Chapter 22

18 2 0
                                    

          Three days after the confrontation ay umuwi ako sa amin. Hindi na ako nagpaalam ng personal kay Ralph dahil nga iniiwasan kong magkausap kami kaya nag-iwan na lang ako ng mensahe. Bago umalis ay ipinagluto ko muna siya at ipinaghanda ng kanyang susuutin bukas at sa susunod na araw. Alam ko kasing hindi ako papayagang umuwi agad ni nanay. Sobra ko talagang namiss ang lugar namin. Namiss ko na ang bahay pati mga alaga kong hayop at halaman. Pagkakita sa akin ni nanay ay agad niyang napansin ang pangangayayat ko raw. Mukhang hindi daw ako kumakain at natutulog ng maayos. At hindi ko inaasahan ang mga sumunod na tanong niya.

"Buntis ka ba anak?"
Halos masamid ako sa aking iniinom na kape dahil sa narinig.

"Ang nanay naman! Wala po sa plano namin ni Ralph ang mag-anak sa ngayon dahil bata pa kami." pagsisinungaling ko na unang beses kong ginawa sa magulang. Patawarin po ninyo ako Lord..

"Ganoon ba? Maayos naman ba ang pag-aalaga ng iyong asawa sa iyo anak?" usisa naman nin tatay.

"Uhmmm... O-opo naman tay . Kahit na busy siya sa trabaho ay naglalaan naman siya ng oras sa akin kahit papano."

"Mabuti kung ganoon at mukhang pareho niyong gustong maayos ang inyong pagiging mag-asawa."

"Oo naman po. Hindi naman po kasi ito parang kaning isinubo na basta-basta lang idudura kung napaso ka, diba?"

"Tama ka anak. Masaya kami para sa iyo." sabi naman ni nanay.

"Nay, tay.... Patawad po dahil hindi ko po natupad ang pangako ko sa inyo. Wag kayong mag-alala dahil kahit na ganito ang nangyari sa akin ay magtatapos pa rin ako ng pag-aaral."

"Huwag mong isipin iyan anak. Alam kong may plano ang Diyos kung bakit ito nangyari." makahulugang sabi ni tatay.

Gaya nga ang inaasahan ko ay hindi agad ako pinauwi ng mga magulang ko which is pabor naman sa akin. Tumulong ako sa bukid at pag-aalaga ng mga alaga naming hayop na dati ko ng ginagawa. Bago ako umuwi ay kumuha muna ako ng mga binhi ng mga bulaklak na itatanim sa bahay at pinabaunan pa ako ni tatay ng mais at kamote. Dahil nga hapon na akong umalis sa amin ay gabi na akong dumating sa bahay. Pagod man sa biyahe ay balik na naman ako sa pagiging mabuting may-bahay. Alas sais na ng gabi pero wala pa rin si Ralph at dahil Friday ngayon ay malamang kasama niyang naghahang-out ang mga kaibigan niya. Nagpahinga lang ako sandali pagkatapos ay naghanda na ako ng hapunan. Inayos ko na naman ang susuuting damit ni Ralph bukas dahil kahit na Sabado ay umaalis pa rin siya ng bahay. Bandang 7:30pm ay natapos na akong maligo pero hindi parin umuwi si Ralph kaya kumain na ako tapos ay nanood ng palabas sa TV. Alas nuebe na ng gabi pero wala paring anino ni Ralph kaya medyo nag-aalala na ako kahit na hindi naman ito ang unang beses na late siyang umuwi.

"Sana naman hindi siya pinagdrive ng mga kaibigan niya." hiling ko.
Panay ang silip ko sa labas ng bintana kung may paparating bang sasakyan pero napakatahimik na sa labas. Gusto ko sanang tawagan ang phone niya pero naunahan naman ako ng hiya.

"As if naman na sasagutin niya." sabi ko sa sarili pero hawak-hawak ko na ngayon ang cellphone ko kaya pikit-mata kong idinial ang  number niya. Ilang beses na itong nagring pero walang sumasagot. Idinial ko ulit ang number niya at naghintay na may sumagot at himalang sinagot niya nga ito.

"Hello Monica... We're on our way na. Nalasing itong si Ralph kaya ako na ang nagdrive para sa kanya." sa halip na si Ralph ang sumagot ay babae ang nagsalita ngayon. Kahit na kilala ko ang boses na iyon ay gusto ko pa ring kompirmahin.

"Sino to?"

"This is Nadia. Okay, I really need to hung up now coz Im still driving. See you in few minutes," sabi nito at ibinaba ang phone. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman sa ngayon kung ito ba ay galit, panibugho o sakit. Basta ang alam ko lang ay nagkakaganito ako dahil kasama ni Ralph ang babaeng gusto niyang pakasalan. Pabalik-balik ako sa pagsilip sa bintana at naghihintay sa pagdating ng aking asawa kasama ang hindi kanais-nais na bisita. Maya-maya ay may bumusina sa labas ng gate kaya nagmadali akong lumabas ng bahay para pagbuksan sila.

"Easy lang Monica. Hinga ka lang." pang-aalo ko sa sarili. Nang maiparada na ang kotse ay agad na lumabas si Nadia ng nakangiti sa akin.

"Come on Monica, I need your help. Kailangan nating tulungang maipasok si Ralph coz he's really drunk. He can't even walk straight." utos ni Nadia sa akin at tumalima naman ako agad na tila parang isang katulong lang.

"Hey Ralph... We need you to wake up so we can bring you inside." sabi ni Nadia habang tinatapik-tapik pa ang pisngi nito at nagmulat din naman ng mata si Ralph. Kahit na ang bigat-bigat niya ay nakayanan pa rin naming akayin siya papasok sa bahay ngunit hanggang sa sala lang.

"Okay Monica, get me some warm water and a clean towel so I can clean him up." utos sa akin ni Nadia na para bang katulong ang paningin niya sa akin kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.

"Hindi mo na kailangang gawin ito Nadia. Kaya ko namang alagaan ang asawa ko." pagbibigay-diin ko sa salitang "asawa" at halata namang hindi niya nagustuhan ang narinig.

"Really? But I wanted to take care of him. Ako ang kailangan niya and we both know that." pagtataray rin niya sa akin.

"Ako ang mas may karapatan ngayon. So salamat na lang sa paghahatid mo sa asawa ko at makakaalis ka na." pagmamatigas ko habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Tumitig din siya sa akin at ilang sandaling hindi nagsalita.

"Ralph's right, you are a stubborn brat!" nakakalokong sabi niya.

"So what kung stubborn ako at least marunong akong lumugar di tulad mo, may asawa na ang tao nilalandi mo pa rin." ewan ko kung saan nanggaling ang tapang ko pero kusa na lang itong lumabas sa aking bibig.

"Matapang ka na ha! Humanda ka, siguradong makakarating itong lahat kay Ralph." pananakot niya. Ngumisi lang ako ng nakakaloko sa kanya tapos ay binuksan ang pinto.

"Makakaalis ka na Nadia." ang tanging nasabi ko habang naniningkit sa galit ang mga mata niya.

"You'll regret this!" ang huling nasabi niya bago ko binalibag pasara ang pinto. Hinamig ko muna ang sarili dahil ang lakas ng heart beat ko. Pagkatapos kalmahin ang sarili ay pinunasan ko ng maligamgam na tubig si Ralph tapos ay binihisan. Deja vu?
Payapa ang mukha niyang natutulog at malaya kong napapagmasdan ang maamo niyang mukha na matagal ko ng hindi nasisilayan. Hindi ko maiwasang isipin na masaya siya sa piling ni Nadia.

Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon