Are you kuya's girlfriend?

Ngumiti ako sa kanyang umiling, hindi naman kasi talaga.

Thank you for the cake.

Ngumiti ulit ako sa kanya bago iabot ang cake.

Pagkatapos niyang maubos ang cake ng tahimik ay may sinulat muli sya sa iPad.

I like you.

Wow ha.

"Your kuya told me that you like playing the piano?" Sa wakas ay ngumiti narin sya at tumayo sa kama, agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak ako ng marahan sa may electronic keyboard na noon ko lang napansin sa kabilang sulok ng kwarto.

"Can you play a song for me?" I asked her, she nodded, agad naman akong umupo sa gilid habang pinagmamasdan siyang tumugtog ng Symphony #45. It was a classical piece by Mozart, yang piece din kasi na 'yan ang kauna unahan kong namemorize ng buo para sa isang piano class recital when I was still in London.

Napapalakpak ako nang matapos na sya, sinuklian naman niya iyon ng isang ngiti. Tumabi ako sa kanya at sinimulan ko ring tumugtog ng Swan Lake. Nang matapos ko ay sya naman ang pumalakpak, ang cute ng batang ito, di ko tuloy napigilan ang sarili kong kurutin ng marahan ang kanyang pisngi.

"Do you know Fur Elise?" I asked her, tumango naman ito ng marahan, "shall we play it?" Tumango ulit sya at sya narin ang naunang mag-press ng keys.

Pagkatapos nito ay biglang may pumalakpak sa bandang likuran namin, agad naman kaming napatingin  doon, nakatayo pala sa pinto ang tita Vera at si Lyndon.

"Ngayon ko nalang ulit narinig na nag-piano si Margareth." Sabi ng tiyahin nito habang papalapit sa amin.

"At ngayon ko nalang ulit sya nakitang ngumiti ng ganyan." Sabi naman ni Lyndon na yumakap sa kapatid.

Doon na ako sa kanila nagpalipas ng buong maghapon kahit sa pamamagitan lang ng iPad sumasagot si Margareth, natutuwa nga si Lyndon dahil hindi naman daw laging namamansin si Margareth, baka daw may magic yung lemon cake na dala ko, haha!

Natapos rin ang semestral break, pakiramdam ko ay mas lalo rin kaming naging close ni Lyndon. Nagulat pa ako nung pagbalik namin sa school, may white rose sa loob ng locker ko, galing kay Lyndon. Natawa lang ako dahil hindi ko rin alam kung paano niya nabuksan ang locker ko.

"Oh my God, Savannah! Oh my God!" Agad akong napalingon kay Mitchie na kulang nalang yata ay ipasok ang buo nitong katawan sa loob ng locker. Saka, first time ito na tinawag niya ako by my whole name, what's wrong?

"Are you alright?" I lightly tapped her shoulder.

Dahan dahan itong tumingin sa akin at saka di ko mai-explain ang facial expression niya, parang maiiyak na naeexcite na natutuwa, or it's just me? "B-Brent.."

Brent? Yung crush niya? "Uhm? What about him?"

"H-he dropped a note on my locker!" Saka niya mabilis na ipinakita ang isang white paper, agad ko naman iyong kinuha mula sa kamay niya at binasa ang nakasulat.

Hi, this is Brent Martinez, I'm your senior.

I dunno if you know me pero kilala kita, we live in the same village kasi. I wrote a note pala, kasi alam kong dito hindi ako mahihiya or whatsoever, if you have a free time sana ay pwede kang magmerienda sa labas kasama ako? :) Sorry, I'm not really good at expressing myself personally. I hope I could hear from you soon. :)

p.s. this is my no. 09175XXXXXX :)

- Brent

Di ko alam kung gaanong katagal na akong nakangiti sa pagbabasa pero naramdaman ko nalang ang biglang paghawak ni Mitchie sa magkabilang balikat ko.

"Bakla! Napansin niya ang beauty ko! Hindi poor ang eyesight ng lolo mo!" Tili niya habang tumatalon talon pa, napapangiti nalang akong napailing dito habang pilit pinapakalma ito.

"Shh, wag kang masyadong maingay." Nakangiti kong saway dito.

"Bruha, kung ikaw nasa kalagayan ko ganito rin gagawin mo! AHHHHH!" Di ko na tuloy mapigilan ang mapatawa sa inaasal niya.

"May balak ka bang tanggapin ang alok niyang merienda?"

