CEO58 - Confusion

15.9K 297 16
                                    

#58 - Confusion

.

Tristan's POV

I was left dumbfounded sa tanong ni Iza. Akala ko hindi nya napansin ang bigla kong pagbabago nitong mga nakaraang araw.

It's really all my fault.

"Speak up, Tristan." Untag nya sa akin. "Mind enlightening me about your sudden change this past few days."

Wala akong nagawa kundi sagutin ang tanong nya.

I held her hand and took hee to more private place. Baka kasi may makarinig sa pag-uusap namin.

Dinala ko sya sa veranda ng hotel.

"Now, tell me."

I took a deep breath.

"Maybe you're thinking that it's because of Ciara, well not totally because of her. Ganito kasi yun.." I momentarily paused to check on her.

Mukhang hindi naman sya galit kaya nagpatuloy ako.

"Nong makita ko ulit si Ciara after so many years, parang bumalik lahat ng kabaliwan ko nong middle school kami. Parang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya. And then I remembered my promise to her. Na sa susunod na magkikita kami ay hindi na ako ang Tristan na baliw na baliw sa kanya. For a couple of days I got confused about my feelings towards you and towards her."

I saw her eyes glistened. Medyo dim ang ilaw sa lugar na yun pero hindi nakaligtas ang pagkislap ng mata nya dahil sa luha.

Agad ko syang niyakap.

"Please don't cry, hon." Pinunasan ko ang luha nya as I cupped her face.

"Listen to me, hon. It's true that I got confused but I realized that there's someone who really loved me and really makes me happy and that's you, Iza. Nong makita natin sa restaurant si Ciara nong magdate tayo, non ko narealize na walang dahilan para magdalawang isip ako. You're all I need, hon. You're the one that I love very much!"

She looked at me emotionless. Hindi na sya umiiyak pero hindi din naman sya masaya. All I can see is pain.

God! I've hurt her. Sana hindi ko na lang sinabi.

"Let's end the party. It's almost midnight." Aniya saka umalis.

I tried to catch up with her pero iniwasan nya lang ako.

I messed up again.

.......................................
.

Andrea's POV

.

Umuwi kaagad ako pagkatapos ng party. It should be until midnight pero bigla akong nawalan ng gana para makipaghalubilo pa sa mga tao.

Nagkulong ako sa kwarto ko the next day. Tristan already explained himself pero sa mga sinabi nya parang mas lalo akong nasaktan.

He got confused about his feelings. Paano pa kaya kapag kinasal na kami? I'm just afraid to risk everything and will end up with nothing. Minsan na syang nagdalawang isip sa nararamdaman nya, paano pa kaya kung mas maganda at mas sexy pa kay Ciara ang makilala nya? Baka hindi lang confusion ang maramdaman nya. I'm scared with the fact na hindi pure ang pagmamahal nya sa akin.

God! Why do I have to think about this?!

Bumalikwas ako ng bangon nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, nasa baba si Tristan. Hinahanap ka." Mom said as I open the door. "May sakit ka ba?"

"Ahm.. Wala po. Pakisabi po bababa na ako."

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now