CEO53 - The Almost Happy Family

16.6K 301 2
                                    

#53 - The Almost Happy Family

.

Andrea's POV

.

After ng surprise proposal ni Tristan ay naging abala na kami sa pagpaplano ng aming kasal. Hindi naman kami nagmamadali kaya napagdesisyunan namin na three months after ng birthday ko ang aming kasal. That will be five months from now since next next month pa naman ang birthday ko.

Sa dating bahay na din namin kami nakatira.

Today is our day to choose para sa reception ng kasal. Nagkasundo kasi kami na garden wedding ang gaganapin kaya kailangan ng magandang reception.

"Hon, what do you think of this one?"

Inabot sa akin ni Tristan ang picture ng isang hotel sa Manila.

I frown.

"Hon, malayo naman yan sa gaganapan ng kasal eh. We should choose the one which is accessible for all our guests. How about this one?" Tinuro ko sa kanya ang isang mamahaling restaurant na malapit sa gaganapan ng kasal.

It's his turn to frown.

"I'm pertaining to your birthday, hon. I want this hotel to be the reception of your birthday."

"We've talked about that, hon. Diba ang usapan natin sa resort na lang nina Wendy gaganapin ang birthday ko para naman makapunta ang babaeng yun."

Tumango na lang sya. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano? Napag-usapan na kasi namin ang tungkol sa birthday ko. Ang gusto ko kasi simpleng birthday lang. Yung kompleto ang buong pamilya namin but he insisted the luxury birthday. Pumayag na lang ako pero ako ang pumili ng lugar at yung resort nga nina Wendy sa Mindoro ang napili ko.

"Hon, are you mad?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya. I know when he's mad and not.

"You're mad. We've talked about this right? Pumayag ka naman nong nag-usap tayo so I thought my birthday is all set."

"Wala naman akong sinabi diba?! Sa resort nina Wendy eh di doon!!" Binagsak nya sa table na nasa harap namin ang hawak nyang magazine.

Napapitlag pa ako sa ginawa nya.

"Bakit ba nagagalit ka?" Kalmado kong tanong.

Tiningnan nya ako ng masama.

"I told you I'm not mad."

"Then why are you acting like that?"

He inhaled deeply and looked away.

.

Tristan's POV

"Then why are you acting like that?"

Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. Paano ko ba sasabihin sa kanya na gusto ni Eula na magkakasama kaming tatlo sa araw ng birthday nya.

"Tristan?"

Nasa tono nya ang pagbabanta na kapag hindi ko sinabi ang nasa isip ko ay magagalit sya. I don't want that kaya no choice ako kundi sabihin na sa kanya.

"Eula wants to be with you on your birthday." Saad ko.

"Kasama naman natin si Eula kung pupunta tayo sa Mindoro. Magkakasama naman kami don." She said.

Hindi nya kasi naiintindihan eh.

"Eula wants to celebrate your birthday with only the three of us!" Pagpapaliwanag ko na kinakunot ng noo nya.

Loved by the CEO: Tristan Salviejo StoryWhere stories live. Discover now