modify, display or create derivative works form or exploit of this story in any way. Please obtain permission.

Prologue

"Why are you still there?" Sumulyap ako saglit sa lalaking madalas kong nakikita sa tapat ng campus. He's smiling at me while I stayed still sa kinatatayuan ko.

"I'm waiting" I casually answered.

"To whom?"

By this time, I didn't answer. Instead, tumingin lamang ako sa tapat ng university kung saan nag-aaral iyong lalaking kausap ko kani-kanina lamang. He's still standing beside me, pareho kaming nakasandal sa sasakyan ko.

Everdeen University.

Sa labas ay makikita mo ang matataas na building sa loob, halatang para sa mga mayayaman at kilalang mga estudyante ang nag-aaral dahil sa magarang itsura sa labas pa lang. Kung titignan nga'y mukha siyang palasyo imbes na eskwelahan.

Matataas ang gate na mukhang yari sa mamahaling gamit, napansin ko ring may fountain sa loob. Ini-scan lang rin ang I.D. nila para makapasok sa loob at maraming gwardya ang nakabantay dito.

Mahigit lima't kalahating oras na rin akong nakatayo rito suot ang aking unipormeng long sleeves na kulay puti at pencil cut na paldang kulay burgundy na tinernuhan ng 3 inch heels na black shoes.

Magkakahalong ngalay, gutom, init at inip na ang nararamdaman ko dahil sa stress sa skwelahan at sa byahe ngunit ipinagsasawalang bahala ko lamang iyon dahil ayokong malingat at baka 'di ko siya maabutan.

"Here" Sumulyap muli ako sa lalaki at inabot niya sa akin ang isang stick ng banana cue "Walang lason 'yan, sige na, kainin mo na, alam kong gutom ka na," tinitigan ko siya saglit, nakakatawa na para bang nababasa niya ang isip ko kaya niya ko binigyan ng pagkain.

Dahil sa gutom ay kinain ko na ito habang nakatitig sa front gate ng eskwelahan.

Tumahimik siya, nakaramdam siguro na wala na kong interes makipag-usap sa kanya.

"Alam mo, isang linggo na kitang nakikita rito ngunit parang wala naman kasi akong nakikita na kakilala mo dito" Pagbasag niya muli sa katahimikan, bumaling ako sa kanya at humalukipkip, akala ko pa naman talaga ay mananahimik na siya.

"I'm waiting for someone" Sagot ko, still smiling.

"Then, who's that someone?" Tanong nito at umiwas ng tingin, napansin niya siguro ang pagtitig ko sa mukha niya kaya i rolled my eyes. He's cute, but he's definitely not my type.

"My future boyfriend" Sagot ko at bumaling sa gate kung saan naglalabasan na iyong mga estudyante.

Like A Star (SS#1)Where stories live. Discover now