Nong maihatid ko na siya nagpaalam na akong uuwi pero padabog siyang pumasok ng kwarto niya, sumunod ako sa kanya at nakita ko siyang nakadapa sa kama.

Hindi ko naman siya matiis kaya umupo ako sa tabi niya.

"Anne bukas susunduin ko ang kapatid ko."

"Anne ka diyan!"

Bigla siyang umupo saka hinila-hila tong damit ko.

"Uy mapupunit tong damit ko!"

"Bakit Anne kasi tawag mo sakin?!"

Diko mapigilang matawa dahil halos lumabas na yong balikat ko sa paghila niya sa damit ko.

"Ano pala gusto mo?"

"Hmm babe mo ako, eh!"

"Oh sige na babe wag mo na akong hubaran baka marape mo pa ako."

"Sira!" 

Dumapa ulit siya habang nakayakap sa isang maliit na unan.

"Babe magpalit ka muna bago matulog. Dali na."

Matagal bago siya kumibo.

"Mabaho ba ako?" tanong niya habang nakadapa pa rin.

"Hindi babe kaso baka mamaya natuyuan ka ng pawis magkasakit ka. O gusto mo ba ako na lang magpalit sayo."

Umiling siya habang nakasubsob sa unan. Napakacute din talaga ng babe ko.

"Babe baka makatulog ka."

Niyugyog ko yong balikat niya kaya wala siyang nagawa kundi tumayo, diretso siya sa banyo.

Nakaupo lang ako dito sa gilid ng kama habang hinihintay siya.

Napapahikab at kamot na ako dahil ang tagal naman niyang lumabas ng banyo.

Tumayo ako saka lumabas ng kwarto.

"Babe?" Kumatok ako dito sa banyo pero bigla na lang umawang.

Bakit hindi niya nilock?

"Babe?"

Sumilip ako.

"Ah ah arrrray! Babe!!!!!"

Halos sumigaw ako sa sakit dahil pinisil na naman niya tong ilong ko  pagbukas niya ng pinto.

"Bakit ka naninilip ha?"

"Araaay!!! Bitiwan mo na babe tong ilong ko! Tsaka hindi ka naman kasi naglock!"

"Nangangatwiran ka pa!"

"Ah ah aray! Sorry na!"

Napapakamot ako sa ilong ko nong binitawan niya.

Grabe! Sigurado akong pulang pula na naman tong ilong ko dahil pinanggigilan talaga niya.

"Subukan mo ulit manilip!"

"Ang sungit mo eh nakita ko naman na lahat ng yan ah!"

Sigawan kami.

Pero hindi na ako umimik ulit nong tinaasan niya ako ng kilay. Sumunod na lang ako sa kanya nong pumasok siya ng kwarto.

Nakatapis lang siya.

Kahit ilang beses na kaming naglampungan hindi pa rin nawalala sa kanya ang pagiging 'conservative'.

"Babe, pavirgin ka naman eh."

"Virgin pa naman talaga ako."

"Virgin pa naman talaga ako." parang paulit-ulit na nag-e-echo sa tenga ko yong sinabi niya.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now