Trabaho

345 0 0
                                    

Hindi ko mawari kung bakit sa tuwing yayayain ko ang aking ina sa meeting ng guro at magulang ay umaayaw siya. Ang sabi niya nahihiya daw siya. Bakit naman siya mahihiya? Wala naman siyang ginagawang masama. Nagtatrabaho naman siya. May bahay naman kami. Dahil kaya kay tatay? Iniwan niya kasi kami sa di ko malamang dahilan. Nung papaalis na siya, tinanong ko siya kung bakit siya aalis ngunit ang sagot niya lamang sa akin ay itanong ko raw kay nanay. Noong tinanong ko siya, hindi naman siya sumagot.

Di kaya dahil sa trabaho niya? Tuwing gabi kasi ang trabaho niya. Sabi niya sa night shift daw kasi siya naka- assign. Ano ba kasi ang trabaho ni nanay na di niya masabi sabi sa akin? Ang alam ko lang kasi ay sa tuwing aalis siya, lagi siyang naka short na sobrang ikli at naka- blusang kita ang tiyan, at laging ang kapal ng make- up.

DagliWhere stories live. Discover now