"Syempre naman bakla! Getchings na dapat yan! Baka maunahan pa ako ng iba sa kanya no!" Saka niya inilabas ang cellphone niya at nag-umpisa nang mag-type, hula ko ay magpapadala na ito ng mensahe kay Brent.

Hinihintay ko lang syang matapos nang maalala ko yung mga sinabi sa akin ni Jan-Jan. Agad akong napatingin sa kanya, parang ang saya saya niya habang nagpapadala ng mensahe kay Brent. Kawawa naman siya.

"M-Mitchie?" Mahina kong tawag sa kanya.

"Yes bakla?"

"May gusto lang akong malaman.."

"Hmm, tungkol naman saan iyan?" Tumingin narin sya sa akin sa wakas at saka niya itinago ang cellphone sa bulsa.

"Di'ba bestfriend mo ako?" Di ko alam kung paano ko kasi uumpisahan, tumango naman sya, then I let out a deep sigh, "paano yung engagement mo?"

I could sense that she got a bit flustered for a second, pero agad ding nakabawi, "a-ah..s-sinabi sa'yo ni Jan-Jan no." Then she let out a fake laugh. I just nodded at her, her face suddenly fell.

"Di rin namin alam ni Jace kung paano namin lulusutan ito eh. I mean, may girlfriend sya, alam iyon ni Jan-Jan, at ako, eto nga iba rin ang gusto." Jace was the name of Janus' elder brother. Kung ganoon pala ay may girlfriend si kuya Jace, obvious na ayaw din sa arranged marriage nila.

"Wala pa ba kayong napag-uusapan ni kuya Jace?"

"Wala pa, pero galit sa akin yung girlfriend niya. Malamang naman teh, sa ganda kong 'to. Chos, eh paano pinipilit ko rin kasi si Jace na sya na ang mag-back out since may valid reason naman sya, wala kasing makikinig sa akin kapag ako ang nag-back out." Then she let out a deep sigh, "tatlong taon nalang ang natitira sa akin, si Jace lang ang pwedeng magbago." Parang nanonood lang ako ng drama? Ang kaibahan lang ay live ito.

"Okay ka lang?" Tanong ko rito, para kasing anytime ay iiyak na ito.

"Ay keberlu lang, basta enjoyin ko muna ang magiging date namin ni papa Brent! Hihi!" Medyo may pagka-bipolar ata ang babaeng ito eh?

Pagkatapos lumabas ni Mitchie kasama si Brent ay nakakatanggap narin ito ng mga kung anu-anong sulat sa locker niya, pero ang sabi naman ni Mitchie ay hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Brent nang minsang usisain ko ito.

Isang linggo narin akong nakakatanggap ng white roses sa aking locker nang hindi ko na mapigilan ang sarili kong kausapin si Lyndon tungkol dito. Ayos lang naman ang pagbibigay minsan ng bulaklak, pero wag naman araw-arawin, nasasayangan lang kasi ako sa mga ito dahil nalalanta rin kasi, mas okay kung chocolates, syempre biro lang.

Hinintay ko si Lyndon sa may school park, agad akong tumayo nang makita itong papalapit sa kinaroroonan ko. Malayo palang ay pansin ko na ang bulaklak na hawak nito.

"For you." He smiled as he stretched his hands with boquet.

Tinanggap ko narin iyon kahit pinagtitinginan kami nang ibang dumadaang estudyante, "di ka na sana nag-abala. Araw-araw ka din namang nagpapadala ng roses sa locker ko."

"Roses? I-I never give roses.." Napatingin ako sa kanya, ni hindi ito nakangiti, tila seryosong seryoso.

"H-ha? 'Di ba ikaw yung nagbibigay sa akin ng roses? I-I mean, one week na kasi akong nakakatanggap ng white roses sa locker ko." Mahaba kong paliwanag dito pero umiling sya.

"Promise, it's not me. I'm the guy who'd go for tulips rather than roses." Napatingin naman ako sa boquet na hawak ko at doon na-confirm na puro nga tulips iyon. "Do you have any other suitors?"

Suitors?

"W-wala.." Sinong nag-iiwan ng roses sa locker ko kung hindi pala sya?

-------------

A/N May UD nanaman..mabuhay! Pwede na akong mag-marathon ng The Big Bang Theory at The Walking Dead, manonood muna kami ni Van. :)

My Happy EndingWhere stories live. Discover now