Chapter 12

250K 2.5K 80
                                    

"Fiance?" Nagtatakang tanong niya.

Kinunutan ko siya ng noo. Nakakaasar, so magsi-sinungaling pa ba siya saakin? Bakit ba naiinis ako?

Humiga ako at tumalikod sa kanya. Ayoko siyang kausapin.

Naramdaman kong humiga din siya na parang naginginig?

"Pftt--,"

Narinig kong parang may nagpi-pigil ng pagtawa.

"BWAHAHA!" Pigil niya sa tawa niya. Ang ganda ng tawa niya pero dahil alam kong ako ang dahilan nun, nainis ako.

"Ano bang nangyayari sayo Kris?!" Naiinis na tanong ko.

Umayos sya sa pwesto niya at umubo at tinignan ako nang mabuti. "Si Lyn ba?--HAHAHA!!"

Hindi ako nakapagsalita. Kumalma muna siya bago nagsalita ulit.

"Hindi ko sya fiance, Steph." Seryosong sabi nya. "Nagseselos ka ba?"

"A-ano?!" Nagulat na sabi ko.

"Tell me, nagseselos ka ba?" Interesadong tanong nya. Hindi sya nanunukso, gusto talaga niyang malaman ang sagot ko. Bakit sobrang seryoso niya?!

"Hindi ah! Kailan naman mangyayari yun? Kadiri." Seryosong sabi ko din. Ako? Magseselos? Huh! A-S-A

Mula sa seryosong tingin niya ay biglang lumamig.. At nakita kong ngumisi siya.

"I forgot, bakit ka nga pala magseselos?" Humiga na sya. "Si Lyn, kapatid ko siya." Huling sinabi nya at tumalikod, pagkatapos ay natulog.

What?

Kapatid?

KAPATID?! WHAT? Seryoso ba sila? Ano ba talaga? Naman yan! Ang gulo-gulo naman nila!

Dahil sa maraming tanong sa isip ko, hindi ako gaanong nakatulog. Nakakainis! Ano ba talaga? Ang lakas naman ng mga trip nila!

Kinabukasan bumangon ako kahit inaantok pa ako. Gusto kong makausap si Lyn eh.

Pagbaba ko, naghahanda si manang ng pagkain. Si Lyn naman ay tinutulungan si manang. Ang cute niya tignan. Paano kaya sila naging magkapatid ni Kris? Malayo ang itsura nila sa isa't isa. I mean, magkaiba sila ng mga features ng mukha.

"Hi ate Mae!" Sigaw ni Lyn. Masayang-masayang sya. Well.. palagi naman.

Ngumiti ako sa kaniya. "Lyn, pwede ba tayo magusap?"

Napatingin siya saakin mula sa pagaayos ng pagkain. "Sure ate!" Ngiting ngiting sabi nya. Lumapit siya saakin at pumunta kami ng sala. "Ano ba yun? Mukhang seryosong seryoso ka ata?"

"Ano mo ba si Kris?" Diretsong tanong ko. Kating kati na ako malaman eh.

"Fiance." Sabi nya habang hawak hawak ang remote at in-on ang TV. Nakangisi siya.

"Magkapatid kayo," Sabi ko na nakatingin sa kaniya.

"Huh?" Tanong nya na parang nagulat.

I sigh, mahilig magsinungaling ang batang to. Hindi nya ako napatulog kagabi. "Sinabi na ni Kris saakin."

She just smiled. Mukha ngang mabibirat na ang labi niya sa laki ng ngiti nya. "REALLY? Inamin na ni kuya?!"

ANO DAW? "Nasabi nya kagabi."

"Ah.. eh.. sorry kung nagsinungaling ako, hindi ko naman alam na akala mo, magfiance kami eh, sinakyan ko lang yung nasabi mo, kanino mo ba nakuha ang idea na 'yun?" Tanong niya.

Saka naman pumasok sa isip ko si ETHAN!! Jeez! That freaking guy! ARGHH! Nakakainis sya! Dahil sa kaniya, nagmukha akong tanga kay Kris at Lyn! Nakakainis siya!

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon