"Ilang ulit ko rin bang sasabihin na I'm not a kid anymore?" Nagpout ang bata-- I mean si Gail.

"Tsk! I don't care, okay? Now leave us the fck alone." Sabi ni Kris sa mapagbantang tono.

Natakot naman si Gail at medyo napaatras. "Kahapon lang, medyo okay tayo ah!" Tapos tumingin sya saakin. "Sya ba ang girlfriend mo?" Tapos tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Goodluck na lang!" She flipped her hair at umalis.

Nanglait pa ah? Ang ganda nya, ang ganda nya sa kapal ng make up nya. TSK!

"Tss.." Tanging sabi ni Kris at bumalik sa loob. Sumunod naman ako sa kanya.

"Kahapon lang, medyo okay tayo ah!" I mimicked Gail's voice. nakakairita. "Bakit ngayon naman kung ipagtabuyan mo sya, parang wala lang ah. Pero kahapon, sobrang magdikitan." Tumawa pa ako ng pilit.

Tinignan nya ako. Ngumiti sya at lumapit. "Jealous?" Natatawang tanong nya.

"Hell no, Kris!" Sagot ko agad.

"Well," kumibit balikat sya. "Kahapon kasi, I used her to make you jealous." Napatingin na lang ako sa kanya na hindi makapaniwala. "I should thank her, kasi gumana naman." Tapos tumalikod sya ng manawa nawa parin.

"Hoy! Ang kapal naman Kris!!" Sigaw ko sa kanya pero ang tawa na lang nya ang narinig ko.

***

"Aano tayo dito?" Tanong ko na nakatingin sa isang maliit na helicopter na medyo malayo saamin.

"Lalangoy." Napatingin ako sa kanya. Mukha syang naiinis sa tanong ko.

"Seriously? Kailangan ba, lagi na lang sarcasm ang sagot mo?" Tanong ko.

"Seriously, kelangan bang laging nagtatangatangahan?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ang kapal!

Naglakad sya palapit saakin at nagulat ako nang kinuha nya ang kamay ko. Hinawakan nya. Hindi lang basta sa pulso ko, talagang hinawakan nya ang kamay ko!

Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng something na.. naramdaman ko kay Max before.

Pumasok kami sa loob ng helicopter. Nakakatuwa pa dahil inaalalayan nya akong makapasok. Definitely not kris! Anong nakain nya?

Nang maayos na ang upo namin, ngumiti lang ang pilot at dahang dahan na umandar.

Kumapit saakin ng mahigpit si Kris, as if mawawala ako sa kanya.

Nang marating namin ang itaas, nagsimula na akong mamangha sa ganda ng lugar.

"Ang ganda dito Kris!" Sabi ko na namamangha habang nakatingin sa baba. Good thing, wala akong takot sa matataas na bagay.

"Oonga, maganda." Sabi nya. At nang mapatingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin sya saakin.

Umiwas na lang ako ng tingin at tumingin muli sa baba. Awkward. Bakit kasi kailangan nyang magslita ng ganun while looking at me like that?

"Steph.." Nakalimutan kong magkahawak pa pala ang kamay namin, naalala ko lang ng pisilin nya yun.

Tinignan ko sya.

"I.. I'm not really.." Napatingin sya sa ibang direksyon sabay tanggal ng kamay nya saakin. Mukha syang kinakabahan at parang nag-iisip kung sasabihin ba ang mga nasa isip nya ngayon.

"Ano?" Tanong ko.

"Ah Sht! Fine, I like you! I don't even think that I just like you... I-I think I already love you." Huminga sya at lalong umiwas ang tingin. "There, I said it." May kaunting ngiti sa kanya na parang sinasabing 'nagawa ko din.'

Stephanie, The Devil's SlaveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt