Chapter 18

15 2 0
                                    


          "Mom! We need to think about this. Hindi mo ba pakikinggan ang paliwanag ni Monica?" salungat ni Ralph sa narinig.

"My God Ralph! Be responsible! Ito ang pinakamabuting paraan sa atin upang hindi masira ang pagkakaibigan ng ating pamilya dahil lang sa kapabayaan mo." maawtoridad na saad ni tita.

"Sorry ija, hindi mo pa dapat nararanasan ito sa ngayon. Look Ralph, ikaw ang nasa hustong gulang na kaya ikaw dapat ang mas nakakaalam kung anong tama at mali. You are the one to blame here, keep that in mind.." sabi ulit ni tita. Naawa naman ako kay Ralph kasi wala siyang kasalanan talaga dito.

"Pero mama, pano na ang kinabukasan ko? Hindi naman pwedeng basta-basta lang ninyo akong ipakakasal sa kung sino." puno ng pagdaramdam at galit ang tinig ni Ralph.

Aray! Kung sino lang talaga ang tingin niya sa akin.

"Watch your word Ralph! Wag mong kakalimutan na mama mo ako and I won't tolerate you from answering me back. Respetuhin mo ako at ang desisyon namin ng mga magulang ni Monica. It's final! Sa lalong madaling panahon ay magpapakasal na kayo ni Monica."


Wedding day...

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." sabi ng judge at hudyat iyon na legal na ngang asawa ko si Ralph ngayon. It is suppose to be a victory on my part pero daig ko pa ang namatayan ngayon. Hindi ko napigilan kanina ang maiyak ng magsimula kaming magsabi ng wedding vows ngunit hindi iyon dahil sa tuwa kundi dahil sa panlalamig sa akin ni Ralph. Nagbitiw nga siya ng salita pero napakaikli nito tapos tagos pa sa ilong ang pagkakasabi niya at hindi pa siya tumitingin ng diretso sa akin. Hindi na kami nag-uusap mula ng mangyari ang araw na isinusumpa ko na ngayon.

"Kiss... kiss!..." sigaw ng mga taong dumalo. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng humarap si Ralph sa akin at for the first time in a long time ay tumitig siya sa akin ng diretso sa mga mata ko at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Gosh! Anong gagawin ko? taranta na ang isip ko. Naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa kaba ngunit ang halik na ipinagkaloob niya sa akin ay dampi lamang sa pisngi. Yes, napahiya ako pero I somehow felt relieved. Ayoko rin naman na gawin niya ang isang bagay kung saan ay napipilitan lang siya dahil malaking sakripisyo na sa kanya ang kasalang ito kaya ayaw ko ng mas mahirapan pa siya.

"Congrats! Hindi ako makapaniwalang misis ka na ngayon samantalang kagagraduate lang natin few days ago. Ang bilis talaga ng panahon." bati sa akin ni Jane.

"Oo nga teh. Ano na ang balak mo ngayon after nito? Magkokolehiyo ka pa ba ngayong pasukan?" tanong naman ni Carlo.

"Oo naman. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral ko pero next sem na siguro. Magiging abala kasi kami sa paglilipat ni Ralph." sagot ko.

"Para saan?" usisa ni Carlo.

"Sabi kasi ni tita Paula ay kailangan naming bumukod para magwork ang pagsasama namin ni Ralph kaya she bought a house malapit sa kabisera kung saan malapit sa trabaho ni Ralph."

"Really? Hindi na pala tayo magkakabonding nito." sabi naman ni Jane

"Don't worry, bibisita pa rin naman ako dito eh." pagaassure ko sa kanila.

"Talaga dapat! Aasahan namin ang mga balita at update mo, alam mo na..." sabi naman ni Carlo.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanila kasi sa totoo lang ay nag-aalala ako sa mga mangyayari sa susunod na mga araw. Kinakabahan ako sa ano mang dahilan na di ko mawari sa ngayon. Ewan ko ba! Kilala ko na naman si Ralph kaya alam ko na kung paano siya pakikitunguhan pero parang malaki ang ipinagbago niya nitong huling araw. Parang hindi na siya ang Ralph na kilala ko.

"Ano na? Lumilipad na naman yang isip mo?" pukaw sa akin ni Jane.

"Aa... napapagod na kasi ako. Sorry ha..." pagdadahilan ko.

"Sinungaling! If I know, iniisip mo na ang honeymoon noh?" tukso ni Jane.

"N-no! Ayoko ngang isipin yan eh,." pagtatapat ko kasi totoo naman talagang ayokong isipin ang tungkol dun.

"Bakit naman?" pag-iinterogate sakin ulit ni Jane dahil umalis saglit si Carlo kaya siguradong puputaktihin ako nitong babaeng toh.

"Ano ba? Change topic na nga lang tayo." sabi ko.

"Well, ikaw bahala basta lang wag na wag kang matutulog. Hahaha!" nagevil laugh pa ang bruha.

"Tigilan mo na nga yang panunudyo mo sa akin. Alam mo namang wala sa isip ko ang mga ganyang bagay diba. Sapat na sa akin ang maging asawa siya sa ngayon."

"Grabe ka! Ang martir mo girl daig mo pa si Doc."

"Sinong doc?"

"Si doctor Jose Rizal. Inagawan mo na siya ng trono."

"Sira! Hindi naman sa ganoon. Nagmamahal lang ako. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako higit pa sa isang kaibigan balang araw." at ito ang panata ko.

Ginanap ang reception sa mansion kung saan ay piling bisita lamang ang imbitado. Naroon ang mga magulang ko, sina Jane at Carlo, iilang kamag-anak nina tita Paula at Ralph na kung saan si Rene lang ang kakilala ko at ang pinaka hindi inaasahang bisita na dumalo ay si Nadia. Hindi ko alam kung sino ang nag-imbita sa kanya sapagkat ang alam ko ay nagkalabuan sila ni Ralph on our graduation ball. Yun nga ang dahilan kung paano at bakit nangyari ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano siyang pakikitunguhan ngayon kaya nagpaalam muna ako sa mga bisita at kay Ralph na magbabanyo ako sandali at tanging tango lang ang sagot niya habang nakamasid sa direksyon ni Nadia. Hindi ko na matagalan ang ganoong tagpo kaya nagmadali na akong pumanhik sa aking silid at nagkulong doon. Umiyak ako ng umiyak pero hindi ko alam kung bakit basta feeling ko lang ang bigat ng dibdib ko.

Laban lang Monica. Simula pa lang ito kaya wag na wag kang bibitaw!

Ng dahil din siguro sa halong pagod ko sa preparasyon at pag-iyak ay unti-unti na akong dinalaw ng antok.

Tok! Tok! Tok!

Malakas na katok mula sa pinto ang pumukaw sa aking pagkakaidlip.

"Monica anak, good morning! Pwede bang pumasok?" Pagkuway nagsalita si tita.

"Oo naman po." sabi ko at mabilis na bumangon.

"Mukhang napasarap yata ang tulog mo at tinanghali ka ng gumising." sabi sa kin ni tita habang papalapit sa kama.

"Oo nga po tita. Tinulugan ko pa kayo kagabi."

"Oh my gosh! Look at you..." parang nag-aalalang sinulyapan ako ni tita.

"B-bakit po?" nagtataka kong tanong.

"You look tired and parang galing ka sa pag-iyak iha. What's wrong?" nag-aalalang tanong ni tita na tumabi pa sa akin at hinaplos ang aking pisngi

"Wala po tita. Napagod lang po talaga ako kahapon at parang in-denial pa rin ako hanggang ngayon." pagtatapat ko.

"Sorry iha that this has caused you a lot of pain right now pero trust me, ito ang makakabuti sa inyo ni Ralph."

"I trust you tita. Siyanga po pala asan na po si Ralph?"

"He left early dahil first day niya ngayon sa office. Come, I'll join you for breakfast," anyaya ni tita.

"Sige po. Susunod na lang po ako sa baba pagkabihis ko."

"Okay. I'll wait downstairs."

Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon