Chapter 7

15 2 0
                                    


          "Oh that day, yeah I remember that. Hindi mo yata napansin na pagkapasok mo ay tumahimik ang lahat. You are not really aware of what's the effect of your presence." sabi niya habang nangingiti.

"Nakakaconscious naman. Anyways thanks for letting me know. Di bale, next time ay iba na ang itotoka ko sa athlete's league."

"Ang lungkot naman."

"I can't handle too much attention. Para akong hinuhubaran habang naglalakad."

"Alright then basta ako na ang date mo sa Prom, okay?"

"Sure na." at tinapos na namin ang walk-knot na yun. After the culmination ay tumambay na naman kami ng mga kaibigan ko sa may Acacia tree at tulad ng dati ay missing in action itong si Ralph.

"Kamusta si Richard teh?" excited na tanong ni Carlo.

"Maayos naman siyang kausap at straight-forward." sabi ko.

"What do you mean?" usisa ni Jane.

"He did ask me to be his date sa Prom."

"Oh eheeem! Ikaw na talaga teh!" bulalas ni Carlo.

"Sabi ko sayo friend. May something talaga yang si Richard sa friend natin." sabad pa ni Jane at naghigh-five pa ang dalawa.

"At may rebelasyon pa akong nalaman tungkol sa mga athletes na kasama niya sa club and take note siya ang nagtapat sa akin proactively so don't take this against me." pambibitin ko.

"Ano yan?" sabay pa ang dalawa.

"Marami daw ang maycrush sa akin sa Athlete's league. Di ba? Nakakawindang ng pagkababae?"

"Ikaw na talaga ang campus crush girl!" tili ni Carlo.

"Hoi! Ano yang campus crush na naririnig ko?" sabi ni Ralph mula sa likuran ko at kamuntikan pa akong mapatalon sa gulat.

"Grabe siya oh! Kung makasulpot lang..," sabi ko sa kanya.

"Kasi itong little sister mo Ralph is blooming now into being the sought-after campus crush." sabi ni Carlo.

"Talaga? 'Tong neneng to magiging campus crush?" sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Yup! As a matter of fact ay may nagyaya sa kanyang maging date sa Prom kani-kanina lang." dagdag pa ni Jane.

"And pumayag ka?" tanong ni Ralph sa akin.

"Yes. Si Richard Mendez lang naman na point guard ng varsity namin ang Prom date niya my friend." dagdag pa ni Carlo.

"What? Seriously at pumayag ka talaga Monica?" naiinis ng tanong ni Ralph.

"Oh mga mare baka gusto niyong sagutin ulit ang tanong niya." pabiro kong saway sa mga kaibigan ko na ngayon ay nagpeace sign na lang dahil sa nabanaag na reaksyon mula kay Ralph.

"Alright! Yes po pumayag ako at wala naman pong masama diba kasi siya naman ang unang nagtanong kaya pinaunlakan ko na."

"Hindi mo man lang ako nahintay?"

"Ano ka ba naman Ralph? May prom din naman kayo at ayokong obligahin kang samahan ako dahil iba na ang sitwasyon natin ngayon."

"Hindi mo ako inoobliga Monica. Kagustuhan ko na samahan ka sa Prom."

"Hindi na nga kailangan Ralph. I'm doing this for you and Nadia. Ayaw kong isipin niya na nakikihati ako sa oras mo." seryoso kong saad habang si Ralph naman ay hindi na umimik at nakatitig lang sa akin.

"Eheeem! Excuse me sa inyong dalawa but we think kailangan na naming umalis para makapag-usap kayo ng masinsinan. Sige girl see you tomorrow." paalam ni Carlo at tango lang ang sagot ko sa kanila. Habang si Ralph naman ay tinalikuran ako at mabilis na naglakad patungo sa parking area kung saan naghihintay ang sundo niya.

"Eto na naman tayo." bulong ko sa sarili at mabilis na sumunod sa kanya.

"Ano ba Ralph!... Aawayin mo lang ba ako dahil sa napakanonsense na dahilan?" halos pasigaw kong sabi sa kanya dahil malayo na siya sa akin.

Napahinto naman siya sa paglalakad pero hindi parin humaharap sa akin. I took that chance para makalapit sa kanya than I grab his arms para humarap siya sa akin.

"Please naman.. kuya naman.... NakaOo na ako sa tao eh. Nakakahiya namang bawiin yun and besides he's the first to invite me other than you and it flatters me. To know na may nakakaappreciate din pala sa akin kahit papano. Ibalato mo na sakin to." sabi ko habang si Ralph ay nakatingin lang sa malayo.

"Don't you ever feel less about yourself because you are special." sabi niya kapagkuway tumingin siya sa akin.

"Naks naman! Alam kong di mo ko matitiis eh." sabi ko at bahagya pang tinutusok-tusok ang tagiliran niya gamit ang daliri ko.

"Awat na. Sige I'll let you enjoy the moment but in one condition."

"Sure, ano yun?"

"Bawal ka pang magboyfriend because...."

"Because I'm still young and I need to prioritize my studies. Di ba yun yung kasunod nun?" sabat ko sa kanya.

"Mabuti naman at naalala mo pa."

"Naman! Ikaw ba naman tong paulit-ulit na pinapangaralan ng magulang mo tapos ng kaibigan mo. Wagas! Nakaengrave na yan sa utak ko."

"Good! You know how important you are to me kaya ayokong masaktan ka Monica."

"I know. Salamat sa concern pero kailangan ko rin namang magkamali at masaktan paminsan-minsa para matuto and that's part of life kaya chill ka lang at ipaubaya lang to sa akin."

"Bata ka pa pero matanda na talaga yang isip mo."

"What's new?" biro ko at naglakad na kami pareho patungo sa sasakyan nila.

Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon