Ang pasko ay sumabit (year-ender* special)

Start from the beginning
                                    

Pero you know, wala namang drastic change sa akin kahit ganyan. Hindi man ako nabiyayaan ng killer metabolism na nagpapapayat forever (dalawang kaibigan ko nung 2nd year, I'm lookin' at you!), hindi rin naman ako lumolobo ng todo [audience: IN DE-NI-AL!!! IN DE-NI-AL!!!]. According to Triple H, may tawag daw sa ganito. The term is "skinny fatass", thank you very much.

===

Kunwari may batchmate/schoolmate/classmate/clubmate/ka-platoon/pinsan/kamag-anak/dating teacher/principal ka na hindi mo naman talaga trip. Tapos in-add ka sa Facebook. Tapos ayaw mong i-accept. Tapos kailangan mong i-accept kasi makakausap mo siya sa school o kung saan man. AWKWARD. HAAAAAAAY.

There's no such thing as a "polite turn-down", both in social media and in real life. 'Yung parang sasabihin mo na "uh, ayaw kitang maging kaibigan". Facebook profile mo 'yun eh, paki ba nila kung ayaw mong i-invade nila ang privacy mo? Tangenuh nung hindi sumasang-ayon. Pero social norm eh. Parang ang bastos ng dating mo kung aayaw ka. Kebs na lang.

Kahit na na-imbento 'yung "privacy settings" sa Facebook kung saan pwede mong ipagliban ang isang tao sa pagbasa ng wall mo o pagtingin sa pics mo, iba pa rin talaga eh.

"Unprettier is now friends with" ... eh, I'd rather not be.

===

FRIDAY, 2013 DECEMBER 13

Huling CAT para sa taong 2013. Yehey! Lectures kami dapat ngayon, pero for some reason hindi kami pinapunta sa hall kung saan kami nag-le-lecture. Doon kami nag-stay sa covered court (na bahagi na ng canteen ngayon). May mga table roon. Sa hall, wala.

Tapos naupo kami by squad. As in, dalawang table bawat platoon = 1st squad at 2nd squad. Tapos kasamang nakaupo 'yung company commander sa unang squad, platoon leader naman sa 2nd squad (andun ako). Mukha kaming happy family na kakain ng hapunan. Yehey! Cutie patootie.

Nasermunan lang 'yung mga timang na ayaw sumunod sa dress code. Tapos ayun, in-explain 'yung project namin. Research ata para sa bawat barangay. Mag-i-interview sa barangay hall, kukuha ng mga picture, maglilista ng landmarks, chubaekek tapos i-co-compile. 'Yung mga kaklase mong ka-barangay mo ang ka-group mo. Hindi ko lang gaanong trip 'yung mga ka-barangay ko. Kapag kasama ko sila, magiging superhero ako. Super OP. Out-of-place. How nice. Nabahingan ko pa 'yung leeg ng ka-platoon ko.

===

For the nth time, favorite wrestler ko si CM Punk ('yun nga lang hindi na ako nakakapanood ng WWE ngayon kasi nakakatamad at balita ko masagwa na raw eh). At ngayon balita ko hearthrob na hearthrob daw ang dating niya - Facebook posts by giddy fangirls further proves that point. Ovaries exploding. Such wow. Umm... I don't know what to feel. Hearthrob? CM Punk?!?

Mas gusto ko pa rin 'yung long hair-no moustache-stubble look niya noon. Whatevs.

===

Tuesday, 2013 December 17

Kanina sa Arts class, ipina-sketch kami ng... mukha ng ...tao.

Kapag nag-i-isketch ako ng tao, mukhang tao naman. It's just that it looks nothing like the person I'm sketching. Kumbaga nag-order ka ng buko pie pero ang natanggap mo ay apple pie. Oo, masarap nga - pero apple pie 'yun at hindi buko pie.

Remember that time when nagprito ng itlog si Spongebob tapos naging krabby patty? Yes, 'twas like that.

===

Umm. Nagpa-rebond na ulit ako. (Sa lahat ng nakakakilala sa akin sa school: holy $#!& that's a dead giveaway!) So yehey. Mukha na akong tao. Yata. Kapag hindi naka-rebond, ako'y mukhang psycho serial killer zombie panda. Kapag naka-rebond, ako'y mukhang eggnog. Na zombie panda.

Honestly, kung tinanong niyo ako dati kung sinong celebrity ang kamukha ko in terms of hair, baka sagutin ko kayo ng "umm, si Slash?". Kung considered man siya bilang celebrity.

===

Nagregalo sa amin 'yung ka-opisina ng nanay ko. Sa kapatid ko, artisan chocolates ang ibinigay. Sa akin naman, sabon. Kung ibang tao ang nasa sitwasyong ito, baka sabihin na ipinapairal ang favoritism. There's no such thing as a world where everyone is equal, deal with it son!

Anyway, ako naman 'yung tipo ng tao na natutuwa kapag binibilhan ng sabon. O shampoo. I appreciate it. Lalo na kung coconut/mint/aloe vera/mabulaklak 'yung amoy. Ewan ko kung bakit, nakakatuwa lang kasi talaga ang mga sabon. Bonus points kung maganda ang packaging.

===

Ako si Unprettier, at noong nalaglag 'yung Cloud 9 ko sa floor kaninang Christmas party, kinain ko pa rin!!!

(cue collective look of disgust)

Anyway, wala akong gaanong ma-say in relation to this year's Christmas party. Ayos naman siguro.

Unang game namin, newspaper dance. Nanalo 'yung dalawang payat na lalakeng nagbuhatan. Ikalawang game, Trip to Jerusalem. Nakakatuwa rin naman. Tapos nagkaroon ng batuhan ng itlog - 'yun ang pamatay. Doon sa grounds naglaro ang participants, at may dalawang team na ayaw magpatalo. Noong umpisa about 10 feet ang distance ng participants (anim na group yata, 2 member ng isang group), tapos naging 20 feet ang agwat, 30 feet, 40, 50, 60... 70!!! Watdahel! Pati ibang section nakinood na. Hindi yata tao ang mga kaklase ko. Ang galing nila.

Tapos nagkainan na. Ang mga available na pagkain sa section namin: pancit, palabok, buchi, buko pandan, lechon yata, chicharong bulaklak yata, graham cake yata, ice cream. May iba akong mga kaklaseng kumain ng lahat ng 'yan, kasama ng kanilang choice of softdrink (pepsi/sprite/royal) at alam na ata natin kung ano ang susunod na nangyari. Kidding!

Sa exchange gift (gift exchange?), kaibigan ko 'yung nakabunot sa akin... hindi ko talaga in-expect na siya 'yun. Ibinili niya ako ng librong "Lumayo Ka Nga Sa Akin" ni Bob Ong na inilagay ko sa wishlist ko dahil ayaw ibili sa akin ng nanay ko. Mayroon pang kasamang sandamukal na poster ni Kris/Wu Yifan/Kevin Li kaya super nakakatuwa. Yehey!

Sa kabilang section, nagkaroon ng "That's My Bebot", kung saan ginawang bebot ang... mga lalaki. Mayroon talagang isang contestant na super ganda. Shet. Pero defined ang abs eh. Para lang si Minho ng SHINee nung nag-crossdress siya. Maganda nonetheless.

In retrospect, marami naman akong ibinigay na regalo. Marami rin akong natanggap: snowglobe, wallet, poster, libro, flashlight, at... higit sa lahat... SIPON!!!

Oo may sipon nanaman ako. Merry Christmas.

--x--

A/N: You've made it this far! Yay, you! Kung interesado ka (um-oo ka na lang) na makita 'yung forever-going-to-be-lost cover ng journal na ito (which lasted for approx. 2 days), wait no more!

Ah, but there's a catch - tinapalan ko iyan ng overly-sappy na letter. Just for you. I guess.

http://bit.ly/1fMW4t0

Pasensya kung corny. Nakakatamad mag-isip ng joke...

THINKING OUT LOUD!Where stories live. Discover now