Chapter 45

18 1 0
                                    

One year later...

Monica's POV

It is so nice to be back after almost a year. Tinapos ko lang ang contract ko then I decided to resign para magstay na sa Pilipinas. Thankful naman ako dahil from the time na napabalitang magpipirmi na ako sa bansa ay marami namang offers sa Pilipinas. I ended up being one of the columnists of the most well-renowned newspaper company bukod pa doon ay may blog din naman ako. Ayoko namang magfull time ng trabaho para magkaoras naman ako kay Ralph. I want to be with him as much as posible dahil sa dami ng isinakripisyo niya para sa akin kaya it's my time now to give back.

Halos every day naman kami nag-uusap nung nasa US pa ako pero steady pa rin kami. Wala naman siyang nababanggit na kung anong plano niya para sa amin. Minsan nga gusto ko ng magtanong sa kanya kung wala ba siyang balak na magpakasal ng legal kaso nauunahan naman ako lagi ng hiya. But this time ako na ang magkukusang magtanong sa kanya kung sakali mang hindi parin siya magtanong.

Ang pag-uwi ko ngayon sa katunayan ay surprise. Tanging sina Jane at Carlo lang ang nakakaalam at sila lang din ang susundo sa akin ngayon. Maya-maya pa ay natanaw ko na sila sa may waiting area na kumakaway sabay hawak ng karatula but they looked bothered. Nang makalapit ako sa kanila ay agad nila akong niyakap at hindi nakaligtas sa akin ang hikbi ni Jane.

"Jane? Do you really miss me that much that's why you are crying right now?" biro ko pa habang nakayakap kay Jane ngayon.

"Namiss talaga kita Monica. But ... something happened..." pautal-utal niyang sabi habang umiiyak pa rin. Hindi ko naman mapigilang mag-alala bigla sa mga inaarte nila ngayon kaya tumingin ako ng makahulugan kay Carlo.

"H-hindi muna tayo uuwi agad sa inyo Monica. May kailangan tayong puntahan kasi.." paliwanag ni Carlo.

"Can you just tell me what's going on please.." naiinis na ako dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"There was an accident last night and Ralph is in a serious state right now. Hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon." tuloy-tuloy na sabi ni Jane. Bigla namang tinakasan ng lakas ang mga binti ko at napaupo na ako sa sahig habang nakatulala lang.

Oh my God. Please dont let anything happen to him Lord. Hindi ko kakayanin..

Hanggang namalayan ko na lang na naglalandas na ang mga luha sa aking mga mata.

"I want to see him." sabi ko at inalalayan na nila akong makatayo. Dapit-hapon na kaya medyo makapal na ang traffic sa daan. Tahimik lang kaming tatlo habang binabagtas ang daan patungo sa saan mang ospital nakaconfine si Ralph.

"Do you have any idea kung bakit siya naaksidente?" maya-maya ay natanong ko sa kanila.

"He had a drink while driving daw at sabi ng mga nakasaksi ay maayos naman siyang nagmamaneho pero yung truck ay nawalan yata ng preno kaya nabangga nito ang sasakyan ni Ralph.

"Ano ba talagang damage kay Ralph? Ano ba talaga ang kalagayan niya? Can you please tell me right now dahil parang mababaliw na ako sa kaiisip dito while we are in the middle of this fuckin' traffic, please?" Nagpapanic attack na yata ako kasi naman ay wala akong magawa ngayon.

"Just calm down Monica. Wala namang damage kay Ralph pero the doctor is suspecting na baka macomma siya kasi hindi pa nagigising.." paliwanag ni Carlo.

"Oh my God. Why? This is killin me right now."

Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